DECEITFUL DAY

6 0 0
                                    

MAX'S POV

Nagmukmok pa rin ako sa kuwarto dahil bantay sarado ako kay Hill. Makakatakas ba ako sa kanya? Nagpaalam na ako sa kanya na uuwi ako sa Pilipinas. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil hindi ko din naman siya iniintindi. Ang alam ko lang ay gusto kong umuwi ng Pilipinas para sugurin si Violet.



Nag-overseas call pa tuloy si Mama Cherry. Ipinapaliwanag niya na may pagkarebelde lang talaga si Violet kasama na doon ang pagiging taklesa pagdating sa mga isinusulat. Kung masyado daw bulgar ang kanyang mga eksena at maging salita, kailangan ko daw iyong maintindihan.



"May kailangan ka bang ipag-alala, Max?" Mahinahong tanong ni Mama. Hindi ko siya madiretsa. Dahil totoong lahat ang mga isinulat doon ni Violet. Lahat ng mga naging karanasan namin simula ng maging magkaibigan kami, lahat ng nangyari sa kanila ni Paris ay mukhang doon niya lahat sinabi. Nakakainggit, nakakapagselos dahil mukhang na-enjoy niya ang company ni Paris.



Sa tingin ko nga, mahal na talaga niya si Paris ayon sa pagkakalarawan niya sa kuwento. Masyadong heartfelt, makapagbagbag damdamin ang kanilang eksena. Samantalang pagdating sa akin, talagang ibinuhos niya ang kanyang mga sama ng loob ng iwan ko siya at hindi na ako tumupad sa pangako dahil pa rin kay Fiona. Syiempre, hindi naman Fiona ang pangalan ng babae sa kuwento niya. Nandoon din ang galit at sama niya ng loob ng halos reypin ko siya kaya nabuo si Xamxam.



Paano na lang kung malaman ni Xamxam ang wattpad account ni Violet? Well, kami lang naman sigurong dalawa ang nakakaalam ng totoo. Hindi ko alam kung nagbabasa ba si Mama Cherry ng Wattpad pero for sure si Mama Cattleya, tiyak na iyon ang libangan niya.



Nagkabalikan kami, pero muling sinubok ang aming pagsasama dahil sa babae. Itong si Violet, hindi pa rin natututo. Madali siyang nag-give up. Iyon din naman ang pakiramdam niya ayon sa pagkakasulat niya. Hindi niya kao kayang ipaglaban kasi wala na daw kaong ginawa kundi lokohin siya. Pinaasa ko daw siya pero di niya pinaninindigan na mahal niya ako at kahit anong mangyari ay hindi kami maghihiwalay.



What struck me was... as she described it... a night of uncertainty to get back what she said. Sa pakiwari ko ay gusto niyang bawiin ang lahat ng mga sinabi niya. Galit lang siya. Masama ang loob niya ng mga oras na iyon kaya kung anu-ano ang lumalabas sa bibig niya na hindi naman talaga niya balak sabihin.



May nangyari sa amin bago ako umalis pabalik ng London. I savor the moment , the way she described it. I missed having sex with her. Hindi ko alam kung mauulit pang muli ang gabing iyon. Ang gabing iyon na hindi ko binuksan ang ilaw... dahil baka daw magbago ang isip niya kapag nakita niya ako ng face to face at baka pigilan niya ako. So, I am confident enough na kahit ano pang mangyari sa amin ni Violet. Kahit madami siyang masasakit na salitang nasabi na , iniyakan niya ang lahat. Gusto niya akong pigilan. Nagsisisi siya dahil muli niya akong pinakawalan.



At the end of that chapter, an new character sa mentioned... it was Mavi. Sino naman kaya si Mavi? Ah sa puntong ito ay huminto na ako. Fictitious character na siya at wala na siyang kinalaman sa amin ni Violet dahil si Xamxam lang ang anak ko.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon