Inikot ko ang buong kabahayan nina Lola Flora at Lolo Boni. Malaki ang bahay na iyon. Hindi naman gawa sa bato na parang mansion talaga. Malaki lang talaga at maraming kuwarto. Mga naka-lock na kuwarto at hindi puwedeng pasukin. Na-explore ko na dati iyon pero gusto ko lang sana ulit pasukin.
Hilig ko talaga ang pagbabasa.
Mabuti na lang maraming libro sa compound na iyon. Madami kasing magkakapatid sina Papa at iba-iba ang hilig nilang basahin. Lahat sila ay mahilig ding magbasa.
Kauna-unahan kong nabasa ang isang illustrated comic book ng Old at New Testament ng Bibliya.Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Makapal na libro iyon na mukhang komiks. Parang Archie lang ngayon. Nagbasa din ako ng mga libro tungkol sa iba't ibang mga alamat, pabula at sari-saring mga tula. Nakapagbasa din ako ng isang librong puro Espanyol ang salita. Kahit mag-tongue twist pa ako, sige ang basa. Nagpapaturo ako sa tita kong guro sa high school. Aliw na aliw sila sa akin dahil may ibang mga bata na iba ang hilig sa ganoong edad ko. Kaya lang, hindi daw ako mahilig maglaro. Dapat daw balanse ang lahat ng bagay, hindi puro basa, hindi puro aral. Samahan ko din daw ng konting laro. Hindi daw iyon masama para sa isang batang sampung taong gulang pa lamang.
Simula noon, hindi na ako huminto sa pagbabasa. Bawat bahay na mapuntahan ko, unang nakakaagaw sa akin ng atensyon ay ang mga cabinet nila na puno ng libro. Madalas nila itong ilagay sa kanilang mga sala lalo na 'yong mga mayayaman. Uso pa noon ang mga encyclopedia. Hangang hanga ako sa makukulay na larawan nito. Minsan nga, hindi pa nila ito halos ipagamit kasi daw, masisira. Eh naisip ko tuloy , ano bang silbi ng libro kung ididisplay lang pala? Hindi mo man lang magamit para basahin. Paano ka matututo kung titingnan mo lang sa labas ng salamin?
Pero ng lumipat kami sa Maynila, doon ko nakita ang madami-daming libro ng aking ate, pinsan to be exact. Ate ang tawag ko kasi mas matanda siya sa akin. Before, I read without comprehension. Basa lang ako ng basa para mahasa ang dila at maging pamilyar ako sa maraming salita. Nang bilhan ako ni Mama ng dictionary, doon ko nakita ang kahalagahan ng pagbabasa na may kasamang pang-unawa. Lalo kong nagustuhan ang pagbabasa. Mahilig sa Harlequin , Mill and Boons at Sweet Valentines ang ate ko kaya, iyon na rin ang binabasa ko. Dahil mas mura ang mga Tagalog pocketbook, iyon lang ang pinabibili ko kay Mama.
Hindi ako madalas lumabas ng bahay. Pagkatapos kong maglinis ng bahay, pupuwesto na ako sa tabi ng aking kapatid at saka magbabasa.
Madalas, nakahiga akong magbasa pero sabi nila, masama daw iyon sa mata kaya pinagtitiyagaan ko ang pag-upo. May mga pagkakataong nakakalimutan ko na ring kumain sa kababasa. Hindi naman ako maawat sa pagbabasa. Habang naghihintay akong kumulo ang sinaing sa kalan o kaya kailangan kong bantayan ang tubig sa banyo, hawak ko pa rin ang libro. Kaya hindi ako mahilig gumala at limitado lang ang mga naging kaibigan ko. Tuwing may pasok, awat na rin sa pagbabasa. Academic subjects naman ang inaatupag ko. Weekends na lang ulit ako magbabasa.
Later on, I begun writing my thoughts. I went into poetry. Hindi ko alam kung bakit. Nang matuto ako sa school kung paano gumawa ng tula, the words kept coming. Kapag nasimulan ko na , tuloy – tuloy ang ideya hanggang sa makabuo ako ng maraming tula. Sayang kasi kung naitago ko iyon, baka nai-publish ko na rin iyon sa WATTPAD. Ang maganda lang doon, lahat ay may petsa at oras kung kailan ko ginawa. Saka ko maaalala kung para kanino ang tulang iyon.
This is my true biography as CodeViolet...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomansaA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
