THE SECRET DREAM

29 1 0
                                    

VIOLET'S POV



Naligo ko at inilihim ko kay Mama ang nangyari. Lalong hindi naging maganda sa pakiramdam ko ang panaginip na iyon. Lumabas ako ng kuwarto at naghanap ng makakain saka ako lumabas ng bahay. Naka- maong shorts ako at komportableng t-shirt at saka nagsuot ako ng rubber shoes.



Tinungo ko ang babuyan sa likod - bahay. Ngayon ko lang mai-explore ang buong bakuran na animo'y isang hacienda. Malawak ang sakop nitong lupain sa bandang likuran. May sagingan at niyugan pa kami sa bandang dulo kaya ang dami palaging naglalabas-masok na kalalakihan doon. Mangilan-ngilan ang mga kadalagahan, pulos matatanda at mga binata ang aking nakikita. Nakatingin ang mga kalalakihan sa akin doon, palibhasa ay first time kong makakita ng madaming biik sa koral. Nakangisi silang lahat ng lingunin ko. Ipinakilala ako ni Mama sa binatang nandoon.



"Siya nga pala si Dr. Godfrey IV Silverio..." Tumayo siya at tinanggal ang kanyang gloves.


"G4 na lang.." Sabay abot ng aking kamay habang titig na titig siya sa akin. Patay-malisya lang. "Hello, Violet." Ngumiti sa akin ang binata. Nakasuot sila ng puting labgown habang nagmamadaling tinanggal ang kanyang facemask. Malago ang kanyang buhok at kamukha ni Chan Yeol ng EXO.


"Beterenaryo siya, Violet. Siya ang nag-i-ineksyon ng mga biik natin para naman hindi mapeste..." Obvious naman eh na vet siya as if hindi ko alam.


"Okay, napakapoging Vet..." Kinamayan ko siya at nginitian pero napansin kong hindi niya kaagad tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Kung hindi ko pa hinila ay hindi pa niya ito bibitiwan.


"She's my daughter, a teacher , a writer and an author..."


"Mama..." Sinaway ko si mama sa ginawa niyang introduction sa akin.


"I'd love to hear that. What books do you write?" Sinundan niya ako habang tinitingnan ang mga koral. Sinilip ko ang inahin na nagpapahinga kasama ang nag-iiyakang biik at nag-uunahang dumede sa ina. Nakakatuwa sila. Pinkish talaga ang mga kutis nila.


"Familiar with Wattpad books." Iyon na lang ang sinabi ko. Ayokong bumili pa siya ng libro ko para lang magpa-impress na nagbabasa kuno ng libro tapos hindi naman pala. Knowing that he is a vet. Iba ang mga kaharap niyang libro.


"Oh, wattpad writer ka pala..." Mukhang aware naman siya na may WATTPAD.


"Umalis muna ako sa magulong siudad para mas makapag-isip-isip..." Sabi ko na lang. Wala kasi akong masabi.


"Hahaha... writer ka nga. Masyado kang palaisip. "



Wala naman sa akin ang usapang iyon. Basically like other single men and women who wanted to start a conversation and mingle with opposite sex, iyon ang step one. Know their interests. And I guess this time, G4 is a good conversationalist. Magaling makipag-usap, matalino at may humor, iyon ang mahalaaga sa lahat. Pagkatapos niyang mag-ineksyon sa mga biik ay pinuntahan niya ako sa ilalim ng puno ng mangga habang pinanunood saglit ang naglilitson ng baboy.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon