VIOLET'S POV
Hindi na ako nagmatigas pa. Hindi ko na matiis na hindi sila magkita ng kanyang ama. Pati si Mama ay naiyak.Matagal na silang di nagkikita ni Tita Cattleya. Si Xam ay hindi pa din. Nakikita ng kanyang Lola.
"Max,sana maayos ninyo ni Violet ang plano ninyo ngayon sa inyong pamilya?"
"Yes, Tita. huwag po kayong mag-alala. Pag-uusapan po namin ni Violet."
"Anong Tita? Hindi pa ba dapat eh Mama na ang tawag mo sa akin. Kung noon ay nalaman kung napakialaman mo si Violet, sana ay noon pa kita inobligang pakasalan ang anak ko. Eto kasing si Violet eh, ayaw niyang makahadlang sa mga pangarap mo. Hayan, inabot tuloy kayo ng kung anu-anong pagsubok. Sana malampasan ninyo ang darating pa. Umpisa lang ulit ito." Mahaba ang sinabi ni Mama pero malaman. May patama sa aming pareho ni Max pero mas malaki ang impact kay Max. Pinisil niya ang pisngi ko. Tinitigan niya akong mabuti at hinagod ang buhok ko. Kinuha niya sa akin si Xam at niyakap.
"Anglaki ng pagkukulang ko sa inyong dalawa. Hayaan mong punan ko lahat iyon."
"Paano ang career mo? "
"I'll stay here with you and Xam until everything is settled. Marry me, Violet. What seems to be the problem? " Naghikab na si Xam sa tabi niya at antok na ito kaya kinarga niya at ipinasok sa loob ng kuwarto. Pinahiga at tinapik-tapik. "Sleep tight Honey..."
" Please dont leave, Daddy."
"Sssshhhhh, sleep now..."
"Violet, anong problema?" Hindi ako umimik. "Tell me..."
"Wala...huwag mo akong intindihin. Pagkatulog ni Xam, you can go home. Pagod kana dahil galing ka pa sa Eat Bulaga."
"Violet, di ka ba naniniwala na nagbago na ako. Trust me like you did before."
Niyakap niya akong muli. Umaasa na babalik ang lahat sa dati ng isang iglap.
Kinabukasan, nagulat kami ng biglang dumating si Tita Tatiana. Hindi maganda ang timing niya. Mukhang nakatunog siya.
"Mama, napadalaw kayo?"
"Kumusta na kayo dito ng aking apo?"
"Okay lang po." Sabay pasok ni Mama. Tinitigan ako ni Mama at nagbeso ang dalawa.
" huh, Tatiana... Ang aga mo. What brings you here?" Minasama kaagad ni Mama Tatiana ang tanong na iyon ni Mama.
"Wala na ba akong karapatang dalawin ang manugang kung hilaw at ang aking apo, Balae..."
"Abah eh hindi naman sa ganoon. Wala naman akong ibig sabihin sa sinabi ko."
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...