VIOLET'S POV
May ideal girl itong si Max. Tsinita, maputi, long-legged at mahaba ang buhok ang tipo niyang babae. That girl is Maegan. Maegan Hipolito is a popular Campus Girl in Trinity High. Masayahin at matalinong dalaga si Maegan. Sa totoo lang hindi ko gusto si Maegan para kay Max. Matagal na niya akong kinukulit na ilakad ko nga daw siya. Malay ko ba? Bakit ako pa ? Bakit hindi siya ang lumapit at magpakilala? Nakakainis! Napilitan tuloy akong lumapit sa kanya. Mabait naman si Maegan. Hindi naman niya ako ipinagtabuyan ng lapitan ko siya. Nginitian naman niya ako.
"Hmm, Violet. Bakit?"
"Maegan..." Atsaka ko inabot ang loveletter mula kay Max. Nginitian niya ako matapos niyang basahin ang sulat sa harap ko. Iniwan ko siya ng lumapit sa kanya si Max.
Lunes noon. First time kung mag-isa sa klase. Sa ibang grupo ako sumama para hindi ako malungkot. Kinakarir kasi ni Max ang humanap ng magiging girlfriend. Maaga pa lang eh pinaghahandaan na niya ang kanyang makakapartner sa prom. Masyadong advance, gusto talagang makaranas ng pag-ibig kaya pinagbigyan ko siya.
Mabuti pa ang mga lalaki maraming puwedeng gawin na hindi awkward gawin. Sila lang ang puwedeng manligaw. Sila ang unang puwedeng magtapat ng kanilang nararamdaman. Kapag nakakuha ng pagkakataon, diskarteng malupit lang. Kaming mga babae, masyadong madaming restriction sa kilos at sasabihin. Hindi kultura ng mga Pilipino na maging vocal sa nararamdaman, lalo na ang mga babae. Tao din ako, may karapatang magpahayag ng sariling pananaw lalo na kung damdamin ang pag-uusapan.
Sa kabila ng aking pag-iisa, napatingin na lang ako sa mga estudyanteng tulad ko sa kantin. Dahan-dahan akong kumain ng spaghetti. Napasalumbaba ako. Hindi ako sanay na wala si Max tuwing recess. Hayun siya at naglalakas ng loob kay Maegan. Halos dukdukin ko ang spaghetti sa plato. Hindi ko alam kumbakit ako biglang naiinis sa nakikita ko. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor. Dinig na dinig nina Caroline at Rio ang lagutok ng tinidor ng tamaan ko ang plato.
"Hoy, anong nangyayari sa iyo?" Kinabig ako ni Rio. "Baka magkalamat ang plato mo" Parang nawala ako sa sarili. Hindi ko narinig ang tanong nila.
"HOY! Maaga pa para mag-daydream..." Sumimangot ako at pinilit ang sarili ko na nguyain at lunukin ang pagkain.
"Anong nyare?" Dedma...Hay ano ba! Biglang nagbago ang mood ko.
What's wrong with this feeling? Have I gone mad? NO, actually I have gone more quieter than ever when it comes to Max.
♪♥♥♥What is this feeling? I just can't explain, when you're near... I am not just the same. I tried to hide it. Try not to show it. It's crazy, how could it be?♥♥♥♪
Pagpasok sa classroom, nakaupo na si Max sa tabi ko. Sa dating lugar. Wala siyang imik. As if naman ako pa ang unang kakausap sa kanya. Ano bang ginawa ko? Nakasimangot pa siya. Nakausap na niya si Maegan di ba?:
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomansaA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...