PAST IS PAST

43 2 0
                                    

CHERRY'S POV



Wala akong masabi sa lahat ng mga pangyayari ng umagang ito. Kanina pang nakaalis si Tatiana at nagkasalisi sila ni Max. Suwerte ni Max, mahal na mahal pa rin siya ni Violet. At kung hindi lang dahil kay Xamxam, tiyak na puputulin na niya ang anumang kaugnayan niya kay Max.



Hindi masamang babae si Violet tulad ng gustong ipamukha ni Tatiana sa anak ko. Minahal naman talaga niya ng lubusan si Paris. Wala akong maipipintas kay Paris. He is a very ideal boyfriend and husband to my Violet. Kaya lang kung talagang ganoon kaiksi ang buhay ni Paris, hindi ko makokontrol ang lahat para lang sa kaligayahan ng anak ko. Gusto ko ring lumigaya si Violet. Marami siyang hirap na pinagdaanan. Sapat na ang kamatayan ni Paris. May buhay na kapalit iyon bunga ng karahasan ni Max pero biyaya pa rin iyon.



Hindi ko maipakita ang pagkadismaya ko kay Max ng malaman kong buntis si Violet. Mabuti at malakas ang kapit ng bata. Masasabi kong ang batang iyon ay biyaya kay Violet. Umalis si Paris dahil sa pagkamatay nito. Literal ding umalis si Max dahil isinubsob niya ang kanyang sarili sa trabaho para lang makalimot. Pero iyon ang pinakaimposible sa lahat. Lumimot? Sino? Si Max? Kalilimutan si Violet? Napakaimposible noon...



Mas kailangan ni Violet ng suporta ko lalo na sa kanyang kalagayan at sa maaaring sabihin ng maraming tao dahil sa sinapit niya. Itinago namin ni Violet ang buong katotohanan kay Tatiana lalong lalo na kay Cattleya. Tiyak na hindi magagawang maghabol ni Max kay Violet dahil iniisip niyang si Paris ang ama nito.



"Ano ang balak mo?"


"Ipapaalam k okay Xamxam pagdating ng panahon na buhay si Max. Hindi ko na babanggitin kahit kailan ang nangyari sa aming dalawa ni Max."


"Violet...."


"Mama, kami pa rin ba ni Max pagdating nang panahon?" OO, tiyak kong may dahilan ang mga nangyaring iyon sa kani-kanilang mga buhay. Kahit naman si Paris eh, hindi alam na hahantong siya sa kamatayan.



Umaasa pa rin ang anak ko all these years...



Hindi malabo ang pag-asa para kay Max at Violet.



They just have to work it out.



And it takes the effort of the two.



They have to become one....



Matapos ang buong linggo ng masalimuot na sorpresa sa buhay ni Violet at sa muli nilang pagtatagpo ni Max pati ang rebelasyon at pagkikita ng mag-amang Xamxam at Max, umaasa ako ngayon na makikita si Cattleya sa aming pintuan.



Na-miss ko si Bestfriend.



Matagal na panahon...napakatagal na panahon na hindi kami nagkita. Pagkatapos ng mga nangyari kay Max at Fiona sa probinsya ay hindi ko na yata siya nakita. Ah, OO...kasi naging close naman kami ni Tatiana dahil kay Paris.



Nag-iwasan na yata kami dahil sa mga kalokohan ni Max at sa panloloko niya kay Violet. Kung tutuusin ay wala kaming kinalaman doon. Puwede pa rin kaming magpansinan pero sa hiya ni Cattleya... mukhang di na kami nagkita.



Malakas talaga ang kutob ko na magkikita kami ni Cattleya. Tiyak na isasama siya ni Max pagbalik niya dito. Hindi ako nagkamali. Kinasabaduhan, maaga pa lang ay may nagdingdong na sa aming pintuan. Tulog pa si Xamxam at Violet. Maaga akong gumising para maghanda ng almusal.



"Cherry....."


"Cattleya..." Mahigpit ang mga yakap namin sa isa't isa. Umiyak kami na para kaming mga bata. Para kaming mga gaga, feeling tinedyer na noon lang ulit nagkita with all our tears of joy..."Friend, na-miss kita ng sobra..."


"Ay o, tingnan mo sila..." Nasa labas pa rin sila ng pintuan ni Max. Pinahid ko ang luha ko at hinila siya papasok. Dali-dali kaming nagtungo sa sala at naupo sa sopa. Diretso si Max sa kusina . May dala siyang mga Tupperware ng pagkain.



Tinungo niya ang kuwarto ng mag-ina. Nagkuwentuhan kaming dalawa at hindi pinansin kung kailan lalabas si Max.



"Huh, nasaan na ba si Max?"


"Baka sinilip ang kanyang mag-ina. Kapag ganitong weekends ay nagbabawi din ng tulog itong si Violet. Sabagay, tulad pa rin siya ng dati, walang pinippiling oras at araw ang kanyang pagpupuyat ."


"Writer pa rin ba si Violet?" Tumango ako atsaka ko tinungo ang kusina.


"Ano ba itong dala-dala ninyo ni Max.? Nag-abala pa kayo."


"Mga fruits and vege salad for Violet. For a change...."


"Halika, sabay na tayong mag-almusal at hayaan na lang muna natin sila."


"Kumusta ang apo ko?"


"Malaki na ang apo natin , Cattleya. Sa wakas , magkakatuluyan din silang dalawa."


"Iyon ang matagal ko nang ipinagdarasal.Sana ay huwag ng patagalin pa ni Max at baka naman magkaroon na naman ng aberya."


Naku, mukhang kinabahan ako doon ha!


Hindi na sila puwedeng magkahiwalay.


Kailangan ng pakasalan ni Max si Violet sa lalong madaling panahon.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon