MAX'S POV
Sa totoo lang, ayokong umiiyak ng ganoon si Violet. Huli kong nakita siyang umiyak ng ganoon ay noong umalis kami ni Mama para sa aking modeling career. Gustong gusto ko siyang patahanin sa aking mga bisig. Ako ang tagapagtanggol ni Violet sa lahat ng mga lalaking nang-aasar at nambasted sa kanya. Ako ang crying shoulder niya tuwing nasasaktan siya kasi sinasabihan daw siyang pangit at mangkukulam. Ako ang unang yumayakap sa kanya hanggang sa huminto siya ng kaiiyak. Basang basa pa nga noon ang aking balikat.
Well, pareho lang kaming dalawa. Siya din ang takbuhan ko kapag nabasted ako. Kapag binully na kami nina Olivia, 'yung anak ni Prof. Oliver...siya ang nagtatanggol sa akin. Crush kasi ako ng babaeng iyon. Binigyan ako ng loveletter tapos noong hindi ko sagutin ang sulat niya, nagalit sa akin at araw-araw akong inaasar.
Pero ngayon, ang dating tagapagtanggol, ang siya namang nananakit ngayon. I am so sorry Violet. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat. Ayokong makita kang umiyak kasi mas nadudurog ang puso ko. Sising sisi ako ngayon dahil nasaktan ko siya.
Pagbalik ko sa bahay hindi na ako makausap ni Mama ng matino. Alam naman niya ang gagawin. Didistansiya siya sa akin. Hindi niya ako kikibuin at hindi na lang niya ako papansinin kasi kahit anong pilit niyang usisa sa akin, wala siyang mapapala. Iiyak na lang ako at susubsob sa kama. Iiyak. Hindi kakain. Magmumukmok at iiyak pa.
Ipinakita sa akin ni Paris ang bote ng lambanog. Iyon ang usong inumin doon.
"Halika, samahan mo akong uminom. Hay, nararamdaman kong mababasted ulit ako ni Violet. Hay naku, akala ko pa naman magkaka-girlfriend na ako ng diwatang kasingganda niya. Wrong timing din kasi ang dating mo, Insan..." Ako pa ang sinisi ng mokong na ito. Sarap niyang hambalusin. Basagin ko kaya sa ulo niya ang bote ng lambanog para matauhan din siya.
Hindi si Violet ang tipo ng babae na mahilig sa cute, sa pogi...Palagi niyang inuuna ang kabaitan nito, palaging kalooban ang sinusukat kaysa pisikal na madali namang maglaho. Siguro, may chance sana si Paris kung hindi lang niya nalaman na magpinsan kaming dalawa.
"Pasensiya ka na..." Ipinaglagay niya ako ng alak sa maliit na baso at nilagok iyon. "Kung mahal mo si Violet, ipaglaban mo, Huwag mo siyang sasaktan at paiiyakin tulad ng ginawa ko. Hindi ko pa siya nakitang masaya sa piling ng iba. Dahil kilala naman kitang likas na mabait, binabasbasan kitang ligawan siya." Anggaling maghabilin noh! Tiyak na magagalit si Violet kapag nalaman niya iyon. Minsan nga nahuli na rin niya akong ganoon, hay talagang hindi niya ako inimikan ng isang linggo. Huwag ko daw pakialaman ang tadhana niya. Minsan puwede daw namang mabago ang tadhana hehehe, asa pa siya. pagkapanganak niya, ang tadhana niya ay tapos niya. Ano bang mababago doon? Ano 'yun script lang na puwedeng baguhin? Puwedeng i-edit kapag may mali.
Pagbaba ni Fiona, nakasimangot na siya sa akin. Tinitigan niya ako ng masama pero hindi ko siya pinasin.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Storie d'amoreA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...