CATTLEYA'S POV
Wala akong nagawa kundi magpaiwan dito sa Pilipinas upang akuin ang responsibilidad ni Cherry sa kanyang mga apo. Apo ko naman sina Xamxam at Mavi. Matagal din naman akong nasa ibang bansa upang samahan si Max kahit hindi kami literal na magkasama. Nagtatrabaho ako sa ibang bahagi ng London dahil gusto kong maging independent si Max.
Pero dahil sa sitwasyon ng mag-iina, kailangan kong manatili sa kanila. Mahigpit ding bilin ni Max na huwag kong iiwan ang mga bata. Isang taon na lang, hindi puwedeng hindi siya uuwi. Kailangan nila ng malaking pera ngayon habang nagpapagaling ang mag-iina. Sa ICU pa lang, isang milyon na ang inabot ng bill nila.
Well, hindi naman poor si Violet. Haciendera siya at simple lang ang buhay niya dito sa Maynila kahit pa nakatira siya sa condo. Siya ang nagbabayad doon mula sa kanyang kinikita bilang author ng libro. Anyway, afford naman niya ang kanyang simple lifestyle.
Heto ngayon gising na si Violet at si Max...piniling hindi na muna makita si Violet. Para sa kanya, sapat ng malaman niya ngayon na ligtas na silang tatlo. Sisikapin naman daw niyang matapos ang kanyang kontrata. UUwi talaga siya pabalik dito sa Pilipinas.
Naiwan mo na din si Hill upang ayusin ang mga financial needs nina Violet. Sa kanya ako humihingi ng pahintulot sa mga desisyon lalo na kung may kinalaman ang pera ni Max. Ayoko din kasing pakialaman ang mga financial statements ni Max. Simula ng magkaroon siya ng career, hindi ko iyon pinakikialaman dahil tiwala naman ako kay Hill.
"TIta, si Max po ang may karapatan sa bagay na iyan. Pinaghirapan po niya iyan. Nararapat lang na gamitin niya iyan sa kanyang pamilya."
Nagpapasalamat ako dahil malawak ang pang-unawa ng kanyang manager. Kahit anong mangyari, palagi siyang nakaagapay sa pinagdadanaan ng mag-anak ni Max.
"Kailan ka babalik?"
"Tita, titingnan ko po muna ang sitwasyon dito nina Violet.. Hindi ko naman po kailangang magmadali. Nasa bakasyon pa naman po si Max. Kung mauuna man siya doon eh tiyak kong gusto lang din niyang magpahinga. Ilang linggo din siyang pagod at puyat sa pag-aasikaso ng kanyang mga anak."
Nakakatulugan na nga ni Max ang pagbabasa ng fairy tales sa mga bata. Mas nauna pa siyang nakatulog kaysa sa mga pinatutulog niya. Ngayon niya na-experience kong an ang pakiramdam ng pag-aalaga ng bata buong maghapon.
Nakita ko naman ang pagsisikap niyang punan ang panahong ipinagkait sa kanilang mag-aaama. Natuto siyang mag-alaga, magtimpla ng gatas, magpakain ng bata, matulog kasama nila, makipagkulitan habang magkakatabi silang tatlo.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...