CHERRY'S POV
Hindi ko alam kung nakalimot na ba si Violet. Hindi ako aasa na makakalimot siya ng ganoon kadali. Hindi...Imposible iyon. Hindi ko siya kayang tanungin. Madudurog ang puso ko sa iyak ng aking anak. Sa burol pa nga lang ni Paris, alam kong gugustuhin na rin niyang sumama sa lalaki. Hindi siya magpapaiwan. ni hindi niya iniwan si Paris hanggang sa huling lamay.
Iyak siya ng iyak ngunit mabuti naman at napipilit ko pa rin siyang matulog at magpahinga. Pinilit ko siyang kumain. Kahit paunti-unti, pero minu-minuto. Alam kong nagpapakatatag ngayon si Violet. Simula ng araw na iyon, hindi ko na siya nakitang umiyak. Kung umiyak man siya, tiyak na ililihim niya ang lahat sa akin.
Ayaw rin niyang nag-aalala ako. Hanggang sa dumating ang mas kinatatakutan namin ni Ana. Hysterical si Violet. Para siyang bata na ngumangawa sa libing ni Paris sa public cemetery sa probinsiya. Iyon din ang gusto ni Ana. Iuwi ang katawan ni Paris upang mapaglamayan ng kanyang mga kaanak.
Nasa di kalayuan si Max. Hindi niya nagawang lumapit kay Violet. Pupunta lang siya sa burol kapag tulog na si Violet a wala sa tabi ng kabaong ni Paris. Hindi ito magpapakita sa kanya dahil magagalit si Violet. Hindi ko maintindihan kumbakit galit na galit si Violet sa binata.
At sa burol tuluyang bumigay ang hinang hinang katawan ni Violet. Si Max ang bumuhat sa kanya. Wala naman siyang malay kaya hindi na siya makakapalag pa.
Buntis si Violet. Sa kabila ng aming pagdadalamhati, isang malaking biyaya naman ang kapalit ni Paris ngunit hindi nagsalita si Violet tungkol sa kanyang ipinagbubuntis hanggang sa mag-isang taon si Xam. Sa pangalan pa lang ng bata ay nagtaka na kami. Kabaliktaran lang ng pangalan ni Max. Hindi ko alam kung mahal pa niya ang binata para ipangalan ang bata sa kanya. Ganoon ba katindi ang koneksyon nilang dalawa?
"Mama, ni-rape ako ni Max. Sa sobrang habag sa akin ni Paris, niyaya niya akong magpakasal. Hindi ko alam kumbakit kailangan niya kaong saluhin ng ganoon."
"Huh, paano nagawa iyon ni Max?"
"Kaya niya dahil masyado siyang desperado para saktan kami ni Paris."
"Violet, totoo ba ito, Iha"
"Mama, hindi ko ipagkakait si Xam kay Max kung sakaling tanungin niya kung sino ang totoong ama ng bata. Sasabihin ko ang totoo. "
"Hindi siya anak ni Paris..."
"I have never been pregnant for that span of time that we are together. But it doesn't mean that we are not meant to be. Maybe , that's really our fate."
"Paano mo nakaya ang lahat?"
"Mama, hindi ko kaya...Nakita ko lang na nandiyan kayo para sa akin at umaasa ang batang iyon sa aking sinapupunan na iingatan ko siya kaya siguro nakaya ko ang lahat."
Mahigpit kong niyakap si Violet. Masaya ako para sa kanya. Umaasa ako na mamumulat silang pareho ni Max. Isang araw, liligaya din silang dalawa.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Storie d'amoreA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...