VIOLET'S POV
Hindi sapat ang isang linggo o isang buwan para maibsan ang kalungkutan ko. Para akong tinedyer na na-broken-hearted. Tuwing umaga ay may dalang bulaklak si Doc para sa akin with matching gatas ng kalabaw pero hindi ko siya sinisilip. Hindi ko rin siya hinaharap sa sala. Hindi ako sumisilip sa bintana. Ayoko...ayoko... ayokong makita ang mga walanghiyang iyon.
Mga lahi sila ng manloloko.
Kinuha ko ang aking laptop. Iyak ako ng iyak sa maliit na screen. Tumutulo ang luha ko habang panay ang pindot ko ng mga letra. Hinayaan kong ilabas ang nararamdaman ko sa pamamagitan nito. Hindi ako nagpaistorbo. Hindi ako nakaramdam na gutom. Pinagod ko ang aking isipan, ang aking katawan hanggang sa tuluyan kong ipikit ang aking mga mata.
Hindi ko na namalayan kung anong oras na nang magising ako. Malinis ang aking higaan. Nakaligpit ang aking laptop.
"Mamaaaaa, sinong nakialam ng laptop ko? " Tumayo ako pero nanginig ang tuhod ko at hindi ko kaya...nagulat ako dahil may dextrose ako. Napatakbo lahat sa kuwarto ko ng sumigaw ako. Nahugot ang karayon sa aking kamay at tumulo doon ang dugo.
Mabuti at nandoon si Doc. Marunong siyang magbalik ng dextrose. Pinalitan niya ang karayom nito at inaayos ang pagkakalagay nito sa kamay ko.
"Violet, magpahinga kang mabuti anak."
"Ilang araw na po ba akong..." Nagkatinginan silang lahat. Dalawang araw na pala akong nagbabawi ng tulog. Hindi ako kumakain dahil may dextrose ako. "Mamaaaaaa.... Mamaaaaaa....Aaaahhhhhh! Gusto ko nang mamatay....." Iyak ako ng iyak. Ito na ang pinakamiserableng pakiramdam sa buong buhay ko. "Bakit ? Mamaaaa, bakit niya sa akin ito ginawa? Sino pa ang magmamahal sa akin kung naibigay ko na sa kanya ang lahat? Ahhhhhhh! " Niyakap ako ni Mama.
"Anak, nandito si Mama. Mahal na mahal kita. Huwag mong sabihing gusto mong mamatay. Kasalanan iyan sa diyos, Violet. Huwag... Huwag... Tayo na lang dalawa. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako kasi nandiyan na iyan eh. Nagmahal ka kaya natural na masasaktan ka sa bandang huli. Kapag nasaktan ka, matututo kang bumangon muli. Huwag , Anak. NO, kung inwan ka niya, iiwan mo din ba si Mama? Ha! Hindi mo ba ako mahal anak? No, ikaw na lang ang natitirang alaala sa akin ng iyong papa tapos kay Max lang, iiwan mo na ako. "
Bigla akong natauhan sa sinabi ni Mama. Humagulgol siya ng iyak at niyakap ako ng mahigpit. Hindi lang si Max ang lalaki sa mundo. Napakasakim ko naman. Mahal ko din si Mama. Hindi lang si max ang buhay ko. Si Mama din.
Kung iniwan niya ako, tiyak na hindi ako iiwan ni Mama. Tinurukan ako ng pampakalma. Nakatulog akong muli at payapa akong gumising. Saglit akong umiyak pero pipilitin kong bumangong muli. Napakaganda ng sikat ng araw ng umagang iyon. Humarap ako nakakasilaw na sinag ng araw at sinalubong ang init na dumampi sa aking balat.
"Lord, sorry kasi kung anu-ano po ang nasabi ko kahapon. Thank you for waking me up today" Ganito lang siguro kapag nasasaktan. Kung anu-anong kapraningan ang lumabas sa aking bibig. Tumulo ang luha ko.
"Good morninggggg, mahal na diwata...." Narinig kong sigaw ng lalaki sa baba habang tila umiinat pa ako sa malaking bintana. Pinahid ko kaagad ang luha ko at napasimangot. Ayoko siyang makita.
"Huh!"
"Heto na po ang inyong abang lingkod. Flowers for you at sariwang gatas ng baka. Puwede po bang dumayo ng almusal?" Hahaha, baliw! diwata in your face. Nakita kong umakyat na siya kahit hindi iniimbitahan. Inayos ko ang aking sarili. May dextrose pa kasi ako kaya sa loob ako ng kuwarto kakain.
Umalis muli sina Max at Fiona. Hindi na ako nakibalita pa sa kanila.
Tapos na akong umiyak kaya tama na iyon.
Tapos na rin ang masasayang yugto sa aking buhay na kasama si Max at ang lahat ay bahagi na lang ng isang maganda at di makakalimutang alaala.
Pagkatapos kong kumain, kinuha ko ang aking laptop. Nagbukas ako ng wifi. Naisip ko lang namang buksan ulit ang aking WAttPad account. Napailing ako ng i-type ko ang aking username CODEVIOLET password VIOLET4MAX...click enter and log in... Matapos magbukas ang aking account. Hanep sa notification. Tsk! tsk!tsk! anong nangyayaring kaguluhan ito? Bakit may flooding ng votes at comments ang notification? Anong ginawa ko? Anong kuwento ba itong pinagkakaguluhan nila ngayon? Bakit?
Alam na... tungkol kay Max pa talaga ang pinagkaguluhan nila..."Ang Isang Linggong Pag-ibig ni Max"
FOLLOWER'S COMMENTS:
KATRINAminsul: @codeviolet... sino ba si Max? Kawawa naman siya...Masyado ka kasing patay na patay. Ang lahat ay may binabagayan din Max.
SNOWJINRI: @KATRINAminsul, hindi tayo tao.... bagay tayo, Max....
MINRI: @KATRINAminsul,pssst! ano bang hitsura ni Max? Totoong character ba siya?
Bakit Max na lang ang alam na pangalan ni Ms. Otor?
SNOWJINRI:@codeviolet, isang linggong pag-ibig lang talaga? Walang awa...
MINRI: @codeviolet, kawawa naman si Max... Listen here Max, kapag ako ang minahal mo, hindi lang weeksary at monthsary ang isi-celebrate natin...=)
DYOSUGHSULLENG: @codeviolet, iyan talaga ang nangyayari sa mga taong nagmamadali, madali rng matatapos ang relasyon. Huwag nang patagalin. Hiwalay kaagad!
FROGGYMINSUL:@codeviolet, wala talagang forever
TAEYOUNGTAO(BD)@codeviolet, tsk!tsk!tsk! bigti...May UD na ba ito?
Napabuntunghininga ako. Humihingi ng UD. Anong ilalagay ko? Napatingin ako sa kisame. Sige, iyon ang gagawin kong update. Don't worry, TaeyoungTao(BD)... Bibigyan kita ng update na tiyak kong ikakaloka mo.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomantizmA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...