THIS TIME

16 0 0
                                    

VIOLET'S POV



This time is different. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito na natuto akong magpakatotoo sa aking sarili. Ang sarap sa pakiramdam ng wala akong pinangingilagan at naging totoo ka lang sa sarili mo. Napaiyak ako sa tabi ni Paris ng madaling araw na magkayakap kami sa kanyang kuwarto.



"Tahan na...Promise, hindi na ito mauulit kahit kailan."


"Promise!" Tumango siya atsaka kami natulog nang mahimbing. Pagod na pagod din ako sa biyahe.



Pag-uwi namin sa Maynila ay back to normal kami. Kinabukasan na rin naisunod ang aking kotse. Kasama noon sina Mama at Tita Tatiana . May kasama din silang driver ng isa pang kotse ni Mama. Nag-stay muna sila sa bahay at doon nila nakilala ang aking mga friendly neighborhood. Tuwang tuwa si Mrs. Chang dahil sa mga sinabi ni Mama tungkol sa kanyang Orchidarium. Bago daw iyon sa kanyang farm.



Ipinatayo iyon ni Mama. Isang di kalakihang halamanan na punum-puno ng mga orkidyas. Although hindi naman rare lahat, ang ilan ay bahagi pa rin ng kanyang mga koleksyon kahit nga iyong mga orkidyas na ligaw at sa mga kagubatan mo lang makikita. Mayroon din siyang ipinagawang compilation na animo'y album ng lahat ng mga orchids. Nandoon ang kani-kanilang scientific names, local names at ang picture nito. May konting description para mas ma-appreciate ng mga nagpupunta doon. Kapag daw nagkakaroon siya ng bisita ay doon muna niya kaagad dinadala kasi hangang hanga daw siya sa koleksyon niya.



"Hay, sana nga at mapuntahan ko man lang ang iyong orchidarium. Naku, alam mo ba ang ibinigay mong waling-waling sa akin, namulaklak na." Sabi ni Mrs. Chang.



Nang si Mrs. Garcia naman ang dumayo sa amin ay ipinagmalaki ni Mama ang aming farm at kung paano siya tinulungan ni Paris sa pag-aalaga ng aming mga alagang hayop doon. Alam naman ni Mrs. Garcia na vet si Paris kaya naikuwento rin niya ang malaking nitong pasasalamat sa binata dahil nagkataong nandito na siya sa bahay noon ng mamrublema siya sa kanyang aso.



Pagkatapos nilang magbakasyon ng ilang araw sa bahay ay umuwi na rin sila sa probinsiya. Walang katapusang bilin ang kanyang ginawa at halos maputol ang ulo ko sa katatango. Natatawa na lang si Paris.



Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay matapos namin ihatid ng tanaw ang kotse. Lumiko ito patungo sa gate ng subdibisyon. Pareho kaming napaupo ni Paris sa sopa . "Grabe, sakit sa tenga ng bibig ni Mama" Sabi ko.



"Sa kanya ka ba nagmana?" Tanong niya. Tinitigan ko siya ng masama pero pagngiti niya ay saka niya ako sinunggaban ng halik. "I love you . Violet...." Pinangko niya ako sa kanyang mga bisig.



"Ano ba? Ibaba mo nga ako..."


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon