MAX'S POV
The moment I step my foot on the same landing area in the airport, how I wished to see Violet waiting for me, running towards me and circling her hands around my neck and hugging me tight while saying how she missed me all these years. What a wonderful dream? A dream I dreamt a long long time ago. It's about time now to see her once again and say sorry . Hoping that forgiveness will finally be uttered in her mouth.
After taking a full rest for two straight days, nagkaroon ako ng lakas ng loob ng puntahan si Violet. Tumayo ako sa harap ng bakurang iyon. Tuyo na ang damuhan pati ang mga halaman. Wala na ang mga orkidyas na dating namumutiktik sa na nakasabit sa mga tuyong kahoy na nagsilbi nilang taniman. Tiningnan ko ang harapan ng isang napaka-ideal na bahay. Pero , anong nangyari ngayon? Hindi kasi ako naniniwala na ibibenta iyon ni Violet. Just to confirm lang.
Muling nagbalik sa aking alaala ang mga sinabi ni Violet sa tuwing nakakapanuod kami ng K-drama. Nakita niya ang Full House,gagayahin daw niya ang harapan ng bahay nito kahit hindi nakaharap sa dagat. Gusto din niya ng dingding ng bahay na gawa sa salamin. Gusto rin niya ang lababo at lutuan ni Jessi, iyon din daw ang ipagagaya niya. Nakita niya ang study area nina Minho at Sulli, iyon din daw ang ipapagaya niyang bookshelf. Space saving. Nakita niya ang living area ni Do Minjoon , gusto rin niya iyon. And have it all those parts in one house, like this house infront of me.
The house is now empty. Hindi sinasadyang nakita ko doon si Mr. Jordan.
"Uy, Mr. Model. Kailan ka umuwi?"
"Sir, good morning...Last two days ago lang po."
"Balak mo bang bilhin ang bahay na iyan. Mura na lang ang benta ni Violet."
"Hmm, ganoon po ba?" Well sa totoo lang ako talaga ang buyer ng bahay na ito. Sinabihan ako ni TIta Cherry na ibinibenta na nga ni Violet ang bahay. Ayaw daw niyang mapunta sa iba kaya sana daw ay ako ang makabili. Maa-appreciate ko naman daw dahil nga pareho kami ng taste ni Violet pagdating sa bahay.
"Naku, Iho. Huwag kang mag-alala at hindi ko sasabihin kay Violet. Ahente naman ng bahay ang makikipag-usap sa iyo. Wala nang pakialam si Violet para malaman ppa kung sino ang makakabili nito basta gusto niya ay maibenta lang ito kaagad. Kailangan din kasi ni Violet ng pera."
Gusto ko sanang maiyak sa pangyayari. Parang ang lungkot ng bahay. Hindi na ito kasing sigla noong una kong makita. Buhay na buhay kasi ito. Madaming halaman at lalo't higit sa lahat ay may taong nakatira. Papayag pa kaya si Violet na doon tumira. Maitira ko kaya siya dito ng hindi naaalala si Paris? Nagustuhan ko naman talaga ang ideya ni Violet.
"Alam po ba ninyo kung saan na nakatira si Violet?" Tanong ko sa matanda.
"Hay naku, pasensiya ka na Max at hindi ko man lang naitatanong kay Violet. Ayaw din kasi niyang sabihin."
"Ah okay po. Sige po. Uuwi na rin po ako." Itinuloy ko na lang sa pagdya-jogging ko. Saan ko hahanapin ngayon si Violet? Ah tama, sa publishing house ko pupuntahan si Violet. Siguro naman ay hindi na nila ako matatandaan. Wish ko lang, iba na ang guwardiya doon.
Pagkatapos kong mag-almusal ay nagpunta muna ako sa flowershop upang ibilhan si Violet ng paborito niyang bulaklak. Ah hindi, mga puting rosas na lang. Napangiti ako ng makita ko ang magandang flower arrangement nito. Tiyak kong magugustuhan iyon ni Violet.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...