SCARY NIGHT

15 0 0
                                    

PARIS'POV



Na-late ako ng alis sa clinic dahil nakipagkuwentuhan pa si Gavin. Inusisa niya ako sa pag-absent ko ng tatlong araw. Hindi naman ako nagkaila. Halata pa ang pasa ko sa pisngi kaya wala akong maitatago kahit naka-face mask ako. Pagdating ko ay kaaalis lang daw ni Violet. Naplakahan naman ng guwardiya ang kotse. Kotse iyon ni Max. Pero kinabahan ako ng hindi ko na makontak ang cellphone ni Viole. Parang nakapatay ito.



Pinuntahan ko si Tita Cattleya at noon lang kami nagkitang muli. Niyakap niya ako dahil anglaki daw ng ipinayat ko.



"TIta, nasaan po si Max?"


"Huh, bakit mo hinahanap si Max?"


"Sinundo niya si Violet pero wala pa po siya sa bahay hanggang ngayon. Out of reach na ang cellphone ni Violet. Na-lowbat o naka-turn off, hindi ko alam..." Kinabahan ako dahil gabi na.



Maya-maya pa ay dumating si Max at halatang may ginawa siya. Kinuwelyuhan ko siya kaagad.



"Saan mo dinala si Violet?'


"Nag-usap lang kami ni Violet... Kumain..."


"Mananagot ka sa akin kapag ..." Pinakawalan ko siya. Talagang nakakasagad siya ng pasensiya.Para pa rin siyang bata. Nagmadali akong umuwi at nakita ko si Violet na nakaupo sa aming pintuan at halos wala sa sarili.


"Violet... Violet..." Tinitigan ko ang kanyang namamagang mga mata. Kanina pa siyang umiiyak. Sino ang nagpaiyak sa aking pinakamamahal na Violet?


"Paris, si Max... "


"Anong ginawa ni Max? Sabihin mo sa akin ang totoo, Violet. Hindi ako magagalit sa'yo. Makikinig ako." Hindi halos makapagsalita ng diretso si Violet. Nahabag ako. Kanina pa niyang gustong humagulgol pero parang may nakabara sa kanyang dibdib.


"Paris, ginahasa ako ni Max.... huhuhu..." At doon siya sumigaw ng iyak. Niyakap ko si Violet. Hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ni Max kay Violet.


"Walanghiyang lalaki ! " Aalis sana ako pero pinigilan niya ako.


"Iiwan mo rin ba ako? Pandidirihan mo ba ako sa nangyari,Paris?" Tanong ni Violet pero hindi ko siya kayang iwan sa kanyang kalunus-lunos na kalagayan.


"No, Violet." Napaiyak ako sa nalaman ko. "Sshhhhh, nandito lang ako Violet." Binuhat ko siya ng aking mga braso at maingat na ipinasok sa loob ng bahay. Naupo kami sa sopa. Pinahid ko ang ang kanyang luha na tila hose ng tubig.



Ni hindi maawat sa pagtulo. "BInaboy niya ako....aaahhhh!" Mahigpit kong niyakap si Violet. Umakyat kami sa loob ng kuwarto. Iniwan ko siya para kumuha ng tubig ngunit dinig ko ang patuloy na lagaslas ng tubig mula sa shower. Matagal. Tila walang kumikilos sa loob.



"Violet...Violet..." Napilitan akong tawagin siya. Pero pagbukas ko ng pinto, nakita ko siya sa ilalim ng shower at pinatutuluan lang ng tubig ang sarili. Ni hindi siya tumatayo doon. Napilitan tuloy ako ng paliguan siya. Pagtayo niya, puro pasa ang kanyang braso, puro kalmot at kagat ang kanyang dibdib at balikat. Halatang pinaggigilan siya ni Max. Maging ang hita niya ay may mga pasa at kagat. Ibig sabihin, halos ginalugad ni Max ang kabuuan ni Violet.



Hinintay ko siyang makapagbihis ng pambahay. Naupo kami sa mesa pero tinitigan lang niya ang pagkain. "Violet, manghihina ka kapag hindi ka kumain." Hindi rin siya nakakain.



"Wala akong ganang kumain, Paris. Salamat na lang..." Sa halip na umiyak sa harap ng kainan ay tumayo siya at umakyat sa taas ng kuwarto. Nagpapahid siya ng luha habang umaakyat ng hagdan.



Pagpasok ko ng kuwarto ay nakahiga na siya at nakatalikod sa akin. Tinabihan ko siya.



"Violet, iiwan mo ba ako? " Tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. "Alam mo, hindi ko pa naikukuwento sa iyo na gusto na rin kita kahit noong hindi ka pa kagandahan. Ninakaw ko nga 'yong picture mo kay Max. Kaya hindi talaga kita namukhaan sa probinsiya. Hindi ko naman inaasahan ang pagtatagpo natin." Hindi pa rin siya umimik. "Huwag mong isiping magbabago ako. Huwag mong isiping iiwan kita dahil sa nangyari. Nang gabing may mangyari sa atin... kahit pinilit mo ako, lalo kang napamahal sa akin. Hinding hindi kita iiwan kahit ano pang mangyari. " Dinig ko ang hikbi ni Violet. PInaharap ko siya sa akin. Alam kong hindi siya makakatulog dahil sa nangyari. Humikbi siya ng humikbi sa dibdib ko. Niyakap din niya ako ng mahigpit. Bahagya siyang tumahimik ngunit napapapitlag siya at nagigising bigla sa gulat. Mukhang na-trauma si Violet sa nangyari.



Hindi siya bumangon para pumasok sa trabaho kinabukasan. Gising na siya pero nakahiga lang. Itinago niya ang kanyang mukha sa unan at ayaw niyang makipag-usap sa akin.



Pagbaba ko sa sala ay napansin ko si Tita Cattleya sa bakuran namin. Hinanap kaagad niya si Violet. Halos maghysterical si Tita Cattleya ng makita niya si Violet. Ipinakita ko kung paano nasaktan si Violet kay Max.



"Suskopo, Paris..."


"Tita, hindi ko alam kung anong demonyo ang pumasok sa kukote ni Max." Napasuntok ako sa aking palad dahil hindi ko palalampasin ang ginawa niya.


"Paris, nagdurugo yata ang ilong mo, Iho..." Nakita kong nagulat si Violet at mas nag-alala sa akin. "Masama ba ang pakiramdam mo. Palagi bang nagdudugo ang ilong mo?"


"Violet, halika,sabay na tayo nina Tita. Kumain tayo po sa baba."Napakain ko naman si Violet. Balewala ngayon ang pagdurugo ng ilong ko. Ang mahalaga madaming nakain si Violet .



Naupo kaming tatlo sa sala. Pinag-usapan namin ang nangyari. Umiyak lang si Violet.


"Gusto mo bang sampahan ng kaso si Max?" Tanong ni Tita Cattleya. Umiling si Violet. Bumaling siya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit. Walang magsasampa ng kaso kay Max. Ako ang sisentensiya sa ginawa niya kay Violet.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon