WHILE YOU ARE SLEEPING

17 0 0
                                        

MAX'S POV



Oo, nakatulog na nga si Violet. Nakadapa siya sa kanyang kama. Nasa paanan ng kama ang aming ulunan. Nakasubsob ang kanyang mukha sa kanyang braso. Himbing na himbing sa pagtulog. Lampshade lang ang aming binuksan. Tinitigan ko si Violet habang naaaninag ko ang tulog niyang mukha sa dilim. Bahagya lang na natatakpan ng dilim ang kanyang mukha.



"Tipo kong babae ang tsinikita" Tsinita si Violet.


"Maputi " OO maputing- maputi siya na milky white sa kaputian.


"Maganda..." natural ang ganda at kahit walang ka-make-up-make – up eh lutang ang ganda tapos palangiti pa lalo na sa akin. Naalala kong may dimples nga pala siya.


"Long-legged..." Sobrang sexy sa kanyang makinis na binti. Ako lang naman ang nakakakita dahil madalas ko siyang makita na naka-shorts sa bahay.


"Baby face ..." Yes, mapagkakamalan mong Giant Baby si Violet.


"At mahaba ang kanyang buhok. " OO, mahaba ang kanyang makapal na buhok. Plus buhaghag at nakakatakot na buhok. Parang nakuryente, something like that Hehehe...


"Bonus na kung magiging loyal siya sa akin" Natural , loyal kaming pareho sa isa't isa. Kami lang dalawa ang nakakasakay sa mga topak naming pareho. Ang totoo, nasa harapan ko na pala ang babaeng hinahanap ko. Bakit ngayon ko lang na-realized?



Kanina, hindi ko talaga sinasadyang halikan si Violet. Hindi ako nag-sorry dahil... dahil... dahil nagustuhan ko ang halik na iyon. Napakainosente ng kanyang labi. Napakalambot! Napakasarap papakin. Sarap niyang halik-halikan ulit.



Hinagod ko ang kanyang mahabang buhok. Napangiti ako. Bakit pareho kaming naghahanap ng magiging boyfriend at girlfriend samantalang puwede naman kaming dalawa? Bakit hindi? Kaya lang papayag kaya si Violet?



Baka isipin niyang awkward ang sitwasyon. Hindi tama dahil una at higit sa lahat, magkaibigan kami. Ah ,natural na iyon na reaksyon ng babae. Pero , there is an advantage of being friends when you become lovers in the end. Hindi na ninyo kikilalanin ang isa't isa. Matututunan pa ninyong pahalagahan ang isa't isa dahil sa nabuong pagkakaibigan ninyo noong una.



Naku, ewan ko kung napapayag ko si Violet. Wish ko lang talaga!


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon