VIOLET'S POV
Alam kong uuwi si Max anytime soon as he announced to the worldwide world na uuwi siya at muling magpapakasal. I saw this lady seated beside her. And so, I was in total despair...hindi na ako aasa sa pangako ng kahit na sinuman.
Magiging kuntento na lang ako sa aking mga anak. That's what I have resolved sa tatlong araw namin sa Batangas. Nilibang ko ang aking sarili ngunit pagdating ng gabi, bote ang kausap ko...bote ang kaharap ko.
Dinalaw ko ang puntod ni Paris at Mama...nagsumbong ako. Umiyak ako sa harap nilang pareho pero sa bandang huli...panalo pa rin si Max. They both knew that I loved Max very much. Tiyak na hahanapin kami ni Max. Una niyang pupuntahan ang condo pero tiyak na ikagugulat niya na matagal na kaming wala doon.
Since, hindi ganoon kaganda ang kalagayan ng kalusugan ni Mavi at hindi rin advisable sa akin ang mga elevated floors tulad sa condo kung saan kami uuwi after kong maaksidente, pinilit ako ni Mama Cattleya na sa dating bahay ko na lang kami bumalik at tumira. It is still mine afterall. And so we did in no time.
Sabay-sabay kaming naka-recover. Bumuti ang kalusugan ni Mavi dahil palagi siyang pinagpapawisan dito. Nakakapaglaro siya, nakakatakbo at nakakapamasyal tuwing umaga sa playground ng subdibisyon habang itinutulak din ako ni Xam.
But this is the moment to face Max again...the final verdict is yet to come pagbalik niya. Minabuti ko na ring mag-resign upang mas mapagtuunan ko ng pansin ang mga bata at ang negosyo sa probinsiya kung sakaling makalipat na kami.
This is the point of no return. I have to decide what is good for me and my family. Max is about to begin his life. Happy and contented. And he deserved to be happy anyway. Magkakaiba kami ng pinagdaanan, naghirap din siya...
Tahimik kaming pumasok sa sala ng kabahayan. Palinga-linga siya. Nasa taas na si Mavi kasama ni Mama.
"Have a sit." nakita naming nakahanda na ang simpleng almusal...Sa dining table kami dumiretso.
"Thanks..."
"I am happy that you are back. "
"Violet..."
"Max, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Hindi ko naman sa iyo ipagkakait ang mga bata. You may be surprise to see Mavi. Yes, he is your son. You can come here. By the way, we are going to vacate this place right after Xamxam's graduation... Teka pala..." Nagmadali kong tinungo ang drawer ng aking working table.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...