MAX'S POV
Matagal akong nawala sa sirkulasyon. May ilang linggo din akong bisi-bisihan at hindi kami nagkakasabay ni Violet. Hindi ko alam kumbakit biglang –bigla akong nakaramdaman ng hiya kay Violet. Nagsimula lang iyon ng gabing hindi sinasadyang mahalikan ko siya at magtabi kami sa kama. Kung anong kalokohan ang pumasok sa utak ko, ewan lang ang maisasagot ko. Na-demonyo ako at natukso para titigan siya habang nakahiga siya sa bisig ko. Ang kagandahan ni Violet at hindi pa nadidiskubre pero para sa akin, maganda ang bestfriend ko inside and out. She is confidently beauty with a heart.
Sinubukan kong ligawan si Maegan. Napatulong ako sa kanya na maging tulay namin. Pati loveletter, si Violet ang pinapakisuyo kong mag-abot. After a week of happy relationship just ended that way and I was put into misery.
Nagpakalasing ako. Nilunod ko ang aking sarili sa alak para lang makalikot ako. Si Violet pa rin ang pinuntahan at hiningian ko ng tulong.
"Max, tama na ang iyak."
"Ano bang kulang sa akin?" Hindi naman kasi usapin ng kung ano ang kulang sa atin kapag umiibig. Bakit ba iyon palagi ang tanong?
Ang pag-ibig ay hindi ang paghahanap ng kung ano ang wala sa iyo at wala sa kanya kundi kung ano ang mayroon ka na puwede mong ibigay sa kanya. Ang ugali kasi natin , umaasa tayo na susuklian ang pagmamahal natin. Palaging may kondisyon, mamahalin kita basta't mamahalin mo ako. Eh lumang tugtugin na iyon. Hindi rin puwedeng pa-martir ang drama. Mahalin mo ako kahit hindi mo ako mahalin. Ipasasama na kita kay Rizal sa Luneta para barilin dahil sa sobrang laki ng pagmamahal mo. You don't invest so much emotion on someone kung hindi ka sigurado sa bandang huli.At kahit sigurado kang siya na, you always leave something for yourself.Ah, hindi pala... kahit wala nang matira sa iyo. Give love... love... love.
But what do i know? Really? Expert na ba ako? NO, expert akong mabasted...
"Best... angsakit! Best..." Kinabog ko ang aking dibdib. Sising-sisi din ako. Sana hindi ako naghangad ng sobra-sobra. Campus crush sa isang walang sinabing manliligaw... Saan patungo ang aming relasyon? And Maegan must have a good taste for men... At sino si Maximus Oliveros... Wala sa kalingkingan ng kanyang bf... Durug na durog ang puso ko.
Well, si Violet... sanay na. Crush pa nga lang, nagkakaganito na rin siya. Minsan, nag-iilusyon pa lang siya, basted kaagad.
I am afraid for her. I don't want her to experience the same thing. Paano kung siya naman ang ma-broken hearted? Ano kaya ang reaksyon ni Best? Parang hindi ko yata kakayanin kapag si Violet na ang nasaktan. Mabubugbog ko kaya ang lalaking babasted sa kanya? Ewan...
"BUkas lang, wala na iyan. Hanap ka na lang ulit ng magiging girlfriend."
"Best..."
"Ano?" Napasimangot ako sa kanya.
"Best, payag ka na ba?"
"Na ano?"
"Na tayong dalawa na lang muna habang wala pa tayong totoong girlfriend at boyfriend. "
"Parang praktis lang?"
"OO..." Biglang na-excite ang loko-loko. Siraulong ito at uutuin pa ako. "Sige na naman, Best." That was a silly proposal. Pangdesperado na parang end of the world na at kailangan talagang makuha kaagad ang major goal.
"Pag-iisipan ko pa ulit."
"Gustong gusto mo sigurong nakikita akong umiyak?"
"Ano ako sadista? natutuwa sa kalungkutan ng iba..." Humilig ako sa balikat ni Violet. Bakit ko ba siya kinukulit na parang siya na lang ang kahuli-hulihang babae sa mundo? Bakit kailangan ko pang mag-experiment at magkunwari na girlfriend ko siya at boyfriend niya ako. HInaplos niya ang pisngi ko. "Huwag ka nang malungkot, Best. Sabi ko naman, pag-iisipan ko di ba..." Humihikbi siya. "Tsss! Para kang di lalaki. paiyak-iyak ka ngayon." Pang-aasar niya sa akin.
"Violet, sige na naman o. " Nakita niya kung gaano ako ka-desperado. Natahimik kaming pareho. It was this silly moment's fault, bakit ako nagkaganitong bigla. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Violet. Face-to-face, I held her face close to me at unti-unti kong inilapit ang kanyang labi sa aking labi. Ninamnam na akala mo ang kumakain ng icecream para gamitin ang dila. I can't help but close my eyes and feel the rhythm inside. Pati ako, nakitikim ng ice cream... kahit walang ice cream. It happened long ago at bakit kailangang mangyari ulit ngayon.
"Violet...uhmp!" Nakapikit ako. Nakahawak siya sa damit ko.
"Max...." Inilayo ko siya. Mukhang pareho kaming nawala sa sarili.
Tuwing nangyayari ang mga ganoong sitwasyon palagi kaming nananahimik na dalawa. Hindi kami halos makatingin sa isa't isa. Nakasimangot ako at panay ang buntunghininga ni Max. Ako naman may pagtadyak pa na parang sising sisi at tipong hindi ko ginusto.
What's going on, Max?
Why are you doing this to your bestfriend?
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
