MAX'S POV
Excited talaga akong umuwi. Atlast, nakawala ako sa tanikala ng pagkakagapos kay Fiona. Nakahinga talaga ako ng maluwag dahil hindi natuloy ang kasal namin. Mabuti at hindi pinahintulutan ng tadhana na mapunta ako sa iba. At tiyak na pagsisisihan ko ang lahat. Tumawag ako kay Paris. Noong una ay hindi naman siya umimik pero ng ikalawang tawag ko ay saka siya nagsalita.
"Nasa banyo kasi ako ng tumawag ka. Naririnig lang kita pero hindi ako makasagot dahil basa ang kamay ko. Hindi ko mapindot ang speaker phone..." Sabi niya.
Tinanong ko si Violet pero iniiba niya ang usapan. Hindi niya ako kayang tapatin ng lalaki sa lalaki kung ano ang totoo. Gusto ko lang sabihin niya kung ano ang estado nila ngayon ni Violet dahil noong umalis kami nina Mama at Fiona ay hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Hindi rin maganda ang pinatunguhan ng huli naming pag-uusap dahil nag-iinuman kami. Alam kong puwede niyang samantalahin ang pagkakataon. Hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyari bago ko pa nasabi sa kanya na hindi natuloy ang kasal. Madaming puwedeng mangyari at hindi ko kontrolado iyon dahil malayo kami sa isa't isa.
"Max, sinundan daw ni Paris si Violet sa Maynila."
"Ganoon po ba?" Nakangiti pa ako ng sabihin iyon ni Mama.
"Mukhang nagsasama na sila sa iisang bubong. Anak, let go of Violet. "
"NOOOOO...." Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Madaming nagbago ng iwan mo siya. Naghintay siya sa wala."
"NO, hindi ako makapapayag. I will win Violet back. I swear. I am going to take her back."
"Max, you've hurt Violet too much."
"Mama, hindi ko sinasadya na nangyari iyon. Besides, walang nangyari sa amin ni Fiona."
"Kung wala naman pala eh bakit pa tayo umuwi. Ipinakilala mo pa si Fiona sa mga kamag-anak natin. Nagkita sila ni Violet. Muntik silang magpang-abot."
"I was so sorry..."
Napayuko ako noon sa sopa ng malaman ko ang balitang iyon. Syiempre, may komunikasyon pa rin si Mama kay Tita Cherry. She always makes sure that Violet is doing fine after our break up and closure. Alam kong alalang –alala siya kahit noon bago pa kami makauwi. Wala siyang inisip kundi si Violet. Paano na si Violet? Ano na ang mangyayari sa kanya ? Dahil nga may nangyari sa aming dalawa. Nasira na ang kinabukasan niya dahil sa akin at kung anu-ano pang pag-aalala ang kanyang naiisip.
Ni minsan ay hindi ko nakitang ganoon mag-alaala si Mama kay Fiona na muntik-muntikan kong mapangasawa. Walang tigil niya akong sinermunan at hindi naging maganda ang relasyon naming dalawa dahil doon.
Kailangan kong kumpirmahin kung ano ang totoo.Magtutuos talaga kaming dalawa ni Paris. Hindi ko palalampasin ang kapangahasang ginawa niya. Hindi ako makapapayag sa mga nabalitaan ko.
Hindi puwedeng mapunta sa kanya si Violet.
Hindiiiiii!
(Nakakuyom ang aking kamao at handang manuntok anumang oras. Galit na galit ako. Hinding hindi ko talaga siya mapapatawad. Isa siyang AHAS!)
BABALA:
Ang kasunod na kabanata ay puno na usapang sekswal. Huwag basahin kung hindi handa ang isipan.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...