VIOLET'S POV
Hindi ko alam kung sino ang gumawa ng update noon. Hindi ko pa nga nababasa iyon eh.
According sa kuwentong iyon, ipinakilala niya kung sino ang totoong Lara, totoong pangalan ko ang ginamit niya. Akong ako ang pagkakalarawan sa kuwento. Pati ang make-over na pinagdaanan ko ay inilagay niya doon. Doon ko nabasa ang another side of the story sa point of view ni Max. Exactly, alam kong si Max ang makakagawa ng update na iyon. Palibhasa ay alam ni Max ang USERNAME at PASSWORD ko kaya nabuksan niya iyon.
Nabagalan siguro sila sa update ko kaya itong si Max ang gumawa ng sarili niyang kuwento para dugtungan ang sarili kong kuwento. It was Max's version. "Isang Linggong Pag-ibig ni Violet: Lara's Alter Ego." Kabalikatarann ng mga eksena niya ang ginawa ko. Totoong kuwento namin ni Max ang inilagay niya.
Totoong nagkahiwalay kami ni Max after graduation pero hindi ako nagalit sa kanya. Nalungkot ako ng malaman kong aalis siya para sa kanyang modeling Career ko sa ibang bansa. Matapos ang sleep over ng grupo sa bahay nina Red... isang linggo after gradution... hindi na kami nagkita. Awkward after seeing each other dahil may mga inasikaso pa sila ni TIta Cattleya. Mabuti at wala siyang isinamang sexual pleasure doon. Totoong kasama niya ang kanyang mama at mawawalan na kami ng komunikasyon. Hanggang sa isang araw, bumalik siya para magpakasal. Hindi nga sa akin kundi sa isang London Girl na nabuntis niya....
Correction Violet is no longer a teacher but a writer and an author of romance books... a lonely soul..
COMMENTS FROM FOLLOWERS
Minri@CODEVIOLET papayagan mo ba na sa ganoon na lang humantong ang lahat...
Reply- @minri kung ikaw ba? anong gagawin mo?
KATRINAMINSUL @CODEVIOLET ipagtatanggol ko si Max. Max is mine.
Reply-@katrinaminsul he can never be forever mine. I let go...
Reply- KATRINAMINSUL @CODEVIOLEThindi lahat dapat nili-let go...
FROGMINSUL @CODEVIOLET ang totoo, kuwento pa ba ang pinag-uusapan dito...
DYOSUGHSULLENG @CODEVIOLET totoong kuwento na ba ito? Abah, dapat talagang magkaroon na ito ng update....=)
SNOWJINRI @CODEVIOLET UD na pleaseeeee.....
FROMINSUL@CODEVIOLET Sana Makapag Update kana Amdami ng fans ang Nagaantay sa UD mo isa na ako dun at sana maipublish mo na yan hehehe excited na kung basahin yan eh...Taga saan ka pala?? He he he nubayan Tagal na kitang kausap pero ngayon lang sumagi sa isip ko. Di ko pa natatanong pangalan mo??
Reply- CODEVIOLET@FROGMINSULReally? Daebak! I am Violet.... lakas mo sa kin, girl... sana totoo yang mga sinasabi mo at hindi yung binubola mo lang ako.... Ngayon lang ako naka-encounter ng mga readers na ganito kaya lagot ka sa akin hahaha... update na ko ng ibang stories... check mo early tom or with in next week til i finish the last book....ok... post kn lang ng violent comment mo
TAEYOUNGTAO(BD) @CODEVIOLET ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo ang ating pag-ibig...giliw ko....
Buwisit na Max ito. Hindi ko pala naman nai-post ang kuwento ko dahil sa sobrang lungkot ko ng mga time na iyon. Kung na-discover ko kaagad ito...Lagot kang Max ka sa akin...Aaahhhhh! bakit niya pinakialaman ang UD nito. Nakakasira ng diskarte....
Binasa ko ang update na ginawa ko sa kuwentong "Isang Linggong Pag-ibig ni Max". Tungkol kay Lara at Max naman ang kuwento. Isang Linggo lang din... Nagkahiwalay din sila ni Max pero hindi sila nag-break. Nagkahiwalay sila ng landas dahil si Max ay umalis para ipagpatuloy ang kanyang modeling career katulad ng update ni Max. Nagretire na sa trabaho ang ama ni Lara pero ang totoo namatay si Papa sa atake sa puso. Kaya pinag-isipan niyang mabuti ang kursong kanyang kukunin.
Nagkatotoo nga. Nagkahiwalay ang landas namin ni Max. Magti-teacher na lang ako para mas malaki ang suweldo. At si Max , tuluyan ng napalayo sa akin. Nawalan kami ng komunikasyon at never niya akong kinumusta kahit sa text sa FB, o sa Instagram. OO, minsan ay hindi kami nagkaroon ng komunikasyon. Maraming paraan pero hindi niya ginawa. Hinayaan kong kumapal ang kilay ko at ng bumalik sa pagkabuhaghag ang buhok ko ay nawalan na kao ng dahilan para magpaganda. Pero pinaglaitan ako ni Mama "Anong ibig mong sabihin? Si Max lang ang dahilan mo para magpaganda. Tumigil ka. Hindi lang siya ang lalaki dito sa mundo Violet. " Sermon ni Mama.
Matapos kung maka-graduate ay namuhay na akong mag-isa. Umuwi si Mama sa probinsiya at doon pinagyaman ang aming maliit na farm. Minana iyon ni Papa kay Lolo Boni.
Hindi ko makakalimutan si Max because he promised me to wait for him.
Hanggang sa bumulaga na lang sa akin ang isang balita na ikakasal na siya. At nagkatotoo nga...
Nagkatinginan na lang kami ni Melanie. Binuksan niya ang kanyang tab at tiningnan kong ano pa sa update ni Max ang nagkatotoo. Ako naman, isinara ko ang aking laptop. Sumubsob ako doon at nag-iiyak. Hindi ko pa lang naipo-post ang update ko pero halos nagkatugma at nagkatotoo ang mga updates namin ni Max.
Hindi ko tuloy maipaliwanag sa mga followers ko na kuwento lang iyon at pawang walang kinalaman sa totoong buhay ng tao, maging ang pangalan, lugar at pangyayari ay nagkataon lang at likha lang ng imahinasyon.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...