GOING SOLO: OWN MY OWN

54 2 1
                                        


Habang solo ko sa bahay, nagagawa ko ang gusto kong gawin. Malaya akong gumising kung kailan ko gustuhin. Kumakain ako sa tamang oras tulad ng bilin ni Mama. May stock akong lutong pagkain, dalawang putahe sa loob ng isang linggo at kung pagsawaan ko naman, may stock akong frozen food na salitan kong iniluluto at ipinapainit.



Natuto akong kumilos sa bahay. Malaki na ako para magkalat. Writing table ko lang ang minsan makalat pero hangga't maaari ay iniiwasan kong magkalat ng lukot na papel. Ayoko sa maduming paligid dahil nagugulo din ang utak ko. The more na may nakikita akong kalat, the more na hindi ko maialis ang isip ko doon kaya napapahinto talaga ako para maglinis. Kasi, para sa akin, the more na malinis, mas maayos din akong mag-isip... the more na tahimik, mas pumapasok ang magagandang eksena para sa kuwento ko. The more na matino ako, matino din ang gawa ko.



Ayoko lang ng may kasama. Ayoko kasing may isa pa akong iintindihin. Kung ako lang, atleast, bahala ako sa buhay ko. Although, misan kapag ina-ambush visit ako ng mga dati kong kasamahan sa trabaho, hindi na naiiwasan na huminto ako saglit sa pagsusulat. Iyon lang ang oras ko para magpahinga at may makakuwentuhan.



Matagal na rin akong huminto sa pagtuturo. Full time na ako sa pagsusulat ng libro sa loob ng tatlong taon. Pang-apat na taon ko na rin ito. Pagmulat ng aking mga mata, konting hilamos lang, punta sa kusina, kuha ng pagkain kahit hindi pa ako nakakapagsuklay basta ko na lang maitali ang buhok ay okay na, ia-adjust lang ng konti ang salamin ko at presto! uupo na ako ng komportable sa aking malambot na upuan habang nakaharap ako sa bintana at tanaw ang aming maaliwalas na bakuran na napaliligiran ng puno.



Ni hindi ko magawang buksan ang aking cellphone at e-mails. Syiempre, hindi ko puwedeng kalimutan ang schedule namin ni Mama para mag-usap. It's a must na magkausap kami kahit every other day. Nagagalit siya sa akin kapag nakakalimot ako. Minsan akong nakalimot at kinabukasan ay nasa pinto na siya ng bahay ko. Kinakatkatan niya ako ng sermon at iyak siya ng iyak.



"Tayo na nga lang dalawa. Iyon na nga lang ang oras natin para magkausap, kinakalimutan mo pa!" Ay naku po... nagdrama ang aking ina. Well, hindi ko siya masisisi.


"Sorry na po, Mama."


"Anak naman, kung nandito lang ako. Hindi ako mag-aalala ng sobra sa iyo."


"Naiintindihan ko po." Sabi ko kay Mama kaya simula noon talagang hindi na ako nakalimot. Inaabisuhan ko na lang siya ahead of time kung may lakad ako at out of town at wala akong chance na tawagan siya sa sobrang busy at hectic ng schedule. Pero nasanay na rin ako, kahit text, kontento na siya at hindi na masyadong mag-aalala.


Pareho kami....


SOLO sa buhay.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon