VIOLET'S POV
Matapos ang mahabang panahong pagpupunyagi sa harap ng computer...matapos ang madaming kuwento na aking nagawa at nai-publish, kailangan ko na ring harapin ang panibagong yugto ng aking buhay.
Nagulat ako at nagising sa vibration ng aking cellphone. Nakatulog pala ako sa sopa at hindi na ako nakaakyat sa kuwarto para makahiga ng maayos. Hawak ko pa ang unedited copy ng libro ng "Hello , Miss Author". Napailing ako. Ibang iba ito sa naka-published na libro na best selling ngayon sa mga bookstores. Maganda naman ang feedback na natatanggap ko mula sa aming editor in chief.
"Violet, wake up and get ready. Today isyour most awaited book signing...Congratulations." Text ni Miss Melanie.
"Violet, congratulations, Anak..." Napangiti ako sa mga pagbati nila. Hindi rin iyon pinalampas nina Red at Rose...nina Rio at Jenny at pati nina Sadam at Bojo. They are even waiting for my blow out. Kitakits daw kami.
Kaya ngayon, bilang bahagi ng aking 10th year anniversary sa publishing house...I was off for book signing. Kinakabahan ako. Iniimbitahan ko pa naman ang mga readers ko via Wattpad. I send them notifications...May magpunta kaya?
The day I was sent out to have my very first book signing was the day that Max promised to be home. Pupuntahan daw niya ako sa aking book signing sa tapat ng National Bookstore sa SM-Sucat. Is it possible? Uuwi kaya siya?
Halos isang linggo na kaming walang usap sa Skype. Ni mag-hello kay Miss Author sa phone, wala. Uhh, nakakainis naman si Max eh...Bakit ngayon pa???
"Basta, promise...uuwi ako...Doon na tayo magkita. OK!!!"
After all these years...our relationship has remained stable and strong...Hindi natinag ng matinding unos ang aming relasyon ni Max. We ought to wait and remain steadfast in our love for each other kahit matagal-tagal din kaming nagkalayo.
Nagtungo ako sa kusina at nagbukas ng ref. Kumuha ako ng malamig na gatas...matagal na panahon akong mag-isa sa bahay na ito...Pag-uwi ni Max...makasama na rin ako sa wakas...at sa susunod...hmm, may mga batang bababa na rin ng hagdan akay sina Mama Cattleya at Mama Cherry.
What am I doing???? Day dreaming again...
Sa wakas, bayad na ako sa bahay na ito. In 10 years time, nabayaran ko ng ganoon kabilis.
"O,naipadala ko na pala sa account mo ang dagdag sa pambayad ng bahay." Yap, di ko sinasabi kay Mama na nakiki-share si Max sa pambayad dito sa bahay para daw mabilis mabayaran. Hindi naman siya mausisa.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...