OLD TIME FRIENDS

20 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Muli akong niyaya nina Red at Caroline sa dati naming tambayan kung saan kami madalas kumain tuwing semestral break. This time, no restriction ang kilos ni Violet. Nagpakatotoo na ako. Kung may inom, game din akong makikipag-inuman. Nakita ko doon si Sadam and this time , he is with a date. Medyo awkward pa kay Sadam dahil hindi niya inaasahang pupunta ako doon.



"Hmm, Cielo meet Violet."


"HI Violet..."


"Hi Cielo. "


"Girlfriend ko..." Sabi ni Sadam.


"Wow! That's great, may girlfriend ka na. Congratulations, Sadam" My happiness about the news is pure and authentic habang tinititigan ng lahat ang reaction ko. There look is so intriguing na para bang big deal maging masaya dahil may girlfriend na si Sadam at ako broken hearted because Max left me for a London Girl. Why are they so apologetic for me?


"Violet, sorry ha! Hindi namin nasabi sa iyo na..."


"No, No , No... Don't be sorry...It's no big deal."


"Heto naman kasi si Sadam eh. Angdaming pagkakataong magpapakilala ng girlfriend kung kailan barkada night..." Yes, we call it barkada night. Kitakits kasi iyon ng buong barkada. As in kami, buong barkada. Off limits ang hindi kasama sa grupo.


"So, Violet. Kumusta ang writing career mo? Tanong ni Caroline.


"We'll what can I say...Well and good." Sabi ko na lang. Hindi ko sinasabing naka-recover na ako. Hindi ko alam kung alam nilang umuwi ako ng probinsiya para magpahinga at maglabas ng sama ng loob.


"Ina-update mo pa ba ang kuwento mo sa WATTPAD?" Tanong ni Red


"Naku, hindi ko na alam kung ano na ang nangyari doon. Nakalimutan ko na ring buksan."


"Tell you what..I found this author..." Ipinakita ang tab sa mga kasamahan namin... Red had just found me. Ang tinik talaga niya. Bookworm masyado. "I-follow mo ,Girl..." Sabi sa mga barkada namin. Sino pa ba naman ang magiging follower ko kundi sila?


'Sige..." at nagsipagsunuran sina Rose, Rio at Jenny pati si Caroline. Habang nag-iinuman ang iba at kumakain kami ay bigla nabulunan si Red sa harap ng kanyang tab.


"Holy Cow...."Sabi niya. "OMG, Girl basahin mo...Daliii! Basahin mo..." Talagang mga adik sa mga kuwento ko. Nakitingin din ako para hindi halatang account ko. Nakibasa ako pero lahat ay unti-unting tumingin sa akin. Hinuhuli lang nila ako.


"Tantanan ninyo ako ha! Wala akong kinalaman diyan. Matagal na akong umawat sa pagsusulat ng kuwento sa WATTPAD. Hindi na nga ako magkandaugaga sa opisina, magwa-WATTPAD pa ako. Oh please... tigilan ninyo ako..." Nakumbinsi ko naman ang mga babae pero si Red, ang bakler na si Red ay hindi kumbinsido sa mga alibi ko.


"Huwag kang magkaila sa akin... Ikaw si VIOLETSRBLUE tama ba?" Hindi na ako umimik. Lahat sila ay nakatutok sa kanilang mga tab.


"OMGGG!" Napasigaw bigla si Caroline.


"So, sad... Akala ko naman 'yung first person ang bride. Buwisit, nadala ako sa kuwento."


"In the end, hindi pala si Best." Bigla silang natahimik. Sounds familiar di ba?


"Parang kami lang ni Max."Sabi ko and they were all in tears. Pati gf ni Sadam ay napatingin. Nanlisik ang mga mata nito na tila ba galit.


"Uy,Sadam galit ka ba? Bakit ganyan ang mukha mo?"


"Bad trip kasi 'yang si Max eh. Sabi ko na kasi sa iyo, kunwari lang mabait ang Max na iyon pero lolokohin ka din niya."


"Past is Past , Sadam..."Sabi ni Rose. "May asawa na iyong tao."


"Who's Max, Sadam?" Natigilan kaming lahat. Sadam just got carried away.


"Boyfriend yun ni Violet..."


"Ahhh...kaibigan din ninyo?"


"Hindi ..." Sabi din ni Sadam. Bigla na lang tumulo ang luha ko at kinuha ko pa ang baso ni Caroline at Rose. Ako ang tumungga ng beer nila. Suminghot ako.


"Pasensiya na kayo. Ito kasing si Sadam eh. Tumigil ka nga. Nakakahiya sa girlfriend mo."



Nagkantyawan na lang ang lahat at nakatuon ang pansin kina Sadam at Cielo. Ininterview si Sadam ng barkada kung paano napasagot ng binata ang dalaga.



"Marunong ka ng dumiskarte ha!"


"Nagbabago ang lahat.."Sabi pa ni Sadam. Hindi ko alam kung may kahulugan ang sinabi niya. E di ikaw na Sadam. Nagpaalam si Cielo at hindi siya nagpahatid kay Sadam kaya bumalik sa loob at tumabi sa akin. "Violet, puwede ba tayong mag-usap?"


"Bakit? Ano ang dapat nating pag-usapan?"


"Pasensiya ka na kung naisama ko si Cielo dito."


"Look , Sadam hindi ko alam kung ano ang ..." Paglingon ko sa gilid kung saan siya nakaupo, hindi na nakapagpigil si Sadam sa pagkasabik sa akin. Na-miss yata niya ako at talagang isinubsob ang kanyang mukha sa akin.


"I missed you so much , Violet." Hindi ako nakakilos.


"Why did you do that?" Nanlaki ang mga mata ko.


"I am sorry..." Pinaalis lang niya ang kanyang girlfriend at ngayon ako ang nilalantakan.


"Matapos mong paalisin si Cielo, hahalikan mo ako" E di sampal ang inabot niya sa akin. Lasing pa naman na ako tapos gagaguhin niya ako. Siraulong Sadam ito. "Wala kang kahihiyan ha!" Isa pang sampal ang nakuha niya.


"Violet, tama na! Sadam naman kasi... mas lasing ka ba kay Violet?" Sabi ni Jenny.


"Sorry, nawala lang ako sa sarili ko. "Napaiyak sa pagkabigla si Sadam. Matagal nang may gusto sa akin si Sadam. Hindi ko siya siniseryoso dahil binakuran naman ako ni Max. Hindi siya makalapit sa akin. Nawalan siya ng pagkakataon ng magkolehiyo kami at hindi naman ako madalas magpakita sa barkada tuwing may salu-salo. Tuwing birthday ko naman ay hindi na ako naghahanda kaya hindi rin kami nagkikita-kita.



Nawala ang kalasingan ko sa ginawa niya pero ang lahat ng iyon ay balewala. 

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon