Isa pa sa mga nakahiligan kong gawin ang pagsusulat ng diary. Well, palagi kasi akong mag-isa. Palagi rin akong nag-iisip. Wala akong masyadong kausap, maliban kay Max kung pupuntahan niya ako sa bahay. Saka lang ako mag-iingay sa loob ng kuwarto.
Dear Diary,
Nakita ko na naman ang Triboli... " Bully Trio" syiempre sina Olivia, El Xandria at Paolo ang tinutukoy ko. Pangalan pa lang kontrabida na sila. Mainit na naman kami sa mga mata ng tatlong iyon. Hay naku, kailan kaya nila kami tatantanan.
Natanong ni Bestfriend kung may crush daw ba ako. Oo naman, ang dami nga nila eh. Hay kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend? Mabuti pa 'yong mga kaklase ko, mukhang magkakaroon sila ng mga Promdate. Naalala ko kung paano nagpropose si Leuwan kay Venexity, two years ago. Sa akin kaya, paano ko ba gustong magpropose ang ka-date ko? Maybe something that has never been done before by anyone... Wish ko lang talaga! Sana magka-boyfriend na ako.
But anyway, malakas talaga ang kutob ko na hindi siseryosohin ni Carla ang kaibigan ko. Dati si Marian at Alexa, wala pang isang linggo, break na sila. Kahit man lang sana isang linggo, paabutin man lang ni Carla. Sobra naman sila kay Bestfriend. Masyado silang harsh. Nakakaawa na si Max. Durog na durog na ang kanyang puso.
Sa tuwing maha-heart –broken si Best , gusto niyang uminom. Ako palagi ang inuutusan niyang bumili ng beer sa kanto. Ako namang isang uto-uto at kalahati, susunod din kaya mega gawa ako ng alibi kay Mama. Mabuti nga at hindi kami nahuhuli.
Tapos, sa akin na naman siya iiyak. Mag-iinuman kami dito sa loob ng kuwarto para samahan siya sa kanyang kalungkutan. Hay naku, tapos sa sopa na naman siya matutulog at magsusuka. Mangangamoy suka na naman ang loob ng kuwarto ko. Naku, kapag ginawa niya iyon, siya ang paglilinisin ko ng buong kuwarto hanggang sa bumango ito.
Masaya ako dahil natapos din ang araw. Thanks God, it's Saturday!
Bye, Diary. Bukas ulit.
Muli kong sinulyapan ang mga pahina na aking diary. Mukhang kailangan ko na ulit bumili. Ngumiti ako atsaka kumuha ng blankong notebook sa tabi nito. Gusto kong gumawa ng kuwento. Si Max ang gagawin kong bida. Ang pamagat: Ang Isang Linggong Pag-ibig ni Max
Hindi ko na namalayan ang oras. Alas dos na pala ng madaling araw. Natapos ko ang buong kuwento. Muli ko itong binasa bago ako tuluyang natulog ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Любовные романыA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...