FOR THE LAST TIME

13 0 0
                                    

MAX'S POV



Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Violet. Matapos ko siyang buhatin ng tuluyang mahimatay ay hindi na ako nakibalita sa kanya. Masama pa rin ang loob sa akin ni Mama. Hindi ko kayang tingnan si Paris sa loob ng kanyang kabaong. Pinabaunan ko pa rin siya ng sama ng loob at kahihiyan dahil sa paglalapastangang ginawa ko sa kanya.



Pagkatapos ng libing ay umalis kaagad ako at bumalik ng London. Nilunod ko ang aking sarili sa trabaho. Sumama ako sa mga kasiyahan ng mga Briton na dati ay tinatanggihan ko. Inaliw ko ang aking sarili upang hindi ko maalala si Violet at ang mga katarantaduhang pinaggagawa ko noong umuwi ako.



Sinubaybayan ko pa rin ang kanyang mga kuwento sa Wattpad pero ang CODEVIOLET ay halos matagal na panahon ng di nag-a-update. May ibang author namang nai-suggest si red pero hindi ko napagtuunan ng pansin dahil walang dating sa akin.



Hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataong makita ang isang Instagram post. Sinasabi ng post na iyon na naiinis daw siya sa isang author ng Wattpad na walang ginawa kundi gawing Max ang pangalan ng bida. Okay naman daw ang kuwento pero pangalan lang ng bidang lalaki ang problema. Kapangalan kasi noon ang ex-bf niya. Nanggigigil daw siya at gusto daw iyang sugurin ang author.



Sinabi pa niyang may nabasa siyang kuwento na nagmumukhang patay na patay ang mga babae sa Max na iyon kaya lalo siyang nainis. Gusto na raw niyang ipa-ban ang author na iyon. Hindi lang niya magawa dahil nang minsang mag-comment daw siya sa author na iyon, dahil sa tagal nitong mag-upadate sa isang kuwento, hindi si Ms. Author ang nag-comment kundi ang mga followers niya.



Ahhh, buti nga sa kanya. Marami palang kakampi si Ms. Author. Na-curious tuloy siya kung sino ba ang controversial author na iyon. Well, hindi sila nalalayo ng babaeng iyon dahil naaalala niyang minsan na niyang sinugod si Violet dahil affected ito sa kanyang huling libro.



Sumunod si Mama sa akin after a month or two. Magkasama pa rin kami sa dati naming tirahan pero hindi na katulad ng dati. Siya ang nag-aasikaso sa akin ng lahat. Schedule ko, damit, at lahat ng reminders na may kinalaman sa trabaho ko. Pero hindi na kami nag-uusap ng mga personal na bagay. Madalas siyang nasa loob ng kuwarto sa tuwing day-off ko. Tinatanggihan niya ako tuwing niyayaya ko siyang mamasyal o magbakasyon out -of - town. Hindi niya ako tinitingnan kapag nag-uusap kami.



"Mama, galit pa rin po ba kayo sa akin?" Naglakas loob akong tanungin siya.


"Anak, hindi ko alam kumbakit ganito ang nangyari sa iyo? Hindi ito ang inaasahan ko."


"Mama, I am sorry..."


"Max, wala kaong hinangad kundi bumuti ang buhay mo at ang iyong kinabukasan..."


"Mama..."


"Sooner or later hindi na rin kita masasamahan. You have to settle on your own at gusto ko na ring mag-stay na lang sa atin , sa probinsiya."


"Mama..." Mukhang iiwan na rin ako ni Mama.


"Kailan mo balak mag-asawa?"


"Hindi ko po alam kung tatanggapin pa ako ni Violet?"


"Puro ka, Violet, Violet. Wala na bang babae sa mundo kundi si Violet?"


"Mama, hindi ko naman po kayang kalimutan si Violet ng ganoon na lang."


"Hindi mo kayang kalimutan o dahil nakokonsensiya ka sa nangyari." Umiyak ako. "Max, wala kang kasalanan sa pagkamatay ni Paris. Sakit ang pumatay sa kanya. Hindi ikaw. Hindi ang kuwento ni Violet. Nababaliw ba kayong pareho." Pareho naming sinisi ang aming mga sarili.



Doon ako nag-isip-isip. Thirty years old na ako. Halos limang taon na kaong hindi bumabalik ng Piliipinas at hindi ko na nakumusta si Violet.



"Mama, kumusta na po kaya siya?"


"Why don't you go and see her for yourself?" Sarcastic pang sabi ni Mama. Saka niya ako tinalikuran at pinagsarhan ng pinto.



Malapit na ring magpasko noon kaya nagdesisyon na rin akong kumuha ng tiket pauwi ng Pilipinas. Masaya si Mama na malaman ang pag-uwi namin para muling makaranas ng Paskong pinoy.



Tinapos ko lang ang mga shooting engagement ko at ready na kami sa pag-uwi. Tinawagan ko na rin si Red at Rose. Kasalukuyang kabuwanan na pala ni Rose sa pangalawang anak nila ni Red. Sa mansion daw sila nakatira ngayon.



Sa Pasko ang kasal nina Sadam at Cielo kaya tiyak na papupuntahin ako. Si Bojo ay nasa Duhbai na. Sina Rio, Caroline at Jenny naman ay nakakadalo pa rin sa kitakits. Hindi ko alam kung babanggitin nila si Violet. Pero hanggang sa maibaba ko ang telepono ay hindi man lang nilang binanggit ang pangalan niya.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon