BACKED OUT

23 1 3
                                    

MAX'S POV



Nawalan ako ng lakas ng loob ng magpakita kay Violet pero nagkita kami ni Mama Cherry. Matagal kaming nagkausap sa likod-bahay. May komunikasyon kasi kami ni Tita. Si Violet lang ang hindi ko kinokontak dahil ayokong masyado siyang mamiss habang nasa trabaho ako sa ibang bansa. Pero ni minsan ay hindi daw nagkuwento si Violet kay Mama Cherry. Basta't alam niyang walang boyfriend si Violet.



"Totoo bang magpapakaasal ka na?"


"Opo...nagpunta po ako dito para sana makausap ko si Violet."


"Umakyat ka na lang sa taas..."



Pag-akyat ko ay nakita kong tulog na tulog siya sa sopa. Muling nabuhay ang aking pagnanasa. Ipinasok ko siya sa kuwarto ngunit nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Tila ba nananaginip si Violet. Mabuti at nai-lock ko ang pinto. Umentra na naman ang pagiging mapangarapin ni Violeta. Wala aKong inaksayang pagkakataon. Sa aking pananabik at sa muling pagdidikit ng aming mga labi.



Mas marahas, mas agresibo, mas mainit ngayon si Violet sa kama. Nanatili siyang nakapikit at hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa kanyang isipan ng mga oras na iyon. Nag-init ang aming nga kalamnan, mas bigay na bigay si Violet palibhasa ay baka iniiisip niyang ang lahat ay pawang panaginip lang. Tahimik siya, nakapikit at pagkatapos kong magparaos ay nahimbing siyang natulog. Ah, alam ko na, magugulat na lang siya paggising niya, ang lahat ay walang katotohanan pala. Hindi likha ng imahinasyon at panaginip. Si Violet talaga, maging sa pagsi-sex, pinagagana ang imahinasyon samantalang puwede naman naming totohanin. Bago ako umalis sa pagkakapatong ko sa kanya ay nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha.



Tama lang na manatili siyang nakapikit. Hindi ako handang magpaliwanag sa kanya. Hindi ko siya masasamahan sa hinaharap. At wala nang patutunguhan ang paghihintay niya sa akin dahil hindi ko na maibibigay ang bukas sa kanya. Lalo pa ngayon at ikakakasal na ako.



Nag-iiyak ako sa loob ng kotse. Hindi ko na inisip na nandoon si Mang Pablo. Napasuntok ako sa sama ng loob. Hindi ko iningatan si Violet at hindi ko siya pinahalagahan. Kinuha ko ang kanyang puri kahit hindi ako sigurado sa maaaring mangyari sa hinaharap. Hindi ko akalaing sa ganito aabot ang lahat.



"Sir...tahan na po."


"Mang Pablo, pasensiya na po."


"Huwag po kayong mag-aalala. Ililihim ko po ang lahat. "



Pinasibad ni Mang Pablo ang kotse at minabuti kong umuwi na lang kina Tito Carlitos at bumalik ng madaling araw sa Maynila.


(Totoo ang lahat, Violet. Sana gumising ka na rin sa katotohanan...)

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon