VIOLET'S POV
Maaga kaming pumasok ni Paris sa mga trabaho namin. Inihatid muna niya ako sa ground floor ng building kung saan nandoon ang publishing house. Tinanong ako ni Chief kumbakit ako absent at kung tapos ko na daw ba ang mga plot ng mga kuwentong naiisip kong gawin para masimulan ko na. Natapos ko naman. Pumuslit ako sa higaan ng makitang kong tulog na tulog si Paris. Bandang alas dos na akong bumalik sa kama.
Samantala, pumasok na rin si Paris sa Animal Clinic. "Bakit ba tawag ka ng tawag?" Tanong ko sa kanya. Panay ang tawag niya sa akin dahil wala pa naman daw silang kliyente.
"Hindi naman. " Nakakapagtaka lang...Pagkatapos kong ibaba ang tawag ni Paris ay unregistered number naman ang biglang tumawag. Sinagot ko naman kasi baka emergency pero si Max pala.
"Violet, susunduin kita." Pinindot ko kaagad ang aking cellphone. Bihira akong mag-turn off ng cellphone pero ginawa ko sa pagkakataong iyon dahil tiyak na kukulitin lang ako ni Max kaya binalak kong umalis ng maaga ngunit naabutan pa ako ni Max.
"Tinatakasan mo ba ako?" Nasa pintuan siya ng publishing house at matiyagang naghihintay doon. Lahat ng empleyado ng tower na iyon ay napapatingin kay Max. Kinikilala siguro o nagdadalawang isip kung siya ba ang sikat na modelo na si Maxwell Oliver.
"Salamat..." May dala-dala siyang magandang boquet ng bulaklak. Kinuha ko naman at nagpasalamat ako hanggang sa makapasok kami ng elevator.
"May bagong bukas na coffee shop sa ground floor ng Skycraper Tower. Magkape muna tayo kung hindi ka naman nagmamadali." We had a casual talk at niyaya niya ako sa isang coffee shop. Maaga pa talaga sa pag-uwi. Usually, nagpapa-late lang ako para hintayin ang sundo ko.
"Kumusta kayo ni Insan?" Ano kaya ang feling niya habang tinatanong iyon? Kinumusta niya kami ni Paris na parang interesado siya.
Ngunit walang anu-ano ay biglang tumawag si Paris "Love, nandito ako sa ground floor ng Skycraper Tower... Yung bagong coffee shop na pinuntahan natin. Dito mo na ako sundin. kasama ko si Max." At sinabi ko kung nasaan ako at nagpasundo ako doon. Nakita kong naglalakad na si Paris papunta ng shop pero sinalubong ko siya dahil ayokong magtagal doon. Pare-pareho lang naming lolokohin ang mga sarili namin na okay ang amign sitwasyon kahit hindi.
Nakalimutan ko ang boquet sa mismong mesa ng café sa pagmamadali ngunit wala akong balak balikan iyon doon.
Habang nasa kotse ay tinanggap ko ang tawag ni Red. Binanggit niya ang tungkol sa pagdating ni Max. Sinabi kong nagkita na kami. Gulat na gulat siya. Syiempre, inaasahang dadalo kami ni Paris sa susunod na kitakits "Pass muna kami..."
"Mahal, let's go. Minsan mo na lang sila nakikita at nakakasama. Masyado kang busy sa trabaho."
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...