VIOLET'S POV
Hindi lahat ay natuwa sa pagbabalikan namin ni Max. Kung may natuwa sa bahay tulad nina Mama at Mama Cattleya pati na si Xamxam, unang kontra si Tita Ana. Iyon ang kinatatakutan ko, ang muli niyang pagbabalik ng magkakaharap kami lalo na kung nakaabot sa kaalaman niya na magpapakasal na kami ni Max. Pangalawa, ang mga kabarkada namin. Tiyak kong may violent reaction sila kapag nalaman na ikakasal na kami. Hindi ko inaalis ang posibilidad dahil naikuwento ko sa kanila at alam nila ang mga pinagdaanan ko sa kamay ni Max. Ang pagmamahal ko sa kanya ay may kasamang luha. Mas marami akong naibuhos na luha kaysa ang sumaya sa kanya lalo na noong umalis siya, bumalik na may kasamang Fiona, umalis muli at muling dumating upang saksihan ang libing ni Paris.
Basta, may kitakits. Walang detalye basta umattend ako. Aasahan daw nila ako. Tinanong ko si Max kinabukasan kung dadalo siya.
"Titingnan ko ang schedule ko kay Hill. Kung makakahabol, I'll come and see you. Isasama mo ba six am?"
"Hindi ko alam. Ayoko kasi siyang masanay na nakikita tayong nag-iinuman. But knowing our barkada would be nice."
"Isama mo na lang. Baka naman makahabol ako. I'll see to it. Magtaxi na lang kayo para sabay-sabay na tayong umuwi." Sabi ni Max. Hindi pa siya sigurado. Okay, fine...
Sabay-sabay kaming kumain ng almusal. Just in case , maisama ko si Xam... tiningnan ko na ang damit na puwede niyang isuot at inihanda ito. Hindi ko ipinakita sa kanya para hindi siya mag-expect dahil baka magbago ang una kong desisyon na isama siya. Baka biglang magyaya si Max na maghotel kami eh... saan ko iiwan si Xamxam?
Pagpasok sa publishing house, I looked updates on Wattpad. Masaya kong binasa ang mga comment nina FROGMINSUL, SnowJinri, Minri, Dyosugh Sulleng at TaeYoungTao(BD) sa mga kuwento ko. They enjoyed different stories but all of them are Minsul Shippers. Pati rin ako.
DYOSUGHSULLENG
May 12,2016 09:14PM
Wahh Unni!!!! Namiss ko po kayo! XD ..debak!!! Ang ganda at ang cute po ng Bagong cover book ng My bully profesor and I at The Chronicle of a man hater.pero sana po di niyo dinelete yung dati! Hahaha wala namiss ko lang..trip ko po kasing titigan yung mga cover book nyo .kapag wala akong magawa eh.xD.
Anywaste Update na po kayo ng Book 2 ng THE GIRL THE GANGSTER AND ME! HINDI NMAN PO SA ATAT" AKO EH.U KNOW MALAPIT NA PO KASI PASUKAN KAYA I COCOMPISCATE NA PO MGA GADGET KO 2 WEEKS O SOMETHING BAGO MAGPASUKAN KAYA..HUHUHU..BAKA MATAGAL AKO MAWALA SA WATTPAD WORLD.PERO DI BALE SA COM. SHOP NA LANG O KAYA MAG MAY TIME BASTA GAGAWA TALAGA AKO NG PARAAN PARA LANG MABASA ANG MGA UPDATE NYO!!! WAHHH ADIK NAKO SA MGA STORIES NIYO UNNI.KAYA SANA PO PLSS! HUHUHU MATAPOS NIYO PO SYA BAGO MAGPASUKAN YUNG MGA BOOKS NINYO PATI YUNG WHEN ANGEL FALLS..AT SANA MAKAGAWA PO KAYO NG BAGONG MINSUL BOOK.HUHUHU
ALAM KO PONG BUSY KAYO PERO DAHIL AKOY' LIKAS NA MAKAPAL ANG MUKHA'! CHAROT!!! MAKIKIUSAP PO AKO SAINYO PLS.HUHUHU..KAINIS KASI COLLEGE NAKU PERO HAYSS..KAYO PO SANA MATAPOS NIYO PO KAHIT YUNG THE GIRL THE GANGSTER AND ME. BAGO PO SUMAPIT ANG MALILIGAYANG ARAW KO DAHIL BABYE NA AT KAILANGAN MAG FOCUS KUNO DAW SA PAG AARAL.KAHIT DI NAMAN NAG-AARAL EHOS;3 ..KAYA HINDI PO AKO MAPAKALI HANGGAT' HINDI KO NABABASA ANG HAPPY ENDING NI CLAIRE AT DYLAN BAGO MAGPASUKAN HUHUHU..KAYA PO SANAY' DINGIN NIYO ANG AKING KAHILINGAN MS GENIE ESTE MS AUTHOR XD ..PA UPDATE NA PO KAYO PLSS...HUHUHU

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...