PARIS' POV
Tinawagan ko ang opisina nina Violet. Medyo nag-alala sa kabilang linya si Melanie ng mapabuntunghininga ako. Pupuntahan daw niya si Violet sa bahay. Napalingon ako kay Violet. Nawala na ang kanyang sigla at nakasalumbaba lang sa salamin habang nakatanaw sa labas ng bakuran.
Nalaman daw ni Melanie na hindi ako ang sumundo kay Violet kahapon at mukhang nakatunog daw ang guwardiya kaya isinulat ang plate number ng kotse. Sinabi ko naman na pinsan ko iyon...Si Max. Kilala din pala ni Melanie si Max na dati niya itong kasintahan. Pero hindi na siya nakadaan dahil matraffic ng araw na iyon.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tinungo ko ang dating street ng lumang bahay nina Tita Cattleya. Nasa bakuran si Max at nagbababad sa arawan habang umiinom ng alak ng ganoon kaaga.
"Walanghiya ka! Bakit mo nagawa iyon kay Violet!" Malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ni Max. Isa pang suntok sa kanyang sikmura na sukat niyang ikayuko. Ni hindi siya makatayo. "Anong kasalanan sa iyo ni Violet? Hindi mo man lang inisip ang pinagsamahan ninyo para lapastanganin mo siya ng ganoon..." Napaiyak ako sa sobrang galit kay Max. Sinuntok ko pa siya sa ikatlong pagkakataon...Apat, lima...at isa pang malakas na suntok sa sikmura.
"Ganito ba ang igaganti mo sa mga pagpapahirap mo sa kalooban ni Violet? Halos patayin mo si Violet. Kinuha mo na nga ang kinabukasan niya tapos bababuyin mo pa siya. Hindi ka ba nakonsensiya. MAGSALITA KA! MAGSALITA KAAAAA! WALANGHIYA KA! " May kasama pang tadyak iyon ng sumadsad siya sa damuhan ng kanilang bakuran. Wala pala doon si Tita Cattleya dahil mamimili ito.
Pareho kaming umupo sa isang bench. Iyak ng iyak si Max. "Tapos ngayon, iiyak-iyak ka."
"Kumusta si Violet, Insan?"
"Huwag mo akong tawaging pinsan dahil wala akong pinsan na katulad mo." Nagulat si Max ng makitang dumudugo ang ilong ko. Inilislis niya ang long sleeves ko. Hinila ko ang aking braso.
"Paris, nagpapakonsulta ka pa ba sa doktor? Anglaki ng ipinagbago ng katawan mo ha!"
"Huwag mong baguhin ang usapan. Hindi na mahalaga kung ano ang kalagayan ko. Max, bakit naman ganoon?"
"Paris, masyado akong naging desperado. Nawala ako sa katwiran ng ilang beses akong iwasan ni Violet. Hindi ako sanay na binabalewala ni Violet. Tama ka...Iba ang pinagsamahan namin ni Violet. Na-miss ko ang mga panahong iyon. "
"Hindi na siya magsasampa ng kaso pero ipapakiusap ko sa iyo na layuan mo si Violet."
"Paris..."
"Makinig ka ,Max. Na-trauma si Violet sa ginawa mo. Hindi siya makakilos ng tama. Wala siya sa sarili. Kailangan ko siyang paliguan. Kailangan ko din siyang pilitin pang kumain. Ni hindi ko alam kung payapa siyang nakatulog kagabi. Hikbi siya ng hikbi sa tabi ko."
Umiyak ng tuluyan si Max. "Patawad. Masyado akong sakim. Alam kong hindi ako mapapatawad ni Violet. Galit na galit siya sa akin. "
"Max, paano ko ipagkakatiwala si Violet sa iyo? Ganito pa ang nangyari. Nararamdaman kong hindi na ako magtatagal."
"Patawad, Paris. Hanggang sa lumaki tayo ay naging salbahe ako sa iyo. Palagi kong inaagaw ang mga bagay na sa iyo naman talaga."
"Max, walang sinuman ang may-ari kay Violet. Hindi siya tulad ng isang bagay na dapat ariin. Sana iningatan mo siya tulad ng kung paano mo siya minahal noong una. Aalis na ako. Walang kasama si Violet sa bahay. Nangyari na ang nangyari. Huli na para magsisi..."
"Alam na ba nina Tita Cherry?"
"NO, ayaw niyang ipaalam sa kahit kanino ang nangyari. Bakit? Gusto mo ba?"Napailing din siya. Hindi ko alam ngayon kung ano na ang mangyayari kay Violet kapag may nangyari sa akin. Hindi kasi niya alam na nagpapaturok ako ng steroid para kahit paano ay lumakas ako pero hindi magtatagal, lalong hihina ang sistema ng katawan ko kaya mas madalas ako ngayong mag-nosebleed. Matindi na rin ang lagas ng buhok ko. Itinatago ko lang ang lahat ng buhok ko para hindi makadagdag sa alalahanin ni Violet. At ni minsan ay hindi niya nakita ang mga pasa sa aking katawan.
Naabutan ko si Violet na nagdidilig ng halaman sa bakuran. "Violet!"
"Paris..." Patakbo siyang yumakap sa akin at iniwang umaagos ang tubig sa hose. "Akala ko di ka pa uuwi. " Sabi niya. "Mmm, bakit naglalagas ang buhok mo?" Sabay pagpag ng mga buhok sa aking balikat.
"Nasabit ako sa tinik ng halamanan dyan sa kalyeng nilikuan ko." Sabi ko para di siya mag-alala. Nakayakap sa leeg ko si Violet. Tinitigan ko siyang mabuti. Ang babaeng hindi ko akalaing makakasama ko ngayon, mahahawakan, mayayakap ng ganito at higit sa lahat hindi ko akalaing magtatagpo kami ni Violet ano pa man ang sitwasyon namin ngayon.
"Bakit mo ako tinititigan ng ganyan?"
"Well, I just can't believed that you are in my arms now. Oh Violet, My Violet, how I love thee?"
"Oh Romeo, Oh Romeo... My Paris...."Gusto kong matawa sa kaetchosan naming dalawa. Drama lang pala. Theather play ang taste...
"I love you, Violet" Isinubsob ni Violet ang mukha niya aking balikat. "Hindi ko hahayaang magkalayo tayo ngayon. Huwag mo akong iwan. Hindi kita iiwan kahit anupaman ang nangyari sa inyo ni Max. Huwag mong iisiping may magbabago. Huwag na huwag. Mahal na mahal pa rin kita. "
"Paris, bakit sobra-sobra mo naman akong minahal?"
"Kailangan pa bang ipaliwanag ang lahat? Hindi pa ba sapat na mahal na mahal kita kaya ako nandito sa tabi mo ngayon?"
Hinalikan ko si Violet at pinangko sa aking braso at ipinasok sa loob ng bahay. Minsan lang itong mangyari sa buhay ko at hindi na ito mauulit pa kahit kailan. Hindi ko na hiniling na mabuhay ako ng matagal. Ang mahalaga ngayon ay kasama ko siya.
Violet....
You are the best thing that happened in my life....
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...