MELANIE'S POV
Nakausap ko si Max habang comatose si Violet. Nakita ko ang pag-aalala niya sa kanyang mag-iina. Mabuti at naging maayos ang dalawang bata. Mas kabado siya dahil matagal bago magkamalay si Violet but he didn't show up infront of Violet nung magising na siya. That day na una kaming nagkausap after a long time ang huli na rin naming usap.
Actually , madami kaming napag-usapan lalo na sa pagsusulat ni Violet. Big deal talaga para sa kanya ang mga isinusulat ni Miss Author kaya pati saloobin niya tungkol sa Wattpad account ni Violet eh hindi na niya naitago sa akin. He knew Violet too well. What struck me was that,kapag isinusulat na ni Violet ang mga salitang dapat sana ay sinasabi niyang ng personal, nagkakatotoo daw lahat ng iyon.
"Huh, really???" Nakakatakot kung ganoon. Imagine mo, kung may ganoong power si Violet... lahat ng isinusulat niya na gawa ng kanyang imahinasyon ay posibleng magkatotoo in the future. Hindi ako naniniwala sa mga ganito. Coincidence lang din siguro.
Then, personal niyang hiningi ang email add ko noon at nakiusap siyang maging friend kami. After three months, I received a message from Max.
"Para makibalita lang..." Alam niyang magiging mailap sa kanya si Violet. Hindi siya kakausapin nito. Sinabi niyang si Xamxam lang ang nakakausap niya at hindi rin niya alam ang tungkol kay Mavi. Convinced naman siya na anak niya ang bunsong anak ni Violet. Well, sa ginawa niyang di pagpapakita kay Violet after nitong gumising from a long sleep... magagalit nga talaga sa kanya si Violet. Bakit naman kaya? Ah, that is mind puzzling. Puwede naman siyang magpakita at kumustahin na rin si Violet pero biglang bigla siyang umalis... ng hindi nagpapaalam.
Pagbalik ni Violet sa opisina ay mas tahimik siya. Focus sa trabaho at lalo siyang naging busy sa loob ng kanyang cubicle. Madalas kong marinig na may nagdideliver ng mga bulaklak doon.
"From Max Oliveros po..."Sigaw pa ng delivery boy. Napapangiti lang ako. Hindi nakakalimot ang puso kahit sa malayo. Maraming paraan para punan ang kanyang pagkukulang. Nagsisikap , nag-i-effort. But I see a cold Violet. She doesn't seem to see all the efforts. She actually ignore it and she doesn't give any comment or compliment.. Ipinamimigay niya lahat ang mga bulaklak. I can not judge her exactly kasi di ko naman siya nakikita kapag natatanggap niya ang mga bulaklak. Hindi ko din siya nakikitang masaya. Parang lalo siyang naging malulungkutin after all this time. What I see is not everything, iyon na lang ang inisip ko. Hindi pa iyon ang kabuuan ng lahat para husgahan ko ang kanyang pagkatao. Maaaring may pinagdadaanan siya at may mga bagay na hindi niya lubusang kayang tanggapin.
"Wow, napakasuwerte mo naman Violet. Hanggang ngayon...kahit nasa ibang bansa si Max my love... dumadagsa ang sariwang bulaklak dito sa cubicle mo." Sabi ni Fatima.
"Gusto mo ba?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...