MAX'S POV
Pagkababang – pagkababa ko ng eroplano ay humanap kaagad ako ng taksi upang ihatid ako condo unit nina Violet. Pero sa front desk palang ay hinarang na ako. Marami kasi akong dala. I was thinking na baka tutulungan lang naman ako.
"Saan po ba natin 'to iaakyat , Sir?" That was exactly what I need...help.
"Doon kina Miss Sulliven."
"Miss Sulliven..." Napaisip pa siya. "Ah, si Ma'am Violet." Naglakad na ako patungo sa elevator. Excited ako eh. Nagtatakbo ang binata habang humahabol sa akin sa kabila ng mga bitbit niya.
"OO, kauuwi ko lang. Magugustuhan ito ng mga anak ko." Masaya pa akong pumasok ng elevator. Tinulungan ako ng binata na dalhin ang mga iyon. Actually, mukhang bago sila doon at hindi nila ako namumukhaan.
"Ah Sir..." Nginitian ako ng roomboy.
"Bakit?" Napailing na lang siya. Hawak niya ang malalaking laruan ni Xamxam at Mavi. Hawak ko naman ang mga libro nilang dalawa. Lumabas kami ng elevator paghinto nito . Naglakad na kami palabas. Sa left wing ang condo unit nina Violet. Makapigil hininga pa ang pagpindot ko sa doorbell. Kinakabahan ako. This is a surprise... Walang pasok ang mga bata dahil weekend naman. Sabay pindot ng doorbell pero walang nagbukas. Isang pindot ulit...wala pa rin...Okay, huling pindot. "Mukhang umalis yata ang aking mag-iina." Sabi ko pa sa binata. Alanganin pa siyang magsalita. Seryoso niya akong tiningnan.
" Sir, matagal na pong wala dyan sina Miss Violet. Isang taon na rin po." Nasa tapat na kami ng pintuan ng mga oras na iyon. Napabuntunghininga na lang ako.
"Ha!"
Hindi na daw niya nasabi sa akin dahil nga excited akong umakyat sa unit nina Violet. Atsaka, first time kung uuwi na may pasalubong, unlike dati.
Saan ko hahanapin sina Violet ngayon? Ang sabi ni Mama, maayos naman ang kalagayan nila. Graduating na si Xamxam kaya ako umuwi. Pinauuwi ako ni Mama kasi nga honor daw siya. Napagtulong na lang akong ibaba ang lahat ng iyon. Nagpatawag din ako ng taxi para ihatid ako sa Choco Hills. Doon muna ako.
Saan ko hahanapin ang aking mag-iina ngayon? Tuliro ang isipan ko ng mga oras na iyon. Ang masaya at surprise na uwi naging malungkot. Wheww!!!!
Tahimik akong pumasok sa bakuran. Ah...lalong nakakapagod ang ganitong buhay, wala ka man lang madadatnan sa bahay. Wala man lang sasalubong sa iyo. Nanlumo ako. Tiningnan ko ang bakuran. Berde naman ang mga halaman at halatang inaalagaan.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomantikA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...