NEW LIFE WITH PARIS

28 1 0
                                    

VIOLET'S POV


Nagising ako ngayong umaga na may bagong pananaw sa buhay. Hindi ko alam kumbakit ako nagkakaganito. The feeling has changed. Hindi mahirap mahalin si Paris lalo na kung ganito siya magpakita ng pagmamahal.  Have  I really fallen in love for him? This must not just be because something happened to us in the beginning. Paris loved me first. He stayed with me even in the darkest part of my life. He knew how i had been hurt during those times when Max cameback. Bago pa kami magkita ni Max at bago  ko pa malaman na magpinsan sila, alam niya kung gaano ako nasaktan na parang katapusan na ng lahat para sa akin upang muling buksan ang aking puso para magmahal ng iba. Hindi lang si Max ang lalaki sa mundo. May magmamahal pa sa akin pagkatapos ni Max. Hindi lahat ng lalaki ay naghahanap ng birhen upang mahalin ng totoo , tapat at wagas. Mahalaga kay Paris na magmahal kaysa siya ang mahalin. Talking to me and feeling sorry for everything na parang siya ang nakasakit in behalf of Max.


Now, he is here with me. He gave up his peaceful life in the province as a simple animal doctor and meat inspector just to be with me. 



Yes, just as Mama said, he barged in and he touched my body. We' ve been enjoying the pleasure of drawing our bodies together, feeling as one. With out the feeling of sorry but more of  contentment and love. That's what Paris showed me.


Nang sabihin niyang mamahalin niya ako kahit walang kapalit, parang unfair. Nagkakamali ako ng pagtawag sa kanya pero kung angkinin niya ako ay inari niya akong kanyang kanya. Sabi ko nga sa kanya, isa iyong parusa sa kanyang sarili. Pero tingnan mo, hindi niya ako iniwan. Nagwowork siya ngayon at hindi naman ako bantay-sarado. Pwede ko pa ring gawin ang lahat ng may kalayaan. I can still be with MYSELF. Hindi siya palaging nakabuntot sa akin.


Kagabi, hindi niya ako tinanong kung sino si Sadam. Hindi siya nagalit ng datnan niya akong di pa nakakaligo at di pa nakakaluto ng pagkain dahil day off ko at may work siya. Kaya lalong nahulog ang loob ko kay Paris.


Maaga akong gumising. Hindi na ako nakapagbihis. Pareho kaming hubad. Yakap yakap pa rin niya ako. Himbing pa rin siya. Gusto ko siyang ipaghanda ng masarap na almusal pero napansin kong namumutla siya at matamlay. Di ko alam kung maysakit ba siya o nag-aadjust lang dahil iba sa probinsya kaysa Manila. Mabilis ang buhay dito. Samantalang hawak niya ang kanyang oras dati. Now, may amo siya.


Tinawagan ko si Tita Tatiana. I am beginning to know Paris.



"Tita, good morning..."


"Violet,napatawag ka." Ramdam ko ang kaba kay Tita baka akala niya kung ano na at napatawag ako ng ganoon kaaga. "May nangyari ba?" Gusto ko sana siyang sagutin... Opo, mayroong himala because I have given up Max and the good news, tulad ng gusto nilang mangyari ni Mama. Yayain lang ako ni Paris ngayon na magpakasal at wait na lang sila kung ano ang magiging sagot ko. Kasi hindi ko din alam kung ano ang pwedeng mangyari. Di ko pa alam kung anong hangin ang papasok sa utak ko.


"Tita, ano pong favorite food ni Paris?" Parang nakakapanibago... Hindi ako sanay. Nahihiya talaga ako. Nakinig akong mabuti.  " Thanks , Tita..." At si Mama naman ang kinausap ko.



Tinanong ko kung paano magluto ng kaldereta. Tinatawanan niya ako sa kabilang linya. Gusto kong mainis. Ang aga niyang mang inis.



"Mama, bakit po ninyo ako tinatawanan? Nakakainis kayo! "



Tapos bigla siyang humikbi. "Anak, mag-aasawa ka na ba?" Hala, magpapaturo lang magluto ng caldereta...may pag-iyak... Bakitttt?



"Mama, anong nakakaiyak ? Di po ako marunong magluto." Baka kailangan ko ring magtanong kay Google. "Mama, do you think its about time?"


"Anak,just be sure of your feeling. You know the feeling of getting ignored. Hindi ka puwedeng magkamali sa iyong nararamdaman. Di mo ito puwedeng paglaruan..." It's a warning.


"Mama, alam mo hindi ko alam kung bakit ganito si Paris sa akin...He really did everything to make me fall in love with him. And I appreciate his efforts..."



Hindi ko kasi makausap si Mama ngayon. Busy din ako sa publishing house. Grabeh, busy ako after kung magpakalunod sa kalungkutan ng moving on. Who would have thought na ganito si Paris? Mas matindi pala siya kaysa kay Max.



Nakaupo ako sa working table ko habang tinitingnan ang bawat chapters ng kuwento ni Maggie at Inigo. May biglang humalik sa akin " Good morning , Mahal. Nag-coffee ka na ba?"



"Paris, masama ba ang pakiramdam mo? I ordered breakfast."


"Ano ka ba? Pwede naman akong magluto. Bakit di mo ako ginising?"


"Hindi ka naman atchoy dito. Treat yourself as my guest... My dear guest."



Pagdating ng food delivery ay kumain na kami at naghanda sa pagsisimba.



"Let's just stay at home and relax. May tatapusin pa akong kuwento."


"Parang napakaseryoso naman ng kuwento mo. Iyon ba ang iniiyakan mo kagabi?"


"Nakakalungkot kasi..."


"Ihiwalay mo ang tunay na buhay sa kuwento mo. Hindi maganda iyon."


"Feel na feel ko lang siguro. Nakabasa ka na ba ng books ko?"


"Hindi pa..."


"Don't dare. Baka ka makornihan ."


"Ano ka ba? Sweet akong tao and I respect individual differences...May kanya kanya tayong pananaw sa buhay."



Wow, ngayon ko lang siya nakausap ng seryoso. Humanga tuloy ako. Madami pa akong di alam kay Paris. And I am excited to know him better.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon