PARIS' POV
Nagulat si Mama ng marinig ang busina ng aking kotse. Nakita kong nagmamadali siyang lumabas at sinalubong ako. Dala ko na ang lahat ng gamit ko. Umakyat kaagad ako sa taas ng kuwarto.
"Paris, anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Violet?"
"Hindi po, Mama..."
"O eh bakit ka umuwi?"
"Ma, babalik na si Max. Ayokong abutan ako ni Insan sa bahay ni Violet. "
"Paris..." Tumulo ang luha ko. Humagulgol ako. "Bakit mo iniwan si Violet? Alam ba niyang umuwi ka?" Umiling ako.
"Mama..."
"Nagkausap na ba kayo ni Violet?"
"Natanggap niya ang tawag ni Max sa cellphone ko...Hindi siya nagsalita, iniwan niya ako kanina sa bahay. Hindi nga niya tinatanggap ang tawag ko eh."
Napansin ko ang incoming call sa cellphone ko. "Violet..."
"How could you do this to me, Paris? Dati ang pinsan mo tapos ngayon... Talagang pinagkakaisahan ninyo akong dalawa..." Nanggigigil siya sa kabilang linya. Saka niya pinatay ang tawag ko.
"Sino 'yon?"
"Si Violet, galit na galit siya sa akin." Hindi ako halos makakain ng hapunan. Parang umii-echo ang boses ni Violet sa tenga ko.
"Paris, kumusta ba ang pakiramdam mo?"
"Mama, I think it's getting worst."
"Anak..."
"Hindi ko kayang iwan si Violet."
"Eh bakit mo siya iniwan?"
"Ewan, nalilito po ako. " Tumutulo ang luha ko. Hindi ko halos na tapos ang pagkain. Umakyat kaagad ako sa taas ng kuwarto. Nagpahinga ako kasi mahaba din ang biyahe ko. Naalala ko tuloy si Violet. Kumain na kaya siya? Natutulog ba siya ng ngayon? Nasaan ba siya kanina ng tawagan niya ako? Parang di ako makakatulog ngayon. First time ko in a month na mapalayo kay Violet. Grabe, isang buwan pa lang ang nakalilipas, pero daig ko pa ang isang taong napahiwalay sa kanyang ngayon. Hanggang sa di ko na namalayan kung anong oras na akong nakatulog sa kaiisip kasama ng pagod kong katawan.
Pero lahat kami ay naalimpungatan. May nagsisisigaw sa bakuran namin. Binabato ang aking bintana at galit na galit. Nagtahulan ang mga aso sa aming bakuran. Nabulabog pati ang mga kapitbahay namin.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...