REVENGE OF MAX

24 2 0
                                    

MAX'POV



Umabsent lang ako ng isang araw para sa commercial shoot ng isang brand ng bag. Naghintay ako sa loob ng kuwarto ni Violet. Nagbasa ng libro sa Wattpad. Nabasa ko doon ang kuwento ni Max tungkol sa kanyang isang linggong pag-ibig. Bigla akong natawa. Isang araw lang ang pagitan matapos i-post iyon ni Violet ng magbreak kami ni Maegan. Napailing ako dahil tugmang-tugma lahat ang nangyari sa amin ni Maegan.



Well, all of which is just a coincident only. Hindi naman puwedeng ma-predict kung ano talaga ang mangyayari sa relasyon naming dalawa. Hindi ako nagsisisi at hindi ko ibubunton ang sisi kay Violet. She is just a writer, hindi siya fortune teller. Wala siyang kakayahang mahulaan kung nao ang mangyayari sa maing dalawa ni Maegan. Maikli lang ang kuwentonog iyon kaya natapos ko kaagad basahin. Tamang tama lang sa pagdating niya. Hindi niya ako napansin.



Umiiyak si Violet. Itinakip niya ang una sa kanyang mukha at sumigaw. Galit na galit si Violet. Nilapitan ko na siya at doon ko nalaman ang nangyari.



Kahit ganoon si Violet, ayokong may nagpapaiyak sa kanya. Ano naman ang kasalanan niya kung ganoon ang hitsura niya? Tama bang pagkatuwaan siya dahil sa promdate niya?



May ilang babae na rin sa mga Third year ang nagbakasakali at naglakas ng loob na magparinig na i-date ko sila sa prom. May isa nga na lumapit talaga sa akin at nag-volunteer na idate ko siya pero umiling ako at lahat siya ay tinanggihan ko.



I am going to ask Violet for my prom date. Now is the time to let everyone know that she will be my one and only Violet.



Pumasok ako ng maaga para magtuos kami ni Olivia , the Bully.Hindi naman ako makikipaghamunan ng suntukan. Lilinawin ko lang ang mga sinabi niya kay Violet.



"Anong ginawa mo kay Violet? Ikaw, akala mo ang ganda-ganda mo. Masama ang ugali mo!"


"Abah, Max...Kilala mo ba kung sino ang kaharap mo?"


"OO naman. Ikaw si Olivia Watson na anak ni Prof. Oliver Watson na tinaguriang Bully Professor. No doubt kaya ganyan ang ugali mo. May pinagmanahan ka." Hindi ko na rin napigilan ang bibig ko. Iyon kasi ang totoo. Bully idn ang tatay niya. Natural bully din siya sa kabila ng alam namin na napakabait ng kanyang Kuya at Mama. Bakit ba hindi man lang siya nakamana ng kahit konting kabaitan sa kanyang Mama.


"Abah...anglakas ng loob mo ha!"


"Bakit? Ikaw lang ba ang malakas ang loob dito dahil ipinagmamalaki mo ang tatay mo?" Pero nangingilid na ang luha sa mata ni Olivia. Ayaw kasi niyang nakakaladkad ang pangalan ng kanyang mga magulang. "O ano? Gusto mo bang isumbong kita sa ...." Pinagbantaan ko na siya.


"Don't you dare mention her name here, Max. You will regret it." Ayaw niyang madadawit ang pangalan ng Mama niya.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon