SHOWING UP

19 2 4
                                    


MAX'S POV



Binagtas namin ang daan patungong Sapang Putol. Pinasok namin ang isang daan na bahagya ang damuhan ngunit sadyang daanan ng sasakyan, mga sasakyang pang-araro at mga hayop na ginagamit sa sakahan. Nakakatakot maglakad doon lalo na siguro sa gabi, pakiramdam ko sasabay ang mga ahas sa paglalakad sa akin. Katabi ito ng bukid at pilapil na puno ng tubig. Dinig ko ang tunog ng irigasyon. Nagtatanim ng palay ang mga tao ngayon.



Nagulat si Paris nang makita akong bumaba ng kotse.



"Ala eh, si Maximus na ba are? Hay oo nga... Inang, si Maximus ho eh nandito na..." Lumabas ang di katandaang babae, halos kaedad lang ni Mama. Nagmano ako dahil hindi uso dito ang beso. Luminga siya sa aking likuran at tila ba may hinahanap.


"Ay nasaan ang iyong mama, Max..."


"Tita Ana...Kumusta po?" Tatiana ang tunay niyang pangalan.


"Naku, dinalaw kami ng sikat ng modelo. Ikaw talaga , Max. Naku, ikaw na bata ka. Ginulat mo kami. Nasaan na siya?"


"Sino po?"


"Si French Girl...Nasaan na? Hindi mo ba isinama? " Iniwan ko kasi sila ni Mama dahil si Violet ang dinayo ko sa probinsya. Nahalata kaagad ni Paris na hindi maganda ang expression ng aking mukha.



"Naku, si Mama kung sinu-sino ang hinahanap? Insan, kumain na ba kayo? Tatawagin ko ang driver mo at kumain muna kayo."



Hindi ako halos makakain. Naaalala ko ang nangyari. Napasulyap ako kay Paris. Pinilit ko pa ring kumain. Pagkatapos ay lumabas kaming dalawa.



"Akala ko ba si Marvi ang pakakasalan mo? Anong nangyari?"


"Nadisgrasya eh!"


"Ano? Akala ko pa naman, malakas ang kontrol mo tapos bumigay ka kay French Girl."


"Fiona ang pangalan niya. Ikaw? Kumusta? Hindi ka pa ba mag-aasawa?"


"Wala pa eh pero mamaya may date ako sa sayawan. Inimbitahan ko 'yong only daughter ni Mrs. Sulliven, galing Maynila...Grabe, Max... ngayon lang ako nakakita ng ganoon kagandang babae. I tell you, I want to marry that woman right now."


"Naku tumigil ka, Paris. Kilalanin mo muna bago mo pakasalan ?"


"She is just perfect for me, Pinsan..."


"Anong pangalan?"






"Uy, umuwi ka saglit dito" Sabi ni Paris. " Nandito na 'yong magiging girlfriend ko. Syiempre, gusto kong makilala mo at kilatisin kung pareho tayo ng taste pagdating sa babae ." Sabi niya. pero hindi na kami nagpang-abot. Hindi pumayag sina Tita na umalis kaagad ako. Hindi na ako nakasalo sa hapunan nila. Humiga lang ako ng halos limang oras at nagmadali kaming umuwi ni Mang Pablo. Pagdating naman sa Maynila, galit na galit sa akin si Fiona.


"Where the hell have you been?" Wala siyang pakialam kahit madaling araw na. Hindi lang niya alam ang bigat ng kalooban ko ngayon dahil sa responsibilidad na kinakaharap ko ngayon sa kanya at sa batang dinadala niya.



Hindi naman kasi talaga ako umiinom eh. Pinakapilit-pilit niya ako tapos ngayon iiyak-iyak siya sa tabi ko habang hubad kaming dalawa. Hay, akala ko sa Philippine Drama lang nangyayari iyon. E di ba French siya, liberated tapos iiyak dahil may nangyari sa amin. Ilang linggo lang, under na niya ako dahil buntis daw siya. Nang malaman ni Mama, galit na galit siya.



"Maxxxxx..." Halos mabasag ang eardrum ko sa cellphone. Kaaalis lang kasi niya at ngayon lang ako nag-isa tapos heto ang nangyari. Kinatkatan niya ako ng walang katapusang sermon. Galit na galit siya sa akin. Lalong hindi siya makapaniwala ng banggitiin ni Fiona na buntis siya at ako ang ama.



Kaya kami umuwi para magpakasal dito pero bago iyon, kailangan naming mag-usap ni Violet. Madami kaming pag-uusapan at tiyak kong hindi niya ako mapapatawad.



Nang magkita kami kanina... napaatras ako. Napakaganda ni Violet. Hindi ko akalaing magbabago siya ng ganito. Parang diyosa siya kanina sa taas ng bintana habang umiiyak at naghihikab. Kagigising lang niya. Angganda ng bati niya sa umaga pero ayaw kong sirain iyon kaya ako napatakbo sa loob ng bahay.



Kinausap ko si Tita Cherry. Napaiyak siya sa lungkot dahil inaasahan niyang babalikan ko si Violet.



"Paano na si Violet ngayon?" Nagulat ako sa tanong niya. " Hindi mo alam kung gaano kasakit ito kay Violet? Tiyak na alam na niya ang balita. Kaya siguro nandito siya para magpahinga saglit. Kilala mo naman ang kaibigan mo. "


"Tita , I am sorry."


"Nagtiwala si Violet sa iyo. Hindi mo man lang pinahalagahan." Pero niyakap ko siya at pinayagan niya akong akyatin si Violet. Sinubukan ko na makakuha ng lakas ng loob pero hindi ko nagawa. Hindi ko kayang gisingin si Violet. Hinayaan ko siyang mahulog sa isang panaginip. Sa isang panaginip kung saan malaya siyang makapagpapahayag ng kanyang sarili habang gising na gising ako, bulag naman ako sa katotohanan. Duwag akong harapin ang galit ni Violet kasi ayaw ko siyang saktan.



Parang ayoko na ngang pakasalan si Fiona. Nahabag din ako sa aking sarili. Kapag pinakasalan ko siya na labag sa aking kalooban, para na rin akong nagpakamatay o nagpakulong ng buhay. Lalo akong naguluhan sa sitwasyon.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon