WAKE UP, MAX

9 0 0
                                    

MAX'S POV



Wala akong nagawa kundi umalis . Matapos kong mawala sa sarili at halos tapusin ang buhay ko, bigla akong himasmasan ng marinig ko ang iyak ng aking anak sa kabilang linya. Nanaginip siya ng masama tungkol sa akin pero di niya alam na nasa bingit ako ng kamatayan at may sigaw akong narinig upang mapalingnon ako. Huminto ako sa dulo ng bangin, titingin sana ako sa baba dahil dinig ko ang alingawngaw ngunit napalingon ako hanggang sa may papadating na bata na yayakap sa akin. Doon na kao umiyak ng umiyak at natakot.



Si Hill ang kumausap sa kanya. OO, kasi gusto ko sanang magpaalam kay Violet. I won't say any promises but at least I know deep in my daughter's heart hihintayin niya ang pagbabalik ko kahit hindi niya sabihin. Hindi ko inaasahan ang pagdalaw niyang iyon. I let her in. May nangyari sa amin ni Violet bago ako umalis patungong London. But I wasn't at peace.



The moment I touch Violet's skin and moved my hands all over her body, I know she is still mine until now. Hindi nagbago ang body language ni Violet. She is purely innocent and passionately mine. Hindi nagbago ang kislot ng kanyang katawan kahit noong una ko siyang makuha sa overnight namin sa mansion nina Red. Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa kanilang farm. She did not open her eyes. She thought, I was just a dream...everything is just a dream. I could only dream of Violet this time. I fell under her spell and would want to rest in sleep with the beauty beside me.



I tried my best to get news about her lalo na sa aking anak na si Xamxam. Photos where sent to me by Mama Cherry. Nakita ko nga ang anak ko. Malaki na siya. Kumakain siya ng Ramyun. Sa condo pa rin sila nakatira. Nakangiti siya as if inviting someone to eat noddles with her. Salamat kay Mama kasi hindi niya ipinagkait ang simpleng bagay na iyon.



Maging si Violet, hindi niya binawalan si Xamxam na makipag-usap sa akin via Skype.



On the other hand, I would even request Hill to send boquet of flowers for Violet in some fancy occasions and for funny reasons. I missed her so much. I love her and I care so much for her , all this time. She is in my mind always, and in my heart forever.



Pinilit ko sina Red na ibigay sa akin ang Wattpad name ni Violet. I like to follow her in Wattpad. Gusto kong makita kung nag-a-update pa ba siya at sumasagot sa kanyang mga followers.



"Sige na, Red."



"Max naman eh." Pati sila ay mukhang napagsabihan na ni Violet. Pati ba naman iyn eh ipinakakait nila sa akin? Kasiyahan ko na sana iyon.



"Hindi naman siguro masamang magbasa ng mga kuwento ni Violet di ba??? Alam naman nating lahat na nagsusulat si Violet, madalas pa rin siyang mag-update. "



"Tapos ano???" Anong tapos ano? Anong ibig niyang sabihin." Baka naman awayin mo na naman si Violet kapag nagkatotoo ang mga sinulat niya tungkol sa kuwento niya.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon