TATIANA'S POV
Paris is my only son. We have been through a lot of hardship since noong magkahiwalay kami ng kanyang ama. Hindi ko alam na may ibang asawa si Farrel. Minahal ko siya ng lubusan hanggang sa pangakuan niya ako ng kasal. Umuwi kami ng Pilipinas at dito nagpakasal ngunit kinailangan niyang bumalik sa America hanggang sa mag-file siya ng divorce.
Kahit hiwalay na kami ay pinadadalhan niya ng sustento si Paris. Hindi ko na problema ang kanyang pag-aaral hanggang sa makapagtapos nga si Paris. Nakapagtapos siya ng Veterinary at sa probinsiya nagtayo ng kanyang animal clinic. Inspector din siya ng mga kinatay na karne sa bayan ng San Juan Market kaya malaki ang kanyang suweldo. Naging permanenteng vet din siya sa farm nina Cherry dahil may malaki silang animal farm doon.
All of a sudden, umuwi si Violet sa bayan ng San Juan. Violet has never been to San Juan since noong bata siya kahit doon siya ipinanganak. Noong manganganak na si Cherry ay umuwi muna siya sa probinsiya upang mas maalagaan ni Lola Flora. Matanda na sila at hindi na puwedeng magbiyahe.
Naging malulungkutin ang matandang Bonifacio ng kunin si Cherry ng kanyang asawang si Sherwin. Seaman si Sherwin kaya afford niyang tumira sa isang mamahaling bahay sa Hillsborough kung saan mayroon ding bahay sina Papa.
Matalik na magkaibigan sina Cherry at Cattleya.Doon na nila nakilala ang kanilang mga napangasawa. At sa Maynila na sila nabyuda. Halos magkakasabay kaming tatlo na nagbuntis. And Paris is a fragile boy sa kabila ng pagiging masayahin ito. Lumaki naman siyang normal na bata. Nakapagtapos at heto, harap-harapan niyang nakilala si Violet. We know her as MarVi... Maria Violeta kasi ang tunay niyang pangalan. And he said he was in love with this lady.
What can I say? Biglang biglang sumulpot dito si Violet dahil kay Max. Gusto niyang makalimot kay Max pero hindi nila naiwasan ang isa't isa. Mapaglaro ang tadhana sa kanilang tatlo. Hindi alam ni Paris na si Violet na ang kaharap niya dahil hindi naman ganito kaganda si Violet noon kahit sa picture.
May pangako na pala silang dalawa na babalik si Max upang pakasalan si Violet pero nakabuntis itong si Max and now hindi naman natuloy kasi niloko lang siya ng babae. At dahil hindi kayang mapalayo ni Paris kay Violet, sinundan niya ito sa Maynila. Hay naku, hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat. Mukhang nagbabahay-bahayan na ang dalawa.
I worried a lot about Paris. Paris is a cancer survivor. Leukemia to be exact. But lately, napansin ko ang unti-unting pagbagsak ng kanyang katawan. He sometimes has fever pero hindi niya iniinda at hindi ipinapahalatang may masama siyang nararamdaman. Lagi kasi siyang naglo-long sleeves kaya di ko nakikita kung may mga pasa siya sa katawan. What I fear the most is when he starts bleeding... And that he warned me to keep everything from Cherry and Violet most especially.
Ayokong masayang ang pagkakataon habang magkasama sila ni Violet.
"Ate, hindi natuloy ang kasal nina Fiona at Max?"
"TALAGA!"
"Paano nangyari iyon?"
Natatakot ako kapag nakarating kay Violet ang balita.
"Paris, alam mo na ba ang tungkol sa nangyari kay Max?"
"Opo Mama pero hindi po ako nag-aalala. Hindi pa naman siya makakauwi. I'll just enjoy most of my time with Violet until such time na makabalik si Max dito."
"Paano ka?"
"Mama, I know where I stand. I can never be Max. I can never replace him in his heart. I just love Violet and I wanna be happy for her , with her..."
Nag-iyakan kaming dalawa. Matapang si Paris. Pinanindigan niyang sa bandang huli ay si Max pa rin ang itinitibok ang puso ni Violet. Gusto daw niyang maging masaya kapiling si Violet pero hindi niya sasabihin ang kanyang kalagayan. Ayaw niyang kaawaan siya ni Violet.
Lumuwas kami ni Cherry para kumustahin ang dalawa at mukha namang okay sila. Mahal ang tawag ni Paris kay Violet pero hindi naman ilag ang dalaga. Natural ang kanyang kilos sa halip na mahiya. Maasikaso silang pareho sa isa't isa. Dalawa naman ang kuwarto sa itaas at may maid's quarter sa ibaba. Pero sa iisang kuwarto lang natutulog ang dalawa. Nasa maid's quarter kami at nagkukuwentuhan ng marinig namin ang tawanan sa sala. Patay ang ilaw at nanunuod ang dalawa.
Nakaakbay si Paris habang nakahilig ang ulo ni Violet sa balikat niya. Nakasilip kami sa di gaanong nakasarang pinto ng aming kuwarto. Pinatay namin ang ilaw para di nila alam na nanunubok kaming dalawa sa kanila.
"Violet, may binili ka bang tsitsiria?"
"Huh, bakit gusto mong kumain? Gutom ka pa?" Ugali na ni Paris na kumain ng tsitsisia habang nanunuod. Tumayo si Violet at lumapit sa cabinet sa kusina. BIgla niyang binuksan ang ilaw at nagkagulatan kaming lahat.
"Ano pong ginagawa ninyo dyan?" Sabi ni Violet. Kakamut-kamot na lang kami ni Cherry at nakinuod kaming dalawa. Hindi naman nabago ang posisyon nila sa panunood. Sa tingin ko naman ay napo-fall- in love na rin si Violet kay Paris dahil sweet at thoughtful ang aking anak.
Saturday and Sunday lang kami nag-stay ni Cherry sa bahay ni Violet. Hahayaan kong maging masaya si Paris kasama si Violet. Hindi ko naman talaga maibibigay ang kanyang kaligayahan. Kung hanggang kailan niya gustong manatili dito kay Violet ay hihintayin ko na lang ang kanyang pag-uwi.
Masaya kaming dalawa ni Cherry. Nagpaalam kaming dalawa at nakitang masaya naman sina Violet at Paris na parang bagong mag-asawa.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...