OFF-LIMITS

20 0 0
                                    

MAX'S POV



Hindi ako nakapasok sa loob ng Love Publishing House dahil na rin siguro sa sabi ni Violet. Tiyak na siya ang nagsabi sa guwardiya na huwag akong papasukin. Kahit ipakita ko pa ang ID ko, hindi na nila ako pinapasok. Nagsisigaw ako sa entrance ng opisina at tinawag si Violet. Pero hindi siya lumabas. Hindi ko alam kung wala siya doon o talagang iniiwasan niya ako. Well, nakakaiskandalo nga naman kaya minabuti kong umalis pero hindi ako umalis ng building. Alam kong magpapagabi ng uwi si Violet. Sa coffeshop, sa ground floor ng Skycraper ako naghintay tulad ng dati kong ginawa noong huli ko siyang piliting sumama sa akin. This time hindi ko na ginawa iyon. Kitang kita ko kung paano siya nagmadali. Dinala ng isang driver mula sa ground parking area ang kotse niya. Tinanggap niya ang tawag sa kanyang cellphone habang pumapasok sa loob.



Napakaganda ni Violet ngayon. Medyo nagkalaman ng konti pero mas perfect kaysa dati. Habang nagma-mature siya ay lalong lumalabas ang natatago niyang ganda.



Sinundan ko ang kotse niya hanggang sa masundan ko ito sa isang condor towers na malapit lang sa lugar na iyon. Pumasok siya sa entrance ng CondoTowers and Hotels. Doon pala nakatira si Violet ngayon. Talagang lumayo siya sa Hillsborough.



She is having a new start in a new place like this. Mukhang asensado na siya. Afford to pay for a condo rent. Sabagay, what can you say about an author like Violet. Sikat na sikat na siguro siya sa Wattpad at sikat pang author ng libro.



Patok ang mga kakaibang kuwento niya. Hindi ko nga alam kung saan niya napagpupulot ang mga idea niya. Lahat naman eh nakakatuwang basahin. Sa pamagat pa lang, maku-curious ka na. Babasahin mo talaga. Pero wala na akong update sa kanyang Wattpad account.



"Good evening , Violet..." Pero tinitigan lang ako ni Violet. Hindi siya ngumiti. Hindi naman siya seryoso pero walang reaksyon ang kanyang mukha. Si Tita Cherry pa ang nagpapasok sa akin. "Thank you , Tita"


"Mabuti at natunton mo ang bahay ni Violet. How did you know?" Ngumiti lang ako. Hindi ko sinabing sinundan ko lang si Violet dahil ayaw na yata talaga niya akong makita.



Sinamahan niya ako sa sala.



"Violet, maglabas ka dito ng kape kay Max." Medyo nahihiya ako sa pag-aasikaso ni Tita. "Kumusta ka na? Kailan ka pa umuwi? Ikaw lang ba? Nasaan si Cattleya" Angdaming tanong ni TIta Cherry. Paglabas ni Violet, may dala siyang maliit na coffeepot at dalawang tasa. "Max, kayo na lang muna ni Violet ang magkuwentuhan?"



Naupo naman si Violet sa tapat ko. Tinitigan ko siya pero umiwas siya ng tingin at nakahalukipkip siya. Nakasandal sa sopa na parang walang pakialam.



"Kumusta na, Violet?"


"Okay lang. Buhay pa rin naman ako. Hindi mo ba nakikita?"


"Natanggap mo ba 'yung bulaklak?"


"OO, salamat. Iyon ba ang ipinunta mo dito?"


"Kumusta ka na?" Ilang beses ko siyang tinanong pero hindi niya ako sinasagot ng maayos. Hindi naman siya nakasimangot. Hindi naman din masama ang tingin niya sa akin. Isang tanong isang sagot lang siya. Lalo tuloy akong nag-aalangan. Halatang ayaw niya akong makita.


"Matagal-tagal din tayong di nagkita. Ikaw ang una kong hinanap pagdating namin pero hindi ka na pala doon nakatira. Ibinenta mo pala ang bahay. May buyer ka na ba?" Syiempre, kunwari lang iyon para hindi halata.


"Mayroon na, kaya huwag ka nang mag-aksaya ng panahon na bilhin ang bahay na iyon. You don't deserve to stay there, if I were you." Hindi ko sinabi sa kanya na ako ang buyer niya. "Violet, I hope you have the ..."


"Kaya ka ba nandito?"


"Violet, forgive me..." Kinuha ko ang kamay niya pero umiwas kaagad siya.


"Medyo gabi na. May trabaho pa ako bukas." Sabay hikab siya. Antok na nga siya. That's Violet. Ipinagtatabuyan na niya ako. Nakahalukipkip siyang tumayo at inihatid niya ako sa pinto.


"Violet, shall I come and see you again tomorrow?"


"I have no time for that now." Sabi niya habang nasa likod siya. "Besides, I don't want to get involved with you again."


"Violet... Hindi mo na ba ako mapapatawad?"Hindi pa ako napapatawad ni Violet dahil pati pangalan ko ay hindi niya binabanggit. Pinagsarhan niya ako ng pinto kahit hindi pa ako nakakapagpaalam ng maayos. Gusto kong lumuhod sa harapan niya. Hindi ako mahihiyang umiyak para magmakaawa sa kanya ngayon mapatawad lang niya ako bago ako muling bumalik sa ibang bansa. Kung hindi na niya ako mapapatawad, I might as well go back and stay in London for good.


"Good..."Hindi pa lang ako nakakalabas ay pinagsarhan na niya ako ng pinto. Napaiyak ako. Miss na miss ko si Violet. Gustong gusto ko siyang yakapin. Violet has never ignored like this before. Hindi ko tanggap.



Tuliro ako habang nagmamaneho at hindi ko napansin ang isang kotse na nakahinto sa harapan ko dahil stop na pala.



"Hay, malas talaga..." Napahampas ako sa manibela. Bumaba kaagad ako para tingnan ang damage. Bumaba din at naghi-hysterical ang isang babae habang hawak-hawak ang kanyang alagang tuta.


"What's wrong with you? Nagpapakamatay ka ba? " Sabi niya. Nakatitig din sa akin ang tuta sa sobrang takot.


"Miss, I am ... I'll take care of the damage. Pasensiya na." Pero tinitigan ako ng babae. Sinipat-sipat akong mabuti at lalong nagsisigaw.


"OMGGGG! Oh my... Oh my...I can't believe this... Are you...Wait, is that really you?" Sinamantala ko na ang pagkakataon upang gamitin ang aking flaming charisma.


"MAXIMUS OLIVERO...." Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at nakipagkamay ng todo.



"I am Elisha Montelibano..."Sabi ng babae. Halos wala na siyang pakialam na maipit ang kanyang aso ng yakapin niya ako. "NO, No,No, sa tingin ko ay okay lang ang kotse ko. WAla namang nadisgrasya. Malayo sa bituka. I'd be fine." sabi niya."Here's my calling card. Take me for a date a dinner or to bed to pay me. I think the last option is good. I'll take the chance if I were you" Sabi niya. Sabay kindat sa akin at pumasok na ng kotse. Kanina pang umalis ang kotse. Napayuko ako sa manibela.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon