VIOLET'S POV
Maaga akong ginising ng maliliit na halik na iyon sa kaing pisngi. Pinupog niya ako ng halik. Niyakap at kiniliti para lang gumising ako. Nakita ko ang mga papatubo pa rin niyang ngipin. Nakakatuwa ang aking anak.
"Mommy, wake up...wake up..."
"Sweetie, it's still too early for you to wake up."
"Mom, you promise that you'll bring me to ninang Annie. "
"I don't remember I told you that.' Nakapikit pa ang mga mata ko. May tinatapos kasi akong kuwento kaya late na kaong natulog kagabi.
"But mom, you promised...."
"Xamxam, mommy is still sleepy darling...."
"Mommy, I want to go with you."
"And whose with Lola Cherry the whole day?"
"Lola Ana is here again. Mom, pleaseeee!" Nagmakaawa siya. Hinila ko siya at iinihiga sa aking bisig at kinilik ng aking malalakas na braso.
"Let's sleep atleast 30 minutes more, Sweetie..." Hindi na kumilos si Xam.
Maaga pa rin kaming gumising. Wala naman kasi akong exact time sa pagpasok. As long as makaka-8 hours ako, I can go home anytime. Kinuha kong ninang si Melanie. Lahat ng mga writers doon ay takang taka sa batang kasama ko pero walang nagtanong kumbakit mommy ang tawag sa akin ng bata. Xam just existed one day in the office. The only and the first child to be running in the office kaya lahat ng mga writers at ibang empleyado na wala sa writing staff ay natuwa. Nagbigay sa kanila ng kakaibang ngiti ang pagdating ni xamxam.
Bibo ang aking anak. Masyado siyang madaldal. Kuwento ng kuwento. Bigla na lang may papasok sa cubicle ko at magtatanong kung totoo ba ang sinasabi niya. "Gawa-gawa lang niya iyon...Wild kasi ang imagination niya. Parang ako lang..."
She would always talk about his father. Sinabi ko kasi sa kanya na kamukha niya si Max. Pogi ang binata at masasabi kong worth naman kung makikipag-away kay dahil sa kanya. I told her, I love that man. Hindi ko syiempre sasabihing ginahasa ako ng kanyang daddy at siya ang naging bunga. Magiging masakit iyon para sa kanya.
Hindi man niya naiintindihan kong ano ang pakiramdam ng rape, balang araw, masasaktan siya sa pangyayari at ayokong kamuhian niya si Max. He is still my bestfriend.
Maaga kaming dumating sa building na iyon. Behave naman siya dahil medyo takot siya sa pag-akyat sa elevator. Ayoko lang siyang isakay ng escalator dahil makulit siya at medyo may kalikutan para sa kanyang edad.
"Xam, behave inside ninang's cubicle, okay!"
"I'll just play her gadget." Prepared si Melanie sa mga panunuhol para hindi rin siya maistorbo. High tech ang kanyang mga gadgets. Palaging updated.
"Ninang Annieeeee...." Sa pinto pa lang ay sumigaw na siya. Wala kaong masabi. Lahat ay lumabas ng kanilang cubicle at gusto ring sumalubong sa unang bata sa Love Publishing House.
"Oh, ang laki na ng baby namin."
"Ninang, I missed you." Niyakap niya si Melanie at tuwang tuwa naman sa kanya ang babae.
Pagdating ng tanghali ay hindi ko na siya napansin. Hinanap ko si Xam. Well, hindi lang ito ang first time niya sa lugar kaya alam kong alam niya ang kasunduan namin na hindi siya lalabas ng publishing house. Hindi rin siya papayagang lumabas ng guwardiya maliban lang kung abala din silang lahat sa ibang bagay. pero maya-maya lang ay narinig ko ang malakas na paahaw ng iyak niya. Kinagat ng tuta si Xam.
"Mommy, I'm sorry. " sabi niya. "I was just teaching him a trick then ..." Umiiyak ang bata sa takot na mapagalitan ko at hindi sa takot ng rabies. Anong alam niya na may rabies ang aso at puwede niyang ikamatay iyon.? Nagmadali kaming umalis para mapaturukan ko siya ng anti-rabies sa kalapit na ospital.
Maaga tuloy kaming umuwi.
Kinabukasan ay hindi ko na siya isinama sa trabaho. Pinapahinga ko na lang dahil masakita din ang ineksyon na ibinigay sa kanya. Mabuti na lang at umuwi kami ng maaga dahil kung hindi nagkita sila ni Max sa publishing house. Kaaalis lang daw namin ng dumating si Max.
"Nandyan ba si Ms. Violet." Pinapasok naman daw dahil nag-iwan naman ng id at sinabing importante kahit kitang kita na bulaklak ang dala. Hindi naman mukhang delivery boy kaka nakapasok kaagad. Dinaan na naman ni Max sa papogi.
"Max, what brings you here?" si Melanie daw ang nakausap niya.
"I came to bring her flowers."
"Naku, kaaalis lang ni Violet." Hindi na niya binanggit na magkasama kami ni Xam.
And what will happen next? Ipakikilala ko ba si Xam sa kanya o bahala na. Kapag nahanap niya ang bahay namin ngayon, hindi ko na maitatago si Xam sa kanya. Anyway, matagal na rin siyang itinatanong ni Xam. Sa mga tv shows lang niya nakikita si Max. And she has become an avid fan of his father. Palagi niyang pinanunood ang ama sa Fashion Channel.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Roman d'amourA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
