PERSONAL UPDATE

25 0 0
                                    

MELANIE'S POV



Kinabukasan ay masaya akong pinuntahan ni Violet sa aking cubicle. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil hindi siya nag-a-update ng kanyang personal na buhay. Feeling ko tuloy WattPad lang din si Violet na kailangang mag-update. Well, hinayaan ko muna isya. Magkukuwento siya sa tamang panahon. Hinayaan ko siyang magpaka-busy. Kapag breaktime, saka kami nakatutok pareho sa messenger at doon muna nagkukuwentuhan. Makakahalata ang aking mga kaopisina na close kami ni Violet. Suportado ko kasi siya sa lahat ng kanyang mga kuwento. kasi nga itong si Violet, malihim din. Hindi basta ng kukuwento kung kani-kanino. Basta isang araw ako ang napagbalingang niyang kuwentuhan ng kanyang mga mala-prediction na kuwento.



Later nalaman ko na umalis ni Max at Fiona sa probinsya at hindi na nakibalita si Violet tungkol sa kaibigan. Madalas kong marinig na irritable si Violet sa kanyag phone, Minsan ay naihahampas niya ito sa mesa matapos nilang kausapin ang kung sinumang caller sa kabilang linya. Pagkatapos noon, buong maghapon na siyang walang imik pero hindi naman nakasimangot. Hindi naman siya magsi-share ng kanyang thoughts and sentiments. We let her be para sa kanyang kapayapaang ninanais.



Lately may nagpapadala ng bulaklak sa kanya every week. May caller everyday kaya panay ang sigaw ni Violet sa kanyang cubicle. lahat naman ay naiintriga pero hindi naman siya tinatanong. Naririnig lang namin ang usapan nila.



"Hindi mo baa lam kung sino ang iniistorbo mo?"


"Ang mga tulad ko ay busy sa mga oras na ito kaya puwede ba? Kung wala kang magawa sa buhay mo, bigyan mo ako ng kapayapaan."


"Go to HELLLL!" At sabay-sabay na nagsutsutan ang mga cubicle. After sometime, wala na akong naririnig na nagsisisigaw. Out of reach ang kanyang cp so I was thinking na isinarado na niyang tuluyan ang kanyang phone.


"Violet, sino ba ang kaaway mo?"


"Some asungot na promdi..."


"Sus, baka naman type ka ng promdi na iyon."


"Sabi niya...but I say... No thanks..."



And Violet begins to sound like me. Bitter, masungit at irritable na parang matandang dalaga lang ang peg. Ngumiti ako. Pinayuhan ko siya na huwag maging ganoon sa sinuman. Hindi naman nila kasalanan ang pinagdadaanan niya kaya huwag niyang idamay ang mga iyon. Nanahimik na lang siya.



Her stories are great. Magaling siyang pumili ng mga characters at kakaiba ang kanyang mga hugot ngayon na parang napakapositibo niyang tao kahit hindi naman sa totoong buhay. Pero atleast mahuhugot siyang positive energy kahit problemado siya.



Late na siyang umuwi at nagkaroon kami ng pagkakataong magkausap.



"Kumusta, Violet?"


"Ma'am...Melanie..." Bumuhos ang luha ni Violet. Iniwan na nga daw siya ni Max. At before pa silang magkita, nanligaw ang kanyang pinsan sa kanya. Hindi naman niya alam na pinsan niya iyon. Halos pagsakluban daw siya ng langit at lupa. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan talaga siya ng tadhana sa nangyari. Mabait naman daw si Doc. Pero nawalan siya ng interes sa kanilang dalawa dahil sa mga nalaman niya. Todo effort ang dalawa pero pareho niyang hindi pinag-aksayahan ng panahon. 


"Doctor ba siya?"


"Veterinarian po?"


"Pet lover..."


"Exactly, tinutulungan niya si Mama sa farm lalo na sa piggery namin."


"He must be a sweet person. Sa kanya ba nanggagaling ang mga bulaklak ? "


"Hindi ko po alam..."


"Hindi mo man lang ba inaalam kung kanino galing?"


"I don't care kung kaninong hudas iyon galing. Gusto ko lang tigilan niya ako."


"Hindi naman ibig sabihin na magpinsan sila ay pareho na silang..."


"Hay naku, Melanie...Pare-pareho lang 'yan...Uwi na nga tayo para naman makapagpahinga na rin tayong pareho."



Sabay na kaming bumaba ng building. Sabay kaming pumasok ng elevator. Tahimik kami sa loob at panay ang hikab niya. Nagpaalaman kami sa parking area. And Violet is back to normal life...


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon