VIOLET'S POV
Since that night, nagbago na ang buhay namin ni Max. Araw-araw naman kaming nagkikita pero napakatahimik namin. Para bang naubusan kami ng ikukuwento sa isa't isa. Napipipi ako kapag nandiyan na siya. Siya naman ay nauutal kapag nagsasalita. Nagkakasabay kaming magsalita at tarantang taranta kaming dalawa. Para kaming praning
At unti-unti din kaming nagkalayo. May mga pagkakataong busy siya. Nagpapaalam naman siya sa school. Pero ako ang nagdadala ng mga assignments niya. Pinupuntahan pa rin naman niya ako sa bahay pero kakatok na siya ngayon bago pumasok sa kuwarto. Kapag kami na lang dalawa, binabati niya ako ng halik sa labi. At ako, naghihintay na parang alam ko na ang kailangan niya.
"Violet..." Suskopo, ang boses ni Max. ..Iyon ang pinaka-sweet na tawag na ginawa niya. Boses ng taong in-love ang dinig ko sa boses niya.
"Max..." Hawak ko ang pisngi niya. " I missed you..." At niyakap ako ni Max.
What is this I'm feelin'
I just can't explain
When you're near,
I'm not the same.
Simula ng gabing inihatid niya ako sa bahay at nang mangyari sa amin ang icecream incident na iyon, unti-unti nitong binago ang pagiging matalik na magkaibigan namin ni Max. Maraming beses na nagpakita siya ng kakaibang kilos na hindi ko naiintindihan dahil wala din siyang sinasabi sa akin at lahat ay aking pinalampas. Kilos na taliwas sa inaasahan mo sa isang kaibigan. Naging mas malambing ni Max na tila nanunuyo ng isang babaeng nililigawan. Sinusundo niya ako sa bahay tuwing umaga at sabay kaming pumapasok. Biglang bigla kaming nagkakahiyaan pero alam kong pareho kaming nakikiramdam.
I'm tryin' to hide it,
Try not to show it.
It's crazy
How could it be
Hindi kami nag-iimikan tulad ng dati. Hindi kami naghaharutan na para kaming mga bata. Seryoso siya kapag ako ang kausap. Tahimik, masyadong malapit ang kanyang mukha at palaging titig na titig sa akin. Para siyang may x-ray vision. Natatakot ako. Parang alam na niya ang kaloob-looban ng aking pagkatao at wala na akong maitatago sa kanya.
Kapag nagdidikit ang aming mga balat ay nakukuryente na ako. nagkakaroon ako ng malisya. Kasi naman, nasanay na ako sa mga halik niya. Hindi na iyon natural sa magkaibigan. Hindi ako tumututol, hindi ako nagagalit at nakakatakot kapag tuluyan akong nahumaling.
Chorus
I've fallen for you
Finally, my heart gave in
And I'm fallen in love
I fin'lly know
How it feels
At tuluyang nahulog ang loob ko kay Max. Magkatabi naman kaming dalawa pero miss na miss ko siya. Magkasama kami buong maghapon pero gustong gusto kong titigan ang kanyang mukha. Ngayon ko lang naramdaman ito. Ganito pala ang ma-in-love. Hindi ako makatulog ng maayos kasi punong puno ng Max ang isipan ko. At ang dibdib ko, punum-puno ng kaba. Namumula daw ako sabi nina Rio at Caroline. Iniintriga nila ako sa mga kilos namin.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Roman d'amourA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
