RELATIONSHIP AND RESPONSIBILITY

21 0 0
                                        

MAX'S POV



Pagkatapos ng memorable night in the Prom Night, nagbago na kami ni Violet. Tulad ng ginawa ni Max kay Carla sa kuwentong "Isang Linggong Pag-ibig ni Max..." ipinalagay ko na si Carla ay si Violet. Lahat ng kanyang inihibitions for her first boyfriend, iyon ang ginawa ko.



Hindi ko iniiisip na kaya iyon ginawa ni Violet ay para paghiwalayin kami ni Maegan. Naisip ko na kuwento lang iyon at nagkataon lang ang lahat. Maaga akong nagpupunta sa kanila at nagsasabay kami. Sumasabay ako sa kanya sa almusal (Atleast ito ang wala sa kuwento niya.) I feel like Violet is now the most popular girl in our campus. Well for sometime, may lumilingon sa kanya di lang ganoon kadalas ng kay Carla sa kuwento. (Atleast may lumilingon naman tulad nina Sadam at Albert.)



At lahat ng relasyon ay nagdadaan sa pagsubok. Kahit noong magkaibigan pa lang kami ni Violet ay sinubukan na kami lalo pa kaya ngayon na pinasok namin ang isang relasyong higit pa sa magkaibigan. Dito nasubukan kung hanggang saan namin kayang ipagtanggol ang isa't isa bilang magkasintahan.



Magkatabi pa rin kami ni Violet sa loob ng classroom. Sabay pa rin kaming kumain sa canteen tulad ng dati. Hindi naman nagbago si Violet sa pakikitungo sa mga kaklase namin. Tulad pa rin ng dati ang mga bully. At minsan napagdiskitahan nila ang mga sulat na nasa ibabaw ng desk ni Violet. galing iyon sa mga secret admirers niya.



"Dear Violet,



Hindi ko akalaing gaganda ka nga ganyan kaganda. Puwede ko bang malaman kung saan ka nagparetoke at nang makapagpa-total transformation tulad ng ginawa sa iyo? Magkano naman ang ginastos mo para sa isang gabing ganda? hahahhaha.



Pero hindi naman iyon ang nasa sulat. Gawa-gawa lang nga malditang si Olivia. Umiyak si Violet pero hindi ako tumahimik. Hindi ako natakot.



"Alam mo, Olivia hindi ka talaga titigil. Dapat sa iyo tinuturuan ng leksyon dahil mukhang walang natuturo sa iyo ng kagandahang asal." Ako ang nagsumbong sa Guidance Office ng ginawa ni Olivia.


"Max, bakit mo naman ginawa iyon?"


"Alam mo, hindi siya titigil hangga't hinahayaan mo siyang na inaapi-api ka. Hindi ako makakapayag na ganyan ang gawin niya sa iyo."


"Paano kung gumanti siya sa akin?"


"Kailangan mo na rin siyang labanan. Hindi mo siya sasaktan. Gawin mo kung ano lang ang nararapat, Violet. "



Ang resulta, na-suspendi si Olivia ng isang linggo. Marami ang nakarinig sa mga sinabi niya. Hindi tumanggi ang mga kaklase namin.



Simula noon, ilag na si Olivia sa aming dalawa ni Violet. Akala ko ay payapa na ang mga huling buwan namin ni Violet pero hindi pala.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon