VIOLET'S POV
Muli kong nakita ang balitang iyon...babalik na si Max at ikakasal na daw siya. Pinatay ko na kaagad ang telebisyon. Nasa dilim ako at nag-iisip...
"Congratulations, Max. We want to cover your wedding day."
"Sure, why not? " Sabi ni Max. Hinawakan siya ng katabi niyang babae habang iniinterview. Iyon kasi ang nadatnan kong eksena. Angsaya-saya naman ng babae.
Tapos heto si Mama, sinabi niyang ikakasal na daw si Max. So, I was thinking...she has no reason for staying here with us together with my kids. Tiyak na doon siya sa mag-i-stay sa bago niyang manugang. Hindi na ako nagsalita. Tinalikuran ko siya. Nag-impake kami. Maya-maya ay nagpaalam siya dahil magsisimba daw sila ni Tita Ana...sa ChocoHills siya matutulog.
"Mommy, where are we going?"
"Shhhhhhh..." Hindi na ako nagsalita. Wala namang pasok si Xamxam...Biyernes noon kaya naisip kong mag-weekend sa Batangas. Uuwi na lang kami bago mag-Lunes. Magpapahanap na kaagad ako ng matutuluyan. Si Mavi naman eh next year pa papasok . We can easily vacate this place dahil hindi naman kami nagdagdag ng mga kagamitan doon.
"Max, why does it hurt so bad???" Lalo akong nasaktan sa balitang iyon. Maaga kong pinatulog ang mga bata. Maaga kaming aalis. Tiyak na bandang 10am pa naman uuwi si Mama but for sure, magtataka siya kapag nakita niyang wala na kami doon. Mag-iiwan na lang ako ng sulat para sa kanya at idadaan ko din ang sulat sa Love Publishing. Guwardiya na lang ang bahalang magdala nito sa opisina ni Ms. Purisima.
Tahimik ang aking mga anak habang nasa biyahe kami. Kailangan ko silang mailayo sa lugar na iyon. Ayokong mabalitaan nilang ikakasal na ang kanilang ama sa iba. Hayun, habang lumilipad ang aking isipan, tumulo na ang aking luha. Tama lang talagang matapos na ang kuwento ni Max sa isang kasal. Dahil doon, makakapagpanibagong buhay siya sa piling ng iba.
Makaka-move on ba ako ngayon? Huhuhu...
Para sa mga anak ko, kailangan kong magpakatatag ngayon. Hanggang kailan ba ako masasaktan ni Max? It will end here once we have settled what to do with the kids. Sa akin pa rin sila. At magiging masaya rin naman ako sa aking mga anak. Sa probinsya na lang kami mananatili. Kung gusto silang makita ni Max, hindi ko naman sila ipagkakait.
Hindi ko muna tinanggap ang tawag nila. Tama na iyong naaksidente kaming lahat dahil sa kapabayaan ko. Ilang oras lang naman ang biyahe. Maaga kasi kaming umalis sa bahay kaya walang traffic. Gulat na gulat si Honeylet ng makita ang mga bata. Kinuha niya si Mavi. Inutusan niya ang mga baguhang kasambahay na tulungan siyang kunin ang mga gamit sa likod ng compartment ng kotse.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...