MAX'S POV
Kung anong kalokohan ang pumasok sa kukote ko para halikan si Violet. Hindi ko masabi ang eksaktong dahilan para gawin ang kapangahasang iyon. Lumayo sa akin si Violet at siya na ang nag-explore ng kanyang Wattpad account. Nagtungo siya sa kanyang study table. Nakita kong isinubsob niya ang kanyang ulo sa mesa. Hindi ko alam kung inuuntog niya ang kanyang ulo kaya lumapit kaagad ako.
"Violet!... Violet!" Niyugyog ko ang kanyang balikat. "Sorry..."
"AAAAAAHHHHHHH!!!!!! Lumayo ka nga..." Mukha lang siyang nawala sa mood.
"Siraulo ka! Wala na akong maipagmamalaki sa boyfriend ko dahil kinuha mo na ang first kiss ko."
"Violet, sorry na. Hindi ko sasabihin sa magiging boypren mo na ako ang first kiss mo."
"Sa susunod, huwag ka na ngang papasok dito. Ilalagay ko sa pinto ko... MOST WANTED PERSON, CAN NOT ENTER THIS ROOM...Mukha mo ang ilalagay ko." Sinabunutan niya ako sa sobrang inis niya.
Kilala ko si Violet kapag totoong galit siya. Sa sitwasyon namin ngayon, hindi siya galit kaya dinaan ko na lang sa paglalambing. Madali namang pahupain ang galit niya eh. At alam kong hindi niya ako matitiis. Si Violet pa. Kahit kailan ay hindi marunong magalit.
Hinila ko siya sa sopa. Nakiusap ako na huwag naman niya akong iba-ban sa loob ng kuwarto niya. Lagot kaming pareho kapag nalaman nina Mama at Tita ang nangyari kaya sinabihan ko siyang ilihim na lang iyon sa pagitan naming dalawa.
"Huwag mo nang uulitin ha!"
"Promise , hindi ko na uulitin." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.Hindi ko alam kumbakit pareho naming pinagtitiyagang ang isa't isa. Lahat ng kapalpakan naming dalawa, kami lang din naman ang nagkukuwentuhan. Magkasundong magkasundo kami ni Violet. Makaraan ang ilang minuto, parang wala nang nangyari. Sabi ko sa iyo eh, madali siyang makalimot. Nakita kong kinuha niya ang isang blue notebook.
"Hmmm, ano 'yan?"
"Let's try this one."
"Anong kuwento 'yan?"
"Basahin mo na lang kapag naipost ko na...." Aaaah, oo nga naman. Paano pa't follower niya ako kung hindi ko naman pala susundan ang mga kuwento niya.
"Teka, dapat matuto kang gumawa ng book cover. "
"Book cover?"
"Syiempre, author ka ng libro... So , my prefer kang cover ng libro mo..."
"Saan ako kukuha? Sino ang ilalagay ko?"
Ah, ni minsan nga pala ay wala pang napanood na Korean Drama itong si Violet. Okay sisimulan natin sa panonood ng nakakatuwang K-Drama... ang kuwentong nakapagpakilig sa akin kahit lalaki ako. Sigurado kong kikiligin din si Violet.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...