WAKING UP

9 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Hindi ko alam kung anong nangyari. Ramdam ko na lang na para akong dahon na nahuhulog hanggang sa bigla akong maalimpungatan. Mahaba na pala ang itinulog ko. Pakiramdam ko nga ay parang kahapon lang nangyari ang lahat.



"Miss Sulliven, are you really awake?" Dinig ko ang malamyos na boses ng isang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Parang may nakahawak sa leeg ko aat hindi ako makapalag. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa pero dahan-dahan kong naigagalaw ang aking mga daliri.



Nakamulat na ang mga mata ko. Bahagya akong nahihilo pero kaya ko naman. Napapapikit ako dahil nararamdaman ko ang sakit ng aking buong katawan. Nangilid ang luha ko. Sumilay sa akin ang mukha ng isang lalaki. Nakangiti siya. Hindi naman siguro langit ito, although nakaputi siya.



"Miss Sulliven...si Nurse Sunny po ito." Boses naman ng babae at nakangiti siyang sumilip sa akin. Sinuri na nila ako.



"Miss Sulliven, ako si Dr. V... as in Dr. Villanueva. V na lang for short." Dinig ko ang hagikhikan nilang dalawa kahit medyo seryoso ang sitwasyon.



"Nasaan na ang mga anak ko? Si Mama..." Halos pabulong kong sabi.



"Miss Sulliven, alam mo ba ang nangyari sa iyo? Kailangan mo munang magpahinga at magpagaling." Sabi ng lalaki.



Maya-maya lang ay naramdaman ko na tila ba may papalapit. Kaluskos ng kung anong plastic ang narinig ko.



"Violet, Violet...Iha...si TIta Cattleya ito...Violet, salamat naman at gising ka na."



"TIta Cattleya...si Mama po." Siya ang una kong hinanap. "Kasama po ba niya ang mga bata?"



"Violet, magpagaling ka muna. "



"Sabihin muna ninyo kung anong nangyari. Nasaan na po ang mga anak ko? NASAAN NA SILA???" Parang anglakas-lakas ko na at nakuha ko pang sumigaw sa kabila ng aking katayuan.



"Violet, magpagaling ka. Magpalakas ka ha..."



"Bakit hindi po ako makagalaw? Anong nangyari? Nasaan na ang mga anak ko? Parang awa na ninyo..."



"Okay lang sila..."


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon