PAASA MEMORIES

35 3 4
                                    

Dumiretso ako sa loob ng aking kuwarto. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama atsaka tuluyang humagulgol ng iyak. How could Max do this to me? Gusto ko nang magwala. Angdaya naman niya. Angtagal niya akong pinaasa. Angsakit kaya! Paasa talaga... Ako naman umasa... Angtanga-tanga ko... Syiempre, nagbabago ang lahat ng bagay, pati panahon, at pati ang tao.



Kasi... Kasi... kasi... sabi niya.... "Violet, hintayin mo ako ha!" O di ba? Sinong hindi aasa?


"What do you mean, hintayin kita?"


"Ah ,basta... hihintayin mo ako." Paano ko maiintindihan ang lahat ng iyon? Paano ko siya hihintayin at bakit? Para saan? That was a long , long time a go... Mas matagal pa sa mga fairytales na binasa natin. Kasi naman hindi naman talaga klaro sa amin ni Max kung ano kami. Basta na lang kami nagkahiwalay after graduation. Matapos kaming payagan nina Mama na sumama sa sleep over kina Red na nasa Vulture St., hindi ko na naintindihan ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa.



Niyaya kasi niya akong dumaan muna sa parke bago dumiretso kina Red. Hawak niya ang kamay ko noon at maliwanag ang mga streetlamps. Hindi na ako natakot maglakad dahil kasama ko si Max.



"Violet, mag-usap muna tayo dito."


"O, bakit? May mahalaga ba tayong pag-uusapan? " Seryoso si Max.


"Violet...." Hayun nga, sinabi niyang hintayin ko siya. Kahit hindi ko nauunawaan kumbakit at ano ang dahilan, sinelyuhan niya iyon ng halik. Napapitlag ako ng isandal niya ako sa wooden bench doon at para akong namatanda. Hindi ako makakilos pero naalala ko ang klase ng pagtugon na ginawa ko sa mga halik niya. Napaiyak ako sa kaba at narinig ko ang pang-asar niyang tawa.


"Kinakabahan ka ba, Violet?" Pinahid niya ang luha sa aking pisngi. "Pati rin ako eh" Kinuha niya ang aking kamay at ipinatong sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang dagundong ng kanyang puso. Ambilis ng tibok ng kanyang puso na tila hinahabol ng kabayo. "Violet..." Palagi niyang binabanggit ang aking pangalan. Itinayo na niya ako at dahan –dahan kaming naglakad.


"Max, bakit?"


"Violet, alam kong tatanungin mo ako pero hindi kita masasagot ngayon. Hindi rin ako magso-sorry sa iyo this time. I mean it. Sinasadya kong halikan ka. Kung bakit? Sabihin mong nawawala ako sa aking sarili pero I'll be back to tell the reason why... SOON!" Parang pelikula lang na , coming soon...



Niyakap ako ng mahigpit ni Max. Umiyak akong tuluyan dahil para siyang nagpapaalam.



"Madami tayong magagandang alaala. Ingatan mo iyon at iyon ang palagi mong iisipin kahit saan man ako naroroon. Bigyan mo ako ng sapat na pagkakataon...babalik ako."



Naging masaya ang sleep over namin. May mga magkasintahan din kasing nandoon sa mansion nina Red. Nasa isang malaking kuwarto kaming lahat. May 72" inches na telebisyon kung saan kami nanunood. Tahimik kaming magkatabi ni Max at tulad ng dati, nasa likuran ko siya.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon