BIPPITY, BOPPITY, BOOP!

12 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Tirik na ang araw at maliwanag na kuwarto ko. Patay na ang lampshade sa tabi ko kaya malamang kanina pang pumasok dito si Mama. Uminat ako ng todo. Nag-inhale –exhale muna habang nakaupo sa kama saka nag-stretch ng mga braso pati ang mga daliri ko. Inikot-ikot ang aking leeg at nagpakawala ng mahabang buntung-hininga. Hindi ko namalayan na kanina pang nasa loob ng kuwarto ko si Max. Nakatutok siya sa kanyang gadget.



Madalas siyang magbasa ng libro sa tablet. Mga ebooks daw iyon. Mahilig siya sa mga classic books, pati Romeo at Juliet , mga kuwento ni Shakespeare, mga Greek Mtyhology ay pinapatulan niyang basahin on-line. Gumagastos din siya ng pera pero credit card ang paraan ng pagbabayad.



Yayamanin ang bestfriend ko kaya huwag isnabin. Madali para sa kanya ang mga bagay-bagay dahil mapera siya. Matalino tulad ng sabi niya at higit sa lahat, mabait at mabuting tao kaya lang mahina ang loob.



Hindi pa siya sasagutin ni Carla kung hindi ko siya tinulungan.



"Ahhhh, gusto ko pang matulog..."


"E di matulog ka..." Nakapikit pa ang mata ko at umupo ako sa gilid ng aking kama habang hinahagilap ng aking mga paa ang bedroom slippers ko. Humikab akong muli at saka ibinagsak ang aking pagod at puyat na katawan sa kama. Hindi ko pinansin ang boses na sumagot sa akin kanina.


"Kasi naman eh..." Sabay padyak ko. Naiirita na ako . Daig ko pa ang batang nagta-tantrum dahil naistorbo sa pagtulog. Nakapikit pa rin ang mata ko.



Saglit akong tumahimik. Naramdaman kong lumundo ang aking kama pero parang nakaidlip ako at binalewala ko ang nangyayari sa aking paligid.



"Pssst! Violet, gising na..." Narinig ko ang pamilyar na bulong na iyon. Iminulat ko ang aking mga mata at



Bumungad sa akin ang mukha ni Max. Halos magkapalit kami ng mukha sa lapit. Naduduling ako sa kanya. Kita ko ang apat niyang mata at lumabas ang ngipin niyang napapalamutian ng makulay na alambre. Napabalikwas ako at bumangon kaagad pero nagkauntugan kami at dumausdos ako sa gilid ng kama.



"Arayyyy!" Parehong hawak namin ang aming noo. " Putsa naman, Maxxxxx!"


"Sakit noon ah! Ouch! Why did you do that? " Hinihilot niya ang kanyang noo.


"Bakit kasi anglapit ng mukha mo sa akin?"


"Kanina ka pang ginigising ni Tita Cherry. Akala ko nga bumangon ka na. 10am na po"


"Angsarap kasing matulog...." Kinuha ko ang aking unan at humiga ulit ako. Tumalon naman si Max sa kutson. Kumuha rin ng unan at tumabi sa akin. Niyakap niya ako atsaka naglambing. Natural na sa amin iyon. Walang malisya, para kaming magkapatid. Pareho kasi kaming solong anak. Bestfriend ang mga mama naming dalawa.



"Friend, break na kami ni Carla."



"WHAT?" Nawalang bigla ang antok ko. Bigla akong napabangon . Inalis ko ang pagkakayakap niya sa aking beywang. Bumangon din siya at takang – takang tumingin sa akin."Ayoko ng ganyang biro,Max..." 


Tumulo ang luha ni Max. Ay, hindi na ito biro. Hindi nga siya nagbibiro. Atsaka sa dinami -dami ng gagawing biro... bakit break up pa?



HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon