VIOLET'S POV
Hey, it's me
I'd never thought I'd feel this love again
And I just can't believe you're right here with me
Bandang alas siyete na ng gabi kami nakarating sa Villa. Matagal- tagal na rin akong hindi nakauwi sa probinsiya. Dito na gustong manatili ni Mama. Sawa na daw siya sa buhay Maynila.
"Bakit mo naman pinatay si Tita Cherry sa libro mo?" Habang papasok pa lang kami sa kanilang malawak na bakuran.
"Wala namang masama doon. Hindi naman iyon totoo, ano ka ba?"
"Sa susunod, puwede bang ibang pangalan na lang ang gamitin mo.Puro mga kakilala natin ang..."
"Max...writer ako. Iba ang pagsusulat sa totoong buhay. I am not a God. "
"Yeah...I know. " Minsan talaga, hindi namin maiwasang balikan ang kuwento ni Violet. Bumaba na kaming sa kotse. Sinalubong kami ni Tita Cherry. Sa likod bahay siya galing.
"Mama..." Niyakap niya ako. Sinalubong din niya ng yakap si Max. Lalo siyang natuwa ng makita kaming magkasama.
"Max..." Mas excited pa siyang makita si Max kaysa sa kanyang anak."Kumusta? Kailan na pa umuwi?" Mahigpit ang yakap niya.
"Max....Kumusta?" Huh, si Paris...
"Bakit ka nandito?"
"Ah, siya ang vet namin. Nanganak kasi ang mga baboy kaya nandito si Doc. " Siniko ko si Max. Ngiting aso lang siya. Di ko alam kumbakit titig na titig si Doc sa akin. Nakita ko ang lihim na senyasan nilang magpinsan. Mukhang nagbibigay ng babala ang bagong dating. Tinitigan ko siya ng masama. Subukan lang nilang mag-away dito ngayon at pag-uumpugin ko silang pareho.
"Ano ka ba?Kauuwi mo lang parang aawayin mo naang pinsan mo? " Bulong ko kay Max. "Doc, kumusta po?Madami bang anak ang aming mga piggy... Max, halika... tingnan natin 'yung mga alaga natin."
We started investing already. Nagtanung-tanong ako kay Mama kung paano ba ang negosyo sa babuyan. Magaling kasing mag-alaga ng baboy si mama. Anggaling manganak ng kanyang mga alaga. Hindi ko iyon nabanggit kay Max.
"Mga baboy natin???" Pati si Mama eh nagulat. Hindi ko pa maipapaliwanag ngayon.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...