VIOLET'S POV
Lahat ng pumapasok sa relasyon ay sinusubok ng pagkakataon. kami ni Max ay hindi rin nakaligtas sa lihim naming relasyon. Nanatiling balatkayo ang pagiging magkaibigan namin ngunit naisasakripisyo din minsan ang tunay naming estado bilang magkasintahan.
Hindi naman sinabi ni Max na ilihim namin iyon. Ako lang ang nagkuwanri pero sa bandang huli ako rin ang nalagay sa alanganin at si Max pa rin ang sumalo sa akin.
Insecure pa rin ako at hindi pa rin ako nagtiwala kay Max na mahal niya talaga ako higit pa sa tunay na magkaibigan.
Sweet na tao si Max. Kahit noong hindi pa kami ay sweet na talaga siya sa akin. Maraming nagbago ng sagutin ko si Max. Pati si Mama at nagtaka ng minsang sunduin niya ako sa bahay at nagdahilan na doon sa main mag-aalmusal. Madami siyang nakain "Uy, Max...on diet ka di ba? "
"Hindi ah..."Pagkakaila niya. "Violet, wala na bang update 'yung kuwento mo sa WATTPAD na "Isang Linggong Pag-ibig ni Max" Patay malisya lang ako para hindi halatang guilty ako.
"Wala na. Maiksi lang talaga ang kuwentong iyon."
"Buti na lang nag-break kaagad kami ni Maegan?"
"Bakit naman?" Tumayo na kami at nagpaalam na papasok na.
"Bye, Mama..."
"Bye, Tita Cherry. Kasi, hindi ko mari-realize na mahalaga ka sa akin. Hindi ko mari-realized na love pala kita. Hanap ako ng hanap ng girlfriend pero nasa harapan ko na pala." Ganoon din ang na-realized ko.
"Ako din ,Max...it took me sometime to realized na I've fallen for you already. At first in denial ako kasi gusto kong maging masaya ka pero noong makita ko kayo ni Maegan..."
"So it means totoong kuwento 'yung ...grabeh ka! Nagawa mo 'yun."
"Maxxxx, hindi ko naman akalaing magkakatotoo ang kuwento ko sa buhay mo. Kaya nga hindi ko na iyon ginawan ng update. "
"Sabi ko na nga ba eh...Malakas talaga ang kutob ko."
"Sorry, gusto mo bang gumawa ako ng kuwento na nagkabalikan naman kayo. Malay mo baka..."
"NO, you have to make another story. Our story. Gawin mong title: The Bridge..." Sabi ni Max. Napakunot-noo ako. Bakit naman "The Bridge"
"Bakit naman?"
"Kasi sa iyo ako nahulog. " Hala siya oh... Hindi ko na-gets yun ha!
Bridge daw kasi nila ako at sa akin nahulog ang loob niya.
"Max, ayoko nang gumawa ng kuwento na ikaw ang bida kasi baka sa iyo mangyari ang lahat ng kamalasang mangyayari sa bida. Eh kapangalan mo pa naman ang pangalan ng bidang lalaki."
"Ano ka ba? Hindi naman ako naniniwala dyan. Sigel ang. I gave you my blessing to use my names kahit bida o kontrabida. Whatever you decide. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. I believe in God.
Nag-adjust kami ni Max sa maraming bagay lalo na sa relasyon naming dalawa. Medyo may restriction na rin pala ang kilos ko kapag ganitong in a relationship na kami. Hindi ko naman alam na si Sadam lang ang palagi naming pagtatalunan. Knowing Sadam, kamukha niya si Choi Siwon. Si Albert naman, hindi namin kasi siya kaklase kaya wala siyang panahon para magselos sa lalaking iyon. Kamukha naman siya ni Lee Hyun Woo. May ilang nagbigay sa akin ng loveletters. Mga secret admirers ko daw pero nakalagay sa sulat ang pangalan. Nakakatawa! Pero hindi ako natuwa ng isa-isa silang pagbawalan ni Max na lumapit sa akin. Lantaran na niyang sinabing boyfriend ko siya.
Hindi naman maniwala ang mga lalaking iyon. Pati nga mga babae ay hindi maniwala. Pero syiempre, alam ng mga kaibigan namin kung ano talaga ang totoong estado namin.
May mga pagkakataong palihim kaming nag-aaway at nagdadabog si Max. Gamit niya ang kanyang pinagdidiskitahan. Ayoko siya minsang patulan kasi naman, nagpapaka-OA na siya. Iyon kasi ang tingin ko sa ginagawa niyang pakikipag-away kay Sadam. OA lang talaga. Lalapit lang sa akin si Sadam, magagalit na nang walang dahilan at aawayin ako. May mga pagkakataon nakakalimot siya sa kanyang pangako at naiintindihan ko naman dahil alam kong may modeling siyang iniintindi. Kapag umaabsent siya, ako na ang gumagawa ng notes niya. Siya pa rin naman ang gumagawa ng kanyang mga projects at mga seatworks pati assignments. Kapag hindi pa rin siya makakapasok, ako pa rin ang nagpapasa ng mga requirements na iyon on time.
Hindi kasi malinaw kung nao ang obligasyon ko bilang girlfriend ni Max.
Nang hindi niya ako pansinin ng dalawang araw, ni tawag o text ay wala, hindi ko idinamay ang mga schoolwork niya sa away o tampuhan naming dalawa.
Nang makita ko siyang nagbabaad sa sikat ng araw ng umagang iyon, nilapitan ko siya at binati. Sinabi ko ang kailangan niyang gawin. Ipinaliwanag ko isa-isa kung para saan at kanino niya ipapasa ang mga takdang aralin na kailangan niyang tapusin. Imagine mo, angtagal kong nagsalita at hindi niya kao pinansin. Nasaktan ako kaya nagmadali akong umalis. Nasa dulo na ako ng hagdan ng bigla akong mahimasmasan.
Na-miss ko si Max. Ayokong makipagmatigasan sa kanya. Hindi ko siya kayang tikisin. Mayakap ko man lang siya ay okay na. Hindi sapat na makita ko lang siya ngayon.
Pero pagbalik ko ay pababa na rin siya. Mukhang hahabulin sana niya ako.
"Violettt!"
"Maxxxx!"
Sa taas ng hagdan sa itaas namin tinapos ang aming tampuhan. Sa beranda niya ako hinalikan. Masinsinan naming pinag-usapan ang aming relasyon. May mga do's and don'ts kaming pinag-usapan upang maiwasan namin ang tampuhan at di pagkakaunawaan.
Sana nga maiwasan amin ang away hangga't maiiwasan namin. Hindi kami dapat maglihim sa isa't isa, iyon ang pinakamahigpit na rule sa aming dalawa. Maging matapat para magsama ng maluwat. At huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. Kaya huwag manloloko kahit nakatalikod ang sinuman sa amin.
Kung may fall out of love, be honest pa rin at huwag magkukunwari para walang masaktan.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...