MAX'S POV
Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan at magkatapat pa naman kami ni Violet. Katabi niya si Paris. Hinayupak tong pinsan ko eh. Sweet – sweetan kay Violet. Kilala ko din itong si Violet, pangiti-ngiti lang. Ni hindi man lang magpakipot. Kapag inakbayan, nagpapaakbay din. Kailan pa siya naging magiliw sa mga lalaki. Dati, takot na takot siyang lapitan nina Sadam at Bojo. Ni ayaw nga niyan maidikit sa balat nila ang kanyang balat. Tapos ngayon hinahayaan lang niya si Paris kaya lalo akong naiinis. Tahimik lang kaming kumain. Inaalalayan ko ding kumain si Fiona dahil hindi siya pamilyar sa mga pagkain na nakahain.
"Honey, what is this?" Tanong niya. Hindi tumitingin sa gawi namin si Violet dahil nagpapapansin itong pinsan ko sa kanya. Okay na rin.
"That's adobo...pork cooked in soysauce and vinegar. Do you want some?"
"I wanna taste it. It looks good and it smeels delicious." Sabay halik sa akin. Ganoon ka-showy si Fiona pero ngayon lang iyon. Hindi ko naman kasi talaga siya naging girlfriend . Ni hindi nga kami nag-date and most of all hindi ko siya niligawan. It was all but a one night stand tapos buntis kaagad.
Eh kaya nga ayaw ni Mama sa kanya. Hindi ko din sigurado kong may nangyari nga talaga sa amin. Basta sabi niya mayroon. Sabi tuloy ni Mama, angtanga-tanga ko daw. Angbilis kong nauto. Hindi ko siya nilapitan. Nasa labas sila ni Paris at hindi ko namalayang halos magkandahaba ang leeg ko kanina pa sa pagsilip sa kanilang dalawa.
"What's wrong with you? Who is she anyway?"
"Ha a e...' sabay kamot. Ngiting aso lang ang naisukli kong ngiti. Hindi tuloy maipinta ang mukha ni Fiona. Biglang tumunog ang kanyang cellphone atsaka lumayo siya. Lately, palagi siyang lumalayo sa akin tuwing natatanggap niya ang tawag na iyon. Hindi naman ako marunong magduda. Hindi ko din ugaling ang manubok. Hindi ko alam kung tiwala lang ako kay Fiona o dahil balewala lang talaga siya sa akin. Mas worried pa nga ako kay Violet kaysa sa kanya.
Halata ni Fiona sa kilos ko na kilala ko si Violet pero si Paris ang sumalo..." She is my girlfriend, Fiona. Meet Violet. Violet, meet Fiona, my cousin's fiancée." Makadiin sa salitang fiancee, wagas! Kulang na lang ipagduldulan sa mukha ko.
Hinintay ko si Paris hanggang makauwi galing sa paghahatid kay Violet. Hindi na ako nagkunwari. Kanina pang nangangati ang kamay ko para suntukin siya.
"Walang hiya ka!" Sumadsad siya sa lupa. Isang taon lang ang agwat namin ni Paris kaya hindi niya ako tinatawag na kuya. Pinsan lang ay okay na.
"Teka, ano bang problema mo?" Oo nga naman. Ano nga bang problema kong girlfriend niya si Violet eh sa sitwasyon namin ngayon, balewala na si Violet para sa akin dahil I am about to get married. " Para saan ang suntok na iyon? Nasaktan ka ba? Nainsulto ba kita ha!? Mas makapal ang mukha mo. Grabeh, nagawa ka pa niyang iyakan. Samantalang walang kuwenta ka namang kausap."
Lalong nakakalalaki di ba?
"Masyado kang bilib sa sarili mo, Insan. Hindi ko akalaing magagawa mo ito kay MarVi. Hangang hanga pa naman ako sa iyo dahil kahit ganoon ang hitsura ni Violet sa picture, naipagmamalaki mo pa sa akin na siya ang babaeng pakakasalan mo balang araw dahil nasa kanya na lahat ang ugaling gusto mo sa isang babae. Tapos ngayon...Well I got her now. Huwag kang mag-alala dahil mamahalin ko siya, higit pa sa kaya mong ipakita."
"Walang hiya ka talaga! "
Sinalag niya ang suntok ko at napahagingan niya ako ng isang suntok sa pisngi. Hindi na aKo nakailag sa isang suntok sa sikmura. Tuluyan akong napayuko sa batuhan sa tapat lang ng bahay namin. "Layuan mo na si Violet. Mas mabuti ang ganito. Pagkatapos mo namang ikasal, I doubt kung mananatili ka dito. Kahit si Fiona ay malabo mong itira dito dahil tiyak kong hindi siya makaka-adopt sa lugar natin. Puwede siguro sa siyudad. Max, hindi ka na dapat nakikipag-away pa kay Violet. Iba na ang buhay mo ngayon. "
Hayun, sa bandang huli.... nag-inuman kami. Sinabi ko lahat kay Paris ang lahat-lahat. Lasing na kami kaya ang lakas ng loob kong sabihin ang nilalaman ng kalooban ko.
"Insan, hanggang ngayon mahal ko pa rin shiyaaaa!"
"Maxxsh, ulol... huwag kang GGSS ha! Galit shi Violet pati sha akhin...dahil shayoooo!" Lasing na talaga kami. "Pero napamahal na shiya sha akhin...hikkk!"
"Hindi... akin lang si Violet...."
"Hindi... akin na ngayon si Violet at shi Fiona na ang love mo, OGRE..." Hindi ko alam kung anong oras kami natapos at kung paano kami nakapasok sa mga kuwarto namin.
Kinabukasan , hindi kami nag-usap ni Paris. Minabuti kong kausapin ng harap-harapan si Violet ngunit ayaw niya akong kausapin. Nakiusap ako.
"Violet, please naman. Mag-usap tayo." #Walangkami... Nasa bintana ako noon.
"Kausapin mo naman ako..." #Inmythickface ...Asa pa ako pero wala akong napala. #Nganga... Nananatili ako sa kanilang bakuran hanggang abutin ako doon ng tanghalian. Hindi ako umalis sa tapat ng kanyang binata.
"Violet..." Sigaw ko. Alam kong hindi niya ako sisilipin. "I just wanna tell you how sorry I was. I hurt you. You don't deserve being hurt rather you deserved to be loved more than ever. I just can't go back to where we used to be. A lot of things changed. You even changed a lot. Violet, let us talk. Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa mga ginawa ko. Paasa ba ako? Pa-fall? Call me whatever you want. I will accept it. Gusto ko lang marinig lahat ang gusto mong sabihin ngayon. Curse me now..." Pero hindi ugali iyon ni Violet. Alam kong umiiyak siya sa mga oras na ito. Alam kong galit na galit siya at nagwawala sa loob. Tiyak na sumisigaw siya habang nakatakip ang unan at sinusuntok ang kama.
Hay si Violet....
=(
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Lãng mạnA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
