FRI-SAT-SUN

13 0 0
                                    

BIERNES

♪Biyernes, Ay puno ng pagmamahalan Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan♪



LARA'S POV



Late na kaming umuwi ni Max. Nag-stay muna kami sa school ground. May mga naglalaro pa ng basketball sa court ng hapong iyon. Wala siyang ginawa kundi ikuwento ng ikuwento si Carla at ang ginawa nila buong maghapon na parang bobo ako para hindi ko malaman at bulag para hindi makita ang ka-sweetan nilang dalawa. Magkaklase kaya kami kaya makakaligtas ba sa malinaw kong mga mata ang tamis-tamisan nila sa klase?


"Napakasaya ko talaga, Bestie? "


"Ikaw na ang masaya..." Kunwari ko lang pero masaya naman talaga ako para sa kanya. Kaya lang, sorry Max...it won't be long, baka bukas lang o sa susunod na mga araw eh break na kayo ni Carla. Sorry, Bestie. Alam ko namang pangarap mo talaga ang mga tipo ni Carla. Masuwerte ka at naging girlfriend mo siya.


"Bitter naman ito kung makasagot. Hinding hindi naman kita ipagpapalit kay Carla. You are my forever bestfriend." Ayos, may forever sa magbestfriend. Etchos! Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Nagkatitigan kaming pareho. Matagal...hindi kami nakaimik pareho. Siya ang kusang lumayo.


"Halika na nga... Uwi na tayo" Hinila niya ako atsaka tinungo namin ang gate ng school. Nag-abang kami ng sasakyan.



Nakita ko ang biglang pagbabago ni Max. Palagi siyang masaya. Palaging nakangiti. Parang nangungusap ang kanyang mga mata tuwing tititigan ko siya. parang nakadikit na sa labi niya ang ngiti kahit sa malayo na katingin na parang may iniisip. Ang in-love nga naman, naiisip mo pa lang napapangiti ka na. Hindi pa lang lumalapit, dumadagundong na ang dibdib mo sa kaba. Kapag nagkakadikit ang inyong mga palad, kailangang pagpawisan ka ng todo. Hmm, buti pa si Max... kailan ko din kaya mai-experience iyon?



SABADO

♪Sabado, Tayo'y biglang nagkatampuhan♪



MAX' POV



Niyaya ko si Carla na mag-jogging ,Sabado ng umaga. Maaga ko siyang sinundo sa kanila. 5pm pa lang ay nasa gate na nila ako. Eksakto ang baba niya. Mula sa bahay nila ay nag-jogging na kami sa kalapit na himlayan. Hindi lang naman kami ang nag-dya-jogging doon. Madami nang tao ng ganoong oras. May mga nagba-biking. May mga batang naka-penny board o maliit na skates. May mga magkasintahang magkahawak kamay habang tumatakbo, nakangiti habang sinusulyapan ang isa't isa. Halata mo naman ang iba na mag-asawa at kasama ang kanilang mga binatilyo at dalagitang anak habang nagdya-jogging. Nagdala ako ng waterbottle, towel at biscuit para may kainin kami ni Carla pagkatapos.



"Max, bakit tahimik ka?" tanong niya sa akin. Gusto ko sanang balewalain ang isyung iyon. Narinig ko lang namang usap-usapan sa loob ng boy's cr ng umihi ako.



"Kayo ba ni Oreo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik pero dinig ko ang buntunghininga niya. Parang ambigat ng dinadala niya . Nakita daw nilang naghahalikan ang dalawa sa ilalim ng hagdan ng third floor. Samantalang hanggang hawak lang ako ng kanyang kamay at halik dito.


"Max... I don't owe you any explanation... " Sabi ni Carla. "You came at the wrong time. Wala namang may gusto na ganito ang mangyayari. " Hinila niya ang kanyang kamay. Lumayo siya sa akin.


"Carla, what are you talking about?"


"What I am saying is..." Hindi ko nagustuhan ang tinutumbok ng usapan namin ni Carla. Hindi ako handa sa sasabihin niya. Tumahip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga. Gusto kong tumigil ang oras at pigilan si Carla sa anumang sasabihin niya. Kung kaya ko lang gawin ang pagpigil ni DO MIN JOON sa oras , sana ay kanina ko pang ginawa. Kaya lang hindi ako kasing alien niya. Ilang saglit pa ay nandoon na si Oreo. Hinawakan siya ng binata sa kamay at niyayayang umalis sa parkeng iyon.



Walang sabi-sabi, natapos ang masasayang araw namin ni Carla.



LINGGO

♪At pagsapit ng linggo giliw ako'y iyong iniwan♪

♪O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Natulog akong ikaw ang kapiling
Ngunit wala ka nang ako'y gumising♪♪

♥♪O kay bilis ng iyong pagdating
Pagalis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Sa isang iglap lang nawala ring lahat...=(



MAX' POV



Ako lang pala ang hindi nakaalam na sina Carla at Oreo talaga. O siguro, matagal ko nang alam pero in-denial lang ako at hindi ko tanggap. Mas gusto kong papaniwalain na gusto din ako ni Carla kaysa isipin ko pang karibal ko sa puso niya si Oreo.



Bye, Carla....

=(

=(

=(

=(

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon