VIOLET'S POV
I had a great time with Doc. Walang dull moment when I am with his company. Napabilib niya ako. Simple lang pero napatawa niya ako. Sa halip na dumiretso kami sa sayawan, sa perya muna kami pumunta. Pasimple pa siya eh, grabe ang titig niya. Nakakatunaw kaya...
Hindi ko alam kung laki siyang probinsiya kasi sa kilos niya at pananamit parang dayo lang siya sa lugar na iyon. At his age, successful na sa kanyang chosen field, samantalang ako... I get confused sometimes. I even change my career.
Sinumpong ako kanina dahil nagbago na rin ang ihip ng hangin kay Mama. Dati, pinagsasabihan niya akong maging loyal. Maging tapat sa lahat ng pagkakataon kahit malayo kami ni Max. Kaya nga hindi ko nagawang mag-entertain nang kahit na sinong manliligaw. Si Sadam nga hanggang ngayon ay nagti-text at nagpaparamdam sa akin.
"Magbi-break din kayo!" Palagi niyang sabi sa akin. Siya talaga ang hindi kailanman nagbago. Eh hindi naman naging kami ni Max. It is just a mutual understanding and promises, you don't even know if we can still keep up with it. Heto na nga, lumipas ang maraming taon at maraming nagbago pero hindi ako. Loyal pa rin ako sa kanya. Naghintay pa rin ako kahit ni minsan ay hindi niya ako kinumusta. Naging abala siya sa kanyang career at abala ako para maka-graduate. Akala ko pa naman sabay kaming gagraduate ng college, hindi pala.
Nagbago si Max. That news really broke my heart and I realized I have wasted so much time to keep up with my promise that I will wait for him. Ikakasal na si Max. Mukhang dito pa siya ikakasal.
"You have that scene in your last story di ba?" Sabi ni Melanie. Tinawagan pa niya ako to confirm it. Tumango ako kasi that was exactly the scene. An interview of their engagement... Then I turned off the tv... Ganoong ganoon ang peg sa kuwento ko. Ang bida ay isang sikat na male fashion model na love interest ni Writer. Parang kami lang ni Max.
"Look, If your words have that sort of omen... Nagkakatotoo sa bawat isulat, bakit hindi mo kontrahin ang sumpa?"
"Kontrahin ka dyan?"
"Gumawa ka ng story ni Max kung saan, maghihiwalayan naman sila ng babae. Paglayuin mo sila. Ilagay mong eksena, tinakbuhan siya ng bride noong wedding day niya. Na-realized ni Babae na they are not meant to be. O kaya naman, buntis pero ipinaako sa jowa mo... tapos humabol ang lalaki, 'yung lalaking nakabuntis talaga sa kanya. Inamin na siya ang ama ng ipinagbubuntis niya..."
"Melanie, are you sure you want me to have this job o tinuturuan mo akong maging witch? Kulang na lang sabihin mong kulamin ko na sila para tapos ang problema. "
"Friend, you said this Max is your friend slash bestfriend slash muntik mo nang maging boyfriend slash pretended that you where in a relationship before slash inagaw tuloy ng iba slash ikakasal na slash luhaan ka na Inday..."
"SHUT UP!" At ibinato ko ang aking cellphone. So, sino ang hindi maba-badtrip di ba?
Hindi lang nila alam kung ano ang nangyari kaya umaasa akong hinding hindi ako iiwan ni Max. Nagtiwala ako dahil naibigay ko ng buong buo ang sarili ko sa kanya. Hindi ko inisip ang sarili ko dahil mahal ko siya. Kung kailan nagsimula, hindi ko alam. Kung kailan ako hihinto sa kahibangan ko, hindi ko rin alam. Tapos, sasabihin nila.... "He doesn't deserve you. Find another person. Nandito ako. Handang magmahal sa iyo." Wow, ha! Sige... at ano naman ang kaibhan ni Doc kay Max. Itong si Melanie, scriptwriter na yata. Anggaling tumahi ng eksena. Pampelikula, perfect! Sarap sampalin ng mahadera. Siya kaya ang magmahal ng ganito. Tingnan natin kung ano ang gagawin niya. Pang ang dali. Angdaling husgahan ng mga bagay – bagay na hindi pa natin nararanas.
Tapos si Mama, halos ipagduldulan na niya ako kay Doc. Pinilit niya akong sumama sa sayawan kasi nga nagbago ang mood ko at ayaw ko ng sumama kanina kay Doc. Sinabihan ko na siya na siya na lang ang humarap sa binata at mag-alibi na lang pero hindi siya pumayag.
"Go with him. Who cares if max is going to marry that French Girl? She doesn't know what she's missing with Filipina woman. Now is the time para palitan mo na siya. " See, dati galit na glait siya na may umaakyat ng ligaw sa akin sa bahay ko pero ngayon...
And finally, Doc has the chance... he is grabbing the opportunity to win my heart. Grabe ang effort niya ha! At kanina, natawa ako sa kanya. Huling huli siya ni Mama. Nangungulit kasi siya ng kiss sa akin. Si Max ba siya na okay lang magpahalik on our first date ... date? Lumabas lang kasama siya date kaagad. Ano 'yun, date sa sayawan ,sa perya at sa lomihan? Wow, kakaiba talaga! Tapos, hihingi ng good night kiss. Sana binigyan siya ni Mama ng kiss para nag-ala sleeping beauty siya ngayon. Tingnan natin kung makatulog siya ng mahimbing.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...